Chapter Fifteen

10 3 0
                                    

AIKA'S POV

Dahil first day of school, Wala namang masyadong ginagawa. Puro nagpapakilala lang yung mga teachers at nag a-attendance lang.

Naramdaman kong may humawak sa balikat ko, kaya naman ay nilingon ko ito.

"San tayo mag la-lunch? Lalabas pa ba tayo ng school? O 'diyan na lang sa cafeteria?" Tanong ni Saffiera.

"Kayo ang bahala." Pabulong kong wika, Saka ibinalik ang tingin sa unahan.

Nakikita ko ang katabi ko sa aking peripheral vision. Wala siyang imik mula nung matapos ang klase ni Sir Fabroa kanina.

Hindi ako makatingin sa kanya dahil sa bukod sa nahihiya ako ay ––———— bakit ko naman siya titingnan?

Shems!

Alam ko na din ang pangalan niya, dahil sa attendance kanina. Hindi siya sumasagot ng 'present, I don't know kung bakit 'hindi nagagalit sa kanya yung mga teachers. Sa halip na siya yung sumagot ng present pag tinatawag siya, ay sina Andrei at Dwayne ang sumasagot, minsan yung ibang mga nasa unahan.

Matteo King Fenrir.......... Sounds familiar.

"Okay, class dismissed. You can lunch now." Wika ni Miss Castro.

Kaya naman inayos ko na ang gamit ko. Habang inaayos ko ang gamit ko, nakita kong tumayo na si King.

Habang naglalakad siya ay humarap naman sakin si Dwayne.

"Sabay na kayo samin mag lunch Aika." Nakangiting pag aaya niya sa amin.

"Saf, sasabay ba tayo sa kanila?" Tanong ko.

Nakita kong lumapit na samin sina Rhein.

"Ahm, Hindi ko kayo naipakilala kanina sa isa't- Isa. Uhm..... Saf, Rhein, Lleigh.. this is Andrei and Dwayne." Turo ko kina Andrei. "Na-meet ko sila sa isang birthday party nung isang gabi." Pagpapakilala ko sa kanila. "....and Andrei and Dwayne... This my best friends Saf, Rhein and Lleigh. " Nakangiti kong wika.

Nag bati-an naman sila ng 'hi. Napansin kong si Dwayne lang ang binati ni Saf, hmmmm.... Marahil ay kakilala niya na si Andrei dahil magkatabi naman sila.

"Sorry ha, di kami makakasabay mag lunch sa inyo. Yung boyfriend at mga kaibigan niya kasi e, nag text. Inaaya din kaming mag-lunch.  Sa kanila na lang kami sasabay. Ani Lleigh.

"Ah ganon ba?" Tanong ni Dwayne.

"Oo, sorry ha."

Natapos ko ng ayusin ang gamit ko at ganon din naman si Saffiera kaya naman humarap ako kina Andrei.

"Uhm, sige mauna na kami sa inyo Dwayne. Next time na lang." Nakangiti kong pag papaalam.

Tumango naman sila, Kaya naman lumabas na kami ng classroom.

Habang naglalakad kami pababa ng hagdan ay todo kwento sila tungkol sa mga kaklase at mga teachers namin.

"Mukang puro istrikto ang mga teachers natin. Muka pating masusungit." Nakairap na wika ni Lleigh.

"Hay naku! So true. By the way.....kyahhhhhh!!! Yung katabi ko kanina.... ang gwapo!!" pabulong na tili ni Rhein. "Kaso nga lang, malamig pa sa yelo." Dagdag nito.

"Well, yung katabi ko.... Cute na gwapo, mukang good boy tsk!" Ani Lleigh. "Ayoko talaga sa mga good boy." Dagdag pa nito habang nakairap.

"Kung usapang katabi ang pag uusapan, no comment na lang ako letse!" Nakabusangot na wika ni Saffiera.

Pansin ko lang kanina pa siya nakabusangot. Ano bang nangyayari sa kanya? Kaninang umaga naman good mood pa siya bago kami pumasok sa classroom.

Ano kayang nangyari sa kanya?

The Gangster Stole my HeartWhere stories live. Discover now