Enemies to lover 1

341 18 0
                                    

Juliet's POV

"Ano ba talagang problema mo?" Galit kong sigaw kay Romeo dahil kanina niya pa ako inaasar.

"Julieta, julieta" Pang aasar nito sa akin

"Alam mo Romeo isa nalang tatadyakan na kita" Saad ko at tinignan siya ng masama.

"Ayieee baka sa susunod na araw maging kayo ah" Pang aasar ni Dalton sa aming dalawa.

"Yuck no way di ako pumapatol sa immature noh." Saad ko sa kaniya.

"Mas lalo namang di ako pumapatol sa maarteng katulad mo." Saad ni Romeo sa akin

"For your information di ako maarte"

"Tsk didaw oh" Saad ni Romeo at parang di naniniwala.

"Nako tumigil na nga kayo sa pag aaway niyo" Awat sa amin ni Nicole ang president ng section namin.

"Bili tayo sa Canteen." Saad ni Nicole at niyaya akong bumili sa labas.

"Arat para naman mawala sa paningin ko ang isang asungot diyan." Pang aasar ko at lumabas na ng classroom.

"Alam niyo kayong dalawa ni Romeo may chemistry talaga kayo." Pang aasar ni Nicole sa akin.

"Ew mas papatulan ko payung aso kaysa sa kaniya noh!"

"Hay nako bumili nalang tayo" Saad ni Nicole, pagka pasok namin ng canteen ay ang daming bumibili na estudyante kaya no choice kami kundi mag antay sa pila. Habang nag aantay kami ay nakaramdam ako ng matulis na dumidikit sa palda ko, pag lingon ko ay laking gulat ko ng makita ang isang lalaki na dinidikit ang ari nito sa palda ko.

"Manyak!" Sigaw ko dahilan para makuha ko ang atensyon ng lahat ng tao sa canteen.

"Bakit Juliet?" Tanong sa akin ni Nicole

"Dinidikit niya yung tt niya sa palda ko." Saad ko habang tinuturo ang lalaki. Tumakbo ang lalaking manyak at hinabol ko naman siya.

"Pigilan niyo yang manyak nayan!" Sigaw ko habang hinahabol ang lalaking manyak.

Nahawakan ko ito sa damit at pinigilan siyang tumakbo.

"Dika makaka alis manyak ka!" Galit kong saad habang hawak hawak siya, siya namang itong nag pupumiglas. Nabitawan ko siya ng tinulak niya ako at tumama ang likod ko sa locker ng school.

"Aray!" Hilyaw ko ng maramdaman ang sakit ng likod ko. Nakita kong tumatakbo palayo ang manyak at humarang si Romeo at binigyan siya ng suntok sa mukha, boom bagsak.

"Ireport niyo yan manyak yan!" Saad ko habang tinuturo ang lalaki.

May dumating namang mga teacher at dinala nila ang lalaki sa Guidance office.

"Are you okay?"

"Yes and thank you nga pala" Saad ko kay Romeo dahil kundi dahil sa kaniya ay siguro nakatakas na ito.

"No problem"

"May gusto kaba? Ililibre kita ng food" Alok ko sa kaniya.

"No may gusto lang akong sabihin" Saad nito sa seryosong boses.

"Ano yun?"

"Mag date tayo" Saad nito sa akin, ako naman itong di makagalaw sa kinatatayuan ko.

"Ulitin monga"

"I said mag date tayo dati pa kita gusto pero lagi mokong sinusungitan kaya nahihiya ako yayain ka makipag date."

"S-sure why not" Ngiti kong saad dahil gusto korin siya noon paman kaso lang palagi niya akong binubwisit kaya umiinit palagi ang ulo ko sa kaniya.

Nang marinig niya ang sinabi ko ay napangiti ito.

"Talaga pumapayag ka ng makipag date sakin?"

"Yes, mamaya pag uwian." Saad ko sa kaniya saka tinalikuran na siya.
.
.
.
.
.
Pagka dating ko sa tagpuan namin ay nakita ko siyang nag aabang sa akin.

"Romeo!" Sigaw ko at nakuha ko naman ang atensyon niya.

"Are you ready?" Tanong nito sa akin.

"Game na, tara na"

Pumunta kami sa sikat na restaurant dito sa lugar namin at duon narin kami kumain.

"Juliet pwede ba kitang liga-" Di na niya natuloy ang sasabihin niya ng dumating ang mga tropa niya.

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko sa kanila.

"Success nga hahaha" Saad ni Drake habang tumatawa.

"Anong success?"

"Nag pustahan kami ni Romeo na pag napapayag ka niyang makipag date ay siya ang panalo sa pustahan namin."

"Totoo bayun?" Tanong ko sa kaniya pero di siya sumagot

Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumabas ng Restaurant, rinig ko namang tinatawag ni Romeo ang pangalan ko sa likod pero diko siya nilingon.

"Juliet let me expla-" Di na niya natuloy ang sasabihin niya ng binigyan ko siya ng malutong na sampal sa mukha.

"Ang kapal ng mukha mo!"

"Eto naman talaga ang gusto mo diba ang paglaruan ako!"

"Yes totoo na pinag pustahan ka namin pero maniwala kaman o sa hindi pero gusto kita."

"Di nako maniniwala sayo" Saad ko at iniwan siya.

Pagka uwi ko ng bahay ay agad kong pinunasan ang luha ko sa mata.

"Umiiyak kaba?" Tanong sa akin ni Mama ng makita ako.

"D-di Ma napuwing lang ako" Saad ko at umakyat na ng ikalawang palapag ng bahay namin at dumiretso sa kwarto ko at inilock ito. Duon ay binuhos ko ang luha kona kanina kopa gustong pakawalan.

Dream Highschool Life ( 𝙾𝚗𝚎 𝚜𝚑𝚘𝚝 𝚌𝚘𝚖𝚙𝚒𝚕𝚊𝚝𝚒𝚘𝚗 )Where stories live. Discover now