20 --- Mending scars

27.3K 1.3K 215
                                    

"Huwag ka nang magsinungaling, Lucas. Kailangan mo ako. Kailangan mo kami."

________ _ _ __

KABADO AKO sa bawat hakbang na ginagawa ko palapit sa bahay ni Lucas. Ilang beses akong napaatras at ipagpapaliban na lang sana ang pagpunta ko rito ngunit agad ko namang nakikita ang sarili ko na muling bumabalik.

Ilang beses kong pinindot ang doorbell pero walang nagbubukas ng pintuan. Kaya agad ko na lamang itong binuksan. Hindi pala talaga ito naka-lock.

"Lucas," pagtawag ko sa pangalan ni Lucas pagkapasok na pagkapasok ko pa lamang.

Napakagulo ng buong bahay. Sira-sira ang mga kurtina, basag ang mga salamin at vase, nakakalat ang mga muebles at sira-sira rin ang wallpaper ng dingding.

"Lucas." Muli kong pagtawag ngunit wala talagang sumasagot.

Narito kaya siya?

Tumaas ako sa pangalawang baitang at napakahawak ako sa bibig ko nang makita ko ang dugo sa sahig. Sa bawat paghakbang ko'y may mga patak ng dugo. Sinundan ko ito at dinala ako ng mga paa ko sa harap ng kwarto ni Lucas.

Nang buksan ko ang pintuan ay nadatnan ko si Lucas na nakahiga sa kulay puti niyang kama. Puro dugo ang kanyang damit lalo na ang kanyang kamay.

Patakbo akong lumapit sa kinahihigaan niya at agad ko siyang ginising.

"Lucas! Lucas!" Paulit-ulit kong sigaw.

Dahan-dahang dumilat si Lucas at bakas sa mukha niya ang pagkagulat nang nakita niya ako. Ngunit mukhang nanghihina siya kaya mahinang pagtulak lang sa akin ang nakayanan niyang tugon.

"Anong ... anong ginagawa mo rito?" Tanong niya habang pinipilit niyang umupo sa gilid ng kama. Mukhang kumirot ang sugat niya sa tagiliran kaya napahawak siya rito.

"Anong nangyari? Bakit sugatan ka? Ano na naman bang ginawa mo?!"

Hindi ko inaasahan ang mga lumabas sa bibig ko. Hindi ko sinasadya na sigawan siya. Sobra lang talaga akong nag-aalala.

"Wala ka na 'dun. Umalis ka na, Leah," wika pa niya.

"Huwag ka nang magsinungaling, Lucas. Kailangan mo ako. Kailangan mo kami. Ayaw mong lamunin ka ng hybrid sa katawan mo. At handa na ako. Handa na akong tulungan ka," tuloy-tuloy kong sinabi habang pinipigilan ang pagkabasag ng boses ko.

Tumayo si Lucas, nanghihina man ay lumapit siya sa akin.

Akala ko'y kung ano ang gagawin niya. Akala ko, sasaktan niya ako o kaya ipagtatabuyan. Ngunit hinaplos niya gamit ang duguan niyang kamay ang pisngi ko. Kita ko ang kalungkutan sa mukha niya. Iniyuko niya ang kanyang mukha at dahan-dahan niya akong niyakap.

Wala nagsalita sa aming dalawa. Nanatiling lang kaming magkayakap habang pareho kaming umiiyak.

________ _ _ __


Nakaupo si Lucas sa puting kama niya habang papalapit ako sa kanya. Hawak ko sa magkabila kong kamay ang isang maliit na planggana na mayroong maligamgam na tubig.

"Kailangan mo ba talagang linisin ang sugat ko?" Muli niyang tanong.

Tumango lang ako at humarap sa kanya.

Aalisin ko na sana ang pagkakabutones ng suot niyang puting long-sleeves na polo ngunit pinigilan ako ni Lucas.

"Ako na," wika niya.

Nangingiti akong tumango.

Hinubad niya ang polo niya at agad na tumingin sa akin. Kung dati ay para bang napakatapang ng kanyang mga mata, ngayo'y iba ang pakiramdam ko sa mga ito. Para bang naging inosente ang mga ito ngayon.

Umiwas ako ng tingin at itinuon ko na lamang ang pansin ko sa sugat niya sa tagiliran. Bakas rin sa iba pang parte ng katawan niya ang iba pang mga tuyong sugat na halatang hindi nalinis man lang.

"Ano bang pinaggagawa mo at parang sumabak ka sa gyera?"

Umiling-iling ako noong nagkibit-balikat lang siya.

Kinuha ko ang bimpo na nasa may mesa sa gilid ng kanyang kama at sinimulan ko nang linisin ang sugat niya. Inabot ko ang kanyang kamay at inalis ko rin ang mga dugo rito.

Ramdam na ramdam ko ang pagtitig sa akin ni Lucas habang ginagawa ko ang mga ito. Pilit ko namang hindi pinapansin ang kanyang pagtitig para hindi mawala ang konsentrasyon ko sa paglinis ng kanyang sugat.

Pagkatapos kong linisin ito ay kinuha ko ang antibiotic na ointment na nahanap ko rito sa bahay niya. In-apply ko ito sa kanyang sugat.

"Kailangan ba talaga nyan?" Tanong na naman niya.

"Oo nga," tugon ko.

Sunod kong kinuha ang bandage wrap. Mas lumapit pa ako sa kanya at ipinuwesto ang kamay ko sa gilid ng kanyang katawan upang sana ay maibalot ko nang maayos ang bandage wrap sa beywang niya. Ito na lang kasi ang nakita ko rito, kung may gauze pad lang sana siya, mas okay.

"Ayan, okay na." Tumayo ako at nginitian ko siya.

Napayuko si Lucas.

"Hindi ko alam na ngingitian mo pa ako nang ganyan pagkatapos ng lahat ng ginawa ko sa'yo." Muli niyang itinaas ang kanyang ulo at tumingin sa akin. "Baka hindi ka pa sigurado na tulungan ako. Ayos lang sa akin kung galit ka pa rin sa akin. Huwag mong pilitin ang sarili mo dahil sa awa o kung ano pa man. Hindi na importante ang katulad ko dito sa mundo. Hindi importante kung maliligtas pa ba ako o hindi. Hindi importante kung basta na lang akong mawala." Dahan-dahang tumayo si Lucas at inabot ang kamay ko. "Ikaw. Ang buhay mo ang importante."

Ngumiti ako, "Sigurado na ako, Lucas."

Napayuko kaming dalawa.

"Oh, tara na."

Sabay kaming napalingon ni Lucas noong narinig namin si Ares. Nakapamulsa siya habang nakasandal sa may pader malapit sa nakabukas na pinto. Nasa tabi niya si Damasen.

"Tagal nyo eh. Limangpung araw na lang ang natitira para kay Lucas. Kailangan na nating magmadali," muli niyang sinabi habang tinataasan kami ng kilay.

"Panira ka talaga kahit kailan." Natatawa namang wika ni Damasen sa kanya. Inihawi ni Damasen ang magkabilang parte ng kanyang buhok at tumingin din sa amin. "Magsimula na tayo ngayon din," wika niya habang mas lumalaki ang ngisi sa kanyang mga labi.

Tinaas ni Ares ang hawak niyang dyaryo. Agad kaming lumapit sa kanya ni Lucas. Inabot ko ang dyaryo at bumungad sa akin ang mukha ng isang lalaki.

"Siya si Victor Ibañez. Isang sikat na doktor sa Maynila. Sikat siya hindi dahil sa isa siyang napakagaling na doktor, kung hindi dahil laging nadadawit ang pangalan niya sa mga sikat na artistang babae pati mga models at iba pa, basta magaganda. Iba sa mga nauna nating nakaharap, sa Liwanag itong si Victor." Huminto si Damasen nang sandali at lumapit pa lalo sa amin. "Hawak niya ang pang-apat na libro."

Muli kong tinignan ang mukha ng lalaki. Nakangiti siya habang pinagkakaguluhan siya ng mga reporters at may katabi siyang babaeng maganda.

Kakaiba siya sa mga nakikita kong doktor dahil sa kulay puti ang kanyang buhok. Ngunit bagay naman ito sa kanya ... hindi lang siguro normal para sa akin na makakita ng isang batang doktor na ganyan ang kulay ng buhok.

"Aalis tayo ng eksaktong alas-singko ng madaling-araw." Tumango ako sa sinabi ni Damasen at napabaling ang tingin ko kay Lucas na hanggang ngayon ay nakatitig sa litrato ng doktor. Para bang may kakaiba sa reaksyon niya.

Kilala niya kaya ito?

________ _ _ __


A/N:


SEUNGRI EBRIBADI HAHAHAHAHAHAHAHA. VICTOR = V.I (VICTORY) NYONGTORY SHIPPER NGA RIN PALA AKO. <3 Na-inlove lang si Gudo sa picture ni Seungri kaya tinitigan niya haha joke lang.


Any comment/feedback/opinion would be greatly appreciated~ <3

Let Me Tell You About Lucas | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon