CHAPTER 9.1 GIRL'S POVS

2.1K 17 9
                                    

CHAPTER  9.1 GIRL’S POVS

__*Lala__

grabee si kuya japoy!!!!! natulog sa sofa pagkatapos akong pagtawanan habang umiiyak. kitang kita ko yun, pinagtawanan niya ko!! haha :D pero okay lang.. naaawa ako sa kanya.. habang natutulog siya, banggit banggit niya pangalan ni kendi.. grabe. mahal niya talaga.

habang natutulog si kuya japoy ..

“boy, ano kaya magswimming party tayo?” sabi ni jasper kay lester habang papaupo sa carpet at may hawak na lata ng beer.

tumingin lang sakin si JL tapos sinagot si jasper.

“eh pano yan, madilim sa may bandang dagat, di tayo magkakakitaan.”

“boy, dun kaya tayo kina lalang cottage.. eh, diba may pool malapit don?” sabay tungga ng beer niya si jasper.

tumingin uli si JL sakin. “ano la? pwede ba? kung ayaw mo.. o..—“

“okay lang.” sabi ko with a smiling face.

bigla bigla nagulat kami, tumayo si kuya japoy,, ano kaya yun?? tumakbo sa labas!? nagsisigaw daw sabi ni kaloy. nyek??? pinuntahan ko si love sa kusina,

“Love, swimming party daw tayo sa cottage naten.”

ngumiti lang si love. tapos inaya ako pumunta sa cottage namin para ayusin ang mga kalat dun. nagpaalam ako kay JL, nakita ko si kuya japoy, hawak hawak noo niya. grabe.. ano ba siya??! parang bata talaga!!. di na niya ako nakita nung lumabas ako sa pinto. siguro meron siyang something na nararamdaman ngayon. ewan? :confused:

__*Love's POV__

kinwento ni JL kay lala yung nangyari sa daddy niya. ito namang si La, umiyak agad!! inakbayan ni JL si Lala. TSK! bakit ba, bakit ba kasi.. si JL pa. MAHAL KO PADIN SIYA. napatayo ako.. pumunta ako sa kung saan man ako mapadpad. tinignan ko sa kusina kung may ice cream pa, buti! meron pa.

“love, anong meron sa inyo ni Lester?” tanong nung lalaki sakin habang kumukuha ako ng ice cream.

“huh?” napakunot noo ako.

napatawa siya. “pwede ba.” tapos nilagyan niya ng tubig yung basong hawak niya..

“alam ko kung merong “something” ang dalawang tao”

napatawa ako. umiling at syempre tumanggi sa paratang niya.

“grabe ka po kuya, di tayo close, and.. walang “something” between me and JL, okay? best friend ko kaya girlfriend niya!” 

tapos umalis nako doon at umupo sa may dining room.

habang kumakain ng isang tasang ice cream, napapaisip ako.. bakit masakit.? bakit kasi ang tanga ko?! matagal nato eh, bakit bumabalik paaa!!!! buwisit. bwisit talaga. tapos nakisabay pa yung jeff ba yun? hay! feeling niya close kami? no way men! tarayan ko nga. haha!

oh well, 3 years na nakalipas, madami dami nadin naman akong nagging boyfriend after 2003. 

first quarter of 2004, may naging communication padin kami ni JL, pero nung nagumpisa uli ang klase, nawala eh, muntik na kasi akong mahuli ni La nung pinakialaman nya yung cellphone ko. 

haaaaayyy…

alam niyo pinaka mahirap sa lahat ng pakiramdam? yung taong mahal mo, eh ang pinakamatalik mong kaibigan yung mahal. diba ang sakit non? haay. buhay. ewan ko ba.. hindi naman kasalanan ni lala na mahalin siya ni JL, kasi mahal din naman niya si JL eh. ako? extra lang ako sa love story nila..

habang napapasarap ako ng kain ng ice cream.. may umupo sa tabi ko. ewan ko kung sino yun, ..

ah. yung lalaki kanina. si madam auring. ang kulit niya!

“ano nga? diba may something kayo ni lester?” sabi niya sakin.

tutal paubos nadin naman ang ice cream dito sa tasa ko, tumayo ako, tinaasan ko siya ng kilay at bumalik duon malapit sa lababo.. maya maya.. nakita ko yung jeff papalapit sakin, pero naunahan siya ni lala na kausapin ako na papalapit din. magsswimming party daw sa pool sa tapat ng cottage namin. okay? so.. inaya ko sya.. puro kalat pa kasi ron, maliit lang yung cottage na yun, di tulad nitong kina JL, kaya nakakahiya naman kung maliit na nga, makalat pa.

pumunta na kami ni lala sa cottage, mejo malayolayo, pero carry naman. haha! magkahawak kamay pa kami ni lala ha?! kung alam lang niya.. mejo, natraydor ko siya. slight lang naman :D :smirk:

habang nag-aayos kami ni lala sa cottage, napapansin ko, panay ang tingin niya sakin.. para bang, gustong gusto niya na sabhin ko kung ano talaga ang nangyayari. wew. :facepalm: anong gagawin ko ngayon?

*to be continued

Hot Love ♥ Finished! 05.09.11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon