Chapter Twenty one

7 1 0
                                    

AIKA'S POV

Natapos na ang klase at ngayon ay naglalakad na kami pababa sa aming building.

"Yahh, look!" Napatigil kami sa paglalakad nung may pinakita si Saf sa kanyang IG account na picture.

Tumingin naman kami doon.

"Grabe! I can't believe na sakristan na sya." Namamanghang wika niya.

"Omyyy! Diba Aika ayan yong may crush sayo no'n? Shems! Ang gwapo!" si Rhein.

Napatitig naman ako sa picture at mukha nga siyang pamilyar. Nanlaki bigla ang mata ko nung naalala ko siya.

Si Mikael?

Naalala ko nung panahong tinutukso kami ng mga kaklase namin na crush niya daw ako, walang tigil ang pagtukso nila sa amin, then isang araw bigla na lang hindi na lang siya pumasok at nalaman namin na nag transfer na lang siya.

Nagpatuloy kami sa paglalakad at patuloy pa rin silang nag kwentuhan about kay Mikael na kesyo na ang laki daw ng pinagbago nito.

Hinarap ko sila at sinabing dumaan muna kami sa aming locker dahil ilalagay ko yong mga activity na ginawa namin kanina para hindi ko na dalahin sa Monday.

Nang nakarating na kami sa locker ay nag-kukwentuhan pa rin sila about kay Mikael.

Napailing na lang ako.

Nung natapos ko ilagay ang mga gamit ko sa locker ay hindi ko napansin na nadoon din pala sina Andrei, Dwayne, Henric, Justine and Gabriel.

Hindi pa siguro sila napapansin ng aking mga kaibigan dahil medyo malayo ang agwat ng locker ko sa kanila.

"Hi Aika." mga bati nila sa akin.

Nginitian ko naman sila. Nakita ko pa ang pag kindat sa akin ni Justine.

"Aika magsisimba tayo sa linggo ng maaga. Don sa may church nina Father Arsiso. Makaka-bless tayo kay Father tas bukod don madami din dong poging sakristan!  " May halong pag ka-excited ang pagkasambit sa akin ni Rhein.

Nilingon ko naman siya.

"Sisimba kayo?" Tanong ni Dwayne.

Dahil kay Rhein ako nakaharap ay nakita kong bahagya siyang nagulat. Siguro ay hindi niya napansin ang mga ito kanina.

"Oh, hi Dwayne. Kulang ata kayo?" Agarang bati ni Rhein.

Nakalapit na din sa amin sina Lleigh.

"Ah oo e. Wala si Danhiel kasama nina Master nasa bar na.  " Kakamot kamot lang sa ulo si Dwayne.

sa bar?

"Hmpp! di ko naman tinatanong si Danhiel pero the hell anong ginagawa niya don?!" si Rhein.

"Ano bang ginagawa sa bar?" nakangising tanong ni Justine.

Nakabusangot si Rhein sa tanong na 'yon ni Justine.

"Guys, mauna na ako, andyan na si Albert sa gate." Pagpapalam ni Lleigh.

"Huh? nagpasundo ka ba sa kanya?" tanong ni Saf.

"Hindi, pero nagtext siya e. Sa kanya na daw ako sumabay dahil nasa gate na siya."

"Then let's go." si Rhein.

Nagpaalam na kami kina Dwayne pero kita ko ang pagka wala sa mood ni Gabriel. Ngumiti pa rin naman siya akin pero hindi nakatakas sa akin ang malalim niyang pag buntong hininga.

Nung nakababa na kami ng building ay nandon na nga si Albert at ngumiti agad ito Kay Lleigh at bago inaya si Lleigh sa kanyang sasakayan.

Nagpaalam naman muna samin si Lleigh bago pumasok sa kotse ni albert.

The Gangster Stole my HeartWhere stories live. Discover now