Pre

389 22 2
                                    

Brent's POV

"Aray!"-hilyaw ko ng tamaan ako ng bola sa mukha, agad akong bumagsak sa sahig at inalalayan naman akong tumayo ni Jacob ang leader namin.

"Are you okay?"- Tanong niya sakin na may halong  pag-aalala, tumango naman ako bilang pag sang-ayon. Pinaupo muna nila ako sa may bench para makapag pahinga, dahil hanggang ngayun feel ko parin yung pain sa face ko, pinalitan muna ako ni Mark sa laban at ako naman ay naiwan sa may bench na  nagpapahinga.

"Ay kabayo!"- Sigaw ko ng kalabitin ako ni Lexi sa likod.

"Ano ba bat kaba nang-gugulat?"- Kunot noo kong tanong sa kaniya, nginitian naman ako ni gaga, na parang proud pa siya sa ginawa niya.

"Para ka kasing tanga!"- Saad niya sakin, ako naman itong nakakunot noo dahil hindi ko maintindihan kung ano yung sinasabi niya.

"Ha? Bakit?"- tanong ko ulit sa kaniya, "Bat dimo pa kasi aminin na gusto mo siya!"- saad  ni Lexi sakin, ako naman itong napa isip "bakit nga ba hindi kopa aminin sa kaniya ang nararamdaman ko?".

"Alam mo namang friends kami diba and ayokong masira yun"- Malumanay kong sagot sa kaniya, at tumingin kay Jacob na naglalaro nang basketball.

Mula rito sa kinatatayuan ko rinig ko ang hilyawan ng mga babae na paulit ulit binibigkas ang pangalan niya.

"Ang arte mo naman girl siguro naman tatanggapin kanun noh!"- Saad ni Lexi sa tabi ko.

"Go baby!"- Hilyaw niya sa boyfriend niyang si Marcus, ako naman itong halos mabingi nasa sabrang ingay niya.

Makalipas ang ilang minuto natapos narin ang laban, and of course team namin ang nanalo.

Pauwi na sana ako ng nakita ko si Jacob  na nasa harap ng school gate na parang meron siyang hinihintay.

Habang naglalakad nagulat ako ng may biglang may taong sumanggi sa balikat ko dahilan para muntik nakong masubsob sa lupa.

Direderetso lang ang babaeng iyon at agad na lumapit kay Jacob at hinalikan ito sa labi ako naman itong halos di makagalaw sa ginawa niya. Ang daming tanong sa isip ko, bakit niya ginawa yun?, sila naba?, boyfriend niya ba si Jacob.

"Pre girlfriend ko nga pala"- Ngiting saad ni Jacob.

"C-congrats"- ngiti kong saad at nagpa tuloy na sa paglalakad.

Diko nalamang sila pinansin at nag direderetso ako sa paglalakad hanggang makalabas ng school, rinig ko na tinatawag ako ni Jacob ngunit di kona siya nilingon at nag kunwaring diko siya narinig.

"Pre!"- rinig kong sigaw niya sakin bago ako makalabas ng gate.

Nang maka-uwi ako samin agad na akong pumasok sa kwarto ko at inilock ito, dun kolang napansin na basang basa nayung mukha ko dahil sa mga luha na bumagsak sa aking mga mata.

Agad kong naisip, ano nga ba ang karapatan ko para umiyak, para magselos? Eh kaibigan niya lang naman ako.

Siguro hindi talaga kami ang para sa isa't isa, may be may nakalaan talaga saming dalawa.

Pero kung ganon, lord may suggestion napo ako.





Dream Highschool Life ( 𝙾𝚗𝚎 𝚜𝚑𝚘𝚝 𝚌𝚘𝚖𝚙𝚒𝚕𝚊𝚝𝚒𝚘𝚗 )Where stories live. Discover now