My Bad Boy Prince (PRE-PARADE)

1.4K 22 0
                                    

My Bad Boy Prince

pre-parade

story by toneewritestragedies

ㅋㅋㅋㅋㅋ

"Oy, alam mo bang prinsipe ako sa South Korea? Galangin mo nga ako!" Pabalang na sabi ko dito sa babaeng weirdo. Ewan ko nga ba kung babae ba talaga siya. Flat chested e.

Nagkibit balikat lang siya habang inaayos ang mga sinauling libro ng mga estudyante dito sa library. "Nasa Pilipinas ka. Wala ka sa mga K-Pop kaya ba't kita gagalangin?" Wala-sa-loob na sabi niya at di man lang ako tinitignan.

"Tss. Sa'yo ko lang 'to sinabi. Top secret ko yun, ngayon alam mo na kaya pahiramin mo na ako ng atlas book. Kailangan ko e." Nakakaubos ng pasensya 'tong babae na 'to.

"Sira na nga e. Punit punit na. Ipapahiram ko naman sa'yo kung ayos 'di ba?" Finally iniangat niya ang tingin niya sa akin at inayos 'yung bridge ng salamin niya sa mata. Monotonous pa din siya, ano pa nga ba.

"Tss. Sige na nga bibili na lang ako sa National Bookstore. Dyahe naman oh." Tinalikuran ko na siya.

"Sana sa una inisip mo na 'yan e kaso mas nauna mo pang ipagmayabang na Prinsipe ka ng South Korea. Tigilan mo nga ako, sir."

Napapikit ako bilang pagpipigil sa inis ko sa sinabi niya. Humarap ako at pilit na ngumiti. Ipinatong ko ang dalawang kamay ko sa table at inilapit ang mukha ko sa kanya. Siguro mga five inches ang distansya namin. Nakipagtitigan siya sa akin at ganoon din ako sa kanya.

"I find you interesting yet you are irritating me. Ibang klase ka din, Madam. Ginamit ko na ang impluwensya ko sa'yo, deadma ka pa rin?" Natawa ako ng maikli. "Ang weird mo."

Matipid siyang ngumiti na parang masaya pang tinawag ko siyang weird. "Don't insinuate what's the obvious, Your Highness." In-emphasize niya pa with matching mockery 'yung Your Highness.

Tumawa ako ng pagak at inilayo ang mukha ko sa kanya. "Oo nga e. Obvious din 'yang pagka-flat chested mo." I know I've won on this game of words.

Nagsalubong ang kilay niya at sumilip pa paibaba sa parte ng pantalon ko tapos iniangat uli ang tingin sa akin. "'Wag kang mag-alala, hindi tayo talo." Sabi niya sa bored na bored na tono. "Wala ring bumabakat dyan sa pagitan ng hita mo." Tinalikuran niya ako at iniwang nakatulala at nakanganga sa sinabi niya.

Bwisit! Hindi ka ka-arouse arouse, Miss kaya walang babakat, 'wag kang mag-alala! Hindi 'to magre-react para lang sa'yo!

ㅋㅋㅋㅋㅋ

Hi guys, novella for everybody! This is only for 20 chapters maximum. Sana suportahan niyo. Patapos na 'yung Cupid X Psyche na short story ko tapos 'yung YoBoSucks malapit na din ^_^ I might post the first chapter right now. Hope y'all like it as much as I'm excited writing this.

My Bad Boy PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon