Kabanata 6

372 26 2
                                    

[Roxanne]

"Naks! Ang ganda ng ngiti, ah. Ngiting may jowa."

Malisyosang tinignan ako ng kaklase kong si Rica at naupo siya sa tabi ko. Siya nga pala ang pinakauna kong naging kaibigan dito sa school. Akala ko nga noong una ay suplada siya dahil sa kapal ng makeup niya, pero mali pala ako.

"Hindi ka late ngayon."

"Sabi ko sa 'yo magbabagong buhay na 'ko," nakangising sagot niya at sinilip ang ginagawa ko pagkalapag ng bag sa upuan niya. "Ano 'yan?"

"Nag-co-compute lang ng kinita ko last time sa mga papel ko. Tapos nililista ko na rin kung ano pa 'yung magandang ibenta ko rito sa room."

"Sus! Nagpapakahirap ka pang mag-isip d'yan eh pwede mo naman silang tanungin na lang."

Tumayo siya at saka malakas na pumalakpak. Namilog ang mga mata ko sa ginawa niya pero huli na para mapigilan ko pa siya dahil nakuha niya na ang atensyon ng lahat.

"Guys!! Tingin muna kayo rito!!"

"Rica, 'wag na tigilan mo nga 'yan!" pigil ko. Nakakahiya!

"Ayos lang 'yan ano ka ba!" Itinuloy niya pa rin ang pagkuha sa atensyon ng mga kaklase ko. "Guys! Successful kasi ang paper business nitong si Roxanne so she's planning to expand now."

Napa-woah ang mga kaklase ko na panay ang congrats at tukso sa 'kin. Tinakpan ko tuloy ng mga palad ko ang mukha ko sa sobrang hiya.

"Magtinda ka ng yema kendi! Gusto ko 'yung assorted color katulad nung elementary!" sigaw ng isang nasa likuran.

"Oo gusto ko rin n'on! Samahan mo na rin ng pastillas!" sigaw rin ng katabi nito.

"Tsaka mani! Yung may balat!"

"Ako gusto ko 'yung kalbo!" dagdag pa ng isa sa kabilang row.

Nahhihiya na natatawa ako sa pagka-supportive nila, pero hindi ko sinayang 'yung opportunity at nilista ko lahat ng suggestions nila.

Pagkauwi ko tuloy ay nilagay ko lang ang gamit ko sa kwarto at nagbihis na 'ko. Nagsuot lang ako ng isa sa mga bago kong T-shirts na pinamili ni Dennis at saka ko sinuklayan ang medyo buhaghag kong buhok na hanggang balikat. Excited na 'ko sa mga bago kong ibebenta!

Pumunta ako sa pinakamalapit na mini grocery. Bumili ako ng mga kakailanganin sa paggawa ng yema kendi at pastillas tapos naghanap na rin ako ng mani sa palengke at plastic na pang-repack.

"Wala na po bang tawad 'yan? Pangtinda ko rin po kasi."

"O sige singkwenta na lang. Labas puhunan na 'yan, Ne."

"Hala salamat po!" Binayaran ko agad ito at nilagay sa dala kong eco bag.

"Roxanne?"

Napalingon ako sa boses ng tumawag sa 'kin sa likuran. Yung kaklase ko pa lang pala-absent.

"Trey? Anong ginagawa mo rito?" nakatingalang tanong ko sa kanya at nakasimangot niyang itinaas ang mga pinamili. Naka-black shirt siya at pang-basketall shorts.

"Ano pa ba edi nautusan na naman. May relief operation kasi sa barangay erpat ko."

Oo nga pala, anak siya ng kapitan sa lugar nila.

"Eh bakit ganyan itsura mo? Mukhang labag naman sa loob mo 'yang ginagawa mo. Dapat masaya ka kasi tutulong kayo sa mga tao."

"Gusto ko ba? Tsk. May laro dapat ako ngayon ng basketball kaso nabulilyaso dahil dito."

"Ayos lang 'yan, ginagawa mo naman na eh."

Pinag-cheer ko na lang siya habang naglalakad-lakad kami. Tinulungan ko na rin siyang humanap ng iba pang mga nasa listahan niya dahil balak na pala dapat niyang umuwi kase 'di niya raw mahanap.

BGS #4: Stuck On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon