Kabanata 1

1.9K 85 27
                                    

[Dennis]

Tinapon ko sa damuhan ang bag ko, saka ko binagsak ang sarili ko sa ilalim ng puno. Tumatawang ginaya rin ako sa paghiga ng mga kasama ko, sina Jasper at Kevin.

"Hoy, uod! May pagkain ka ba d'yan?" tanong ko kay Kevin pagkatapos ilagay ang mga kamay ko sa likod ng ulo ko.

"Wala ka namang sinabing magdala ako."

"Ako meron, pero 'di ko kayo bibigyan." Si Jasper, sabay naglabas ng limang cheeseburger at limang bote ng softdrinks mula sa bag niya. Halimaw ampota.

Nakangisi akong tumingin sa langit. 

"Ang greasy naman niyang dala mo. Alam mo bang nakaka-panget 'yan? Tutubuan ka raw ng maraming tigyawat kapag sumobra ka sa ganyang pagkain."

"Saan mo naman napulot 'yan? Gawa-gawa ka."

"Bakit 'di mo itanong d'yan kay Kevin the worm?" hamon kong sagot. "Pero ikaw kung ayaw mong maniwala, mukha mo naman 'yan."

"Hoy, Kevin! Totoo ba 'yon?"

Tumango naman ito at kunwari'y nandiri pa sa mga hawak ni Jasper. Matalino kasi 'to, mahilig magbasa ng libro, kaya madalas siya ang pinaniniwalaan ng lahat. 

"Oo, Gago, totoo 'yon."

Naki-join din ako sa pagtingin ng nakakadiri sa mga pagkain na hawak niya para mukhang legit 'yung sinasabi namin. Taena nagugutom na 'ko ang tagal pang maniwala!

Nagkatinginan kami ni Kevin nang mapatitig si Jasper sa mga hawak na cheeseburger. Mabilis na nag-iwasan kami ng tingin nang akmang babaling ulit ito sa direksyon namin.

"Oh ayan sa inyo na 'yan." Hinagisan kami nito ng tag-isang cheeseburger at softdrinks. At kahit hindi nakatingin ay nasalo namin ni Kevin ang mga 'yon. "Kapag ba isa lang kinain ko hindi na 'ko magkaka-tigyawat agad?" dagdag na tanong pa nito.

Kinurot ko muna ang daliri ko para pigilan ang sarili kong tumawa ng malakas. Paniwalang-paniwala amputek! Kung akala niyo mga babae lang ang adik sa pag-aalaga ng mga balat nila...well, my friend Jasper exists.

"Oo safe ka na no'n, pare," pigil tawang sagot ko at saka kinagatan ang cheeseburger ko. Isang kagat ko lang, nakalahati agad.

"O sige isa na lang siguro kakainin ko para sure." 

Nagkatinginan ulit kami ni Kevin.

"Sure ka?" tanong pa ni gagong uod habang punong-puno rin ng laman ang bibig.

"Oo, pare."

Pagkasabing-pagkasabi no'n ni Jasper, nag-unahan kami ni Kevin doon sa dalawang burger pa na natitira.

"Gago! Akin 'tong malaki!"

"Akin 'tong mas malamig na softdrinks!"

Sa huli, nairaos namin ni Kevin Austin Panget Lim ang aming gutom. Magkakatabi kaming humiga sa lilim ng puno ng mangga. Ito ang isa sa favorite spot namin dito sa DIC kapag wala sina King, Kris, at John. Laging busy mga 'yon kala mong may lovelife.

Sa aming anim na magkakaibigan, si King lang ang may girlfriend. Siya kasi ang may pinakamatigas na puso sa aming anim. Kami kasing lima, malalambot ang mga puso namin. Hindi namin kayang makakita ng mga babaeng nasasaktan kapag nag-settle kami sa isa. 

"Gising kayo?" tanong ko habang nakatitig sa asul na kalangitan.

"Gutom ka na naman?"

"Ulol hindi," sagot ko kay Kevin at tumawa naman ang lokong Jasper. "May itatanong lang ako sa inyo."

"Kung equation 'yan sa binigay na assignment ni Mrs. Romulo, 'wag mo na 'kong isali. Si Kevin na lang tanungin mo."

"Bugok, tungkol sa love 'to," sabi ko. 

BGS #4: Stuck On YouWhere stories live. Discover now