Chapter 3

1 0 0
                                    

Chapter 3 : Rhainne

"Ano ba!? Wala nga sabi akong alam!" Nasa basement siya ngayon. Kanina pa siya sigaw ng sigaw, nakakairita na. Simula kagabi ay dinala na namin siya rito.

"Hoy Sollen!" Hindi ko siya sinagot ang binato ang pagkain niya.

"Magbabayad ka'yo, papatayin ka'yo ng daddy ko!" Isang ngisi ang ibinigay ko sa kaniya at lumapit. Kita ko ang takot sa mga mata niya habang nakatingin sa akin.

"Wala kang alam hindi ba?" Maang kong tanong sa kaniya. Palapit ako ng palapit at umaatras naman siya. Umiling siya habang hindi pa rin tumitigil sa pag-atras.

"Mukha nga talagang wala kang alam" Kinuha ko ang katana sa bulsa ko at itinutok sa leeg niya. Pinalandas ko ito sa buong mukha niya. Kamukhang kamukha niya talaga ang tatay niya.

"Sabihin mo lang kung gusto mo ng mamatay. Ibibigay ko sa iyo ng buong puso ang hiling mo, mahal na prinsipe" Kita ko ang paglunok niya at hindi rin nakatakas sa akin ang gagawin niya. Kinuha ko ang kamay niyang may hawak na matulis na bagay. Balak pa ata akong isahan nito.

"Enough Sollen!" Malakas kong itinulak si Ethan, cause him to groan in pain. Ibinalik ko siya sa pagkakatali. Tutal naman ayaw niyang kumain, mamatay siya sa gutom.

"Tapos na ang mission ng mga pinadala ko sa Norte, paniguradong babalik na sila any moment now." Pinadala sa Norte? Ibig sabihin babalik na siya?

"Anong balita sa mansion ng mga Monteverde?" Tanong ko sa isa sa mga assassin.

"Nagkakagulo silang lahat at hinahanap kung na'saan ang anak nila. Tini-trace na rin nila kung kanino galing ang balang tumama sa mga tauhan nila" Mahihirapan sila kung ganon. Dahil ginawa talaga iyon ng Ferrel Mafia at hindi iyon ipinagbebenta. Tulungan ko na kaya sila?

"Ate Sollen!" Ngumiti ako ng makilala ko ang boses ng tumawag sa akin. Malayo palang ay rinig ko na ang boses niya. Bumaba siya mula sa pagkakabuhat sa kaniya ni Giovanni at tumabko palapit sa akin.

"Hello, little girl!" Pinindot ko ang tungi ng kaniyang ilong. Hinawakan naman niya ito ng maliliit niyang kamay. How cute!!

"Are you done eating na ate?" I shook my head. Gabi na at hindi pa rin ako kumakain, nakakawalang gana kasi.

"Sabay ka na po sa'min" Tumango ako at naglakad papuntang kusina. Tinignan ko si Giovanni.

"Siguro naman narinig mo na ang balita?" Kita ko ang paglandas ng lungkot sa mga mata ni Giovanni pero napalitan din agad ng blankong ekspresyon. Hanggang ngayon pala siya pa rin. Napailing nalang ako, akala ko pa naman wala na dahil masyado siyang maraming ginagawa.

"Baka mamaya nandito na sila. Sana makaya mo" Tinignan niya lang ako at dumiretso sa lamesa.

"Kayo nalang ni Kuya Van mo ang kakain ha? May gagawin pa kasi si Ate eh" Nag pout lang siya at bumaba. Nginitian ko lang siya bago ako pumunta sa office ni Mr. William.

"Come in" Binuksan ko ang pinto at sinara rin agad pagpasok ko.

"What will you do, if she will come back to your son?" Tanong ko. Napatigil siya sa ginagawa niya pero hindi siya tumingin sa akin. Alam kong kilala niya kung sino ang tinutukoy ko. Mahigit isang taon na rin simula ng ipadala siya sa mission niya sa norte, at ngayon na babalik na siya. May mababalikan pa nga ba siya?

Isang katok ang dahilan para bumalik sa dating sarili si Mr. William. Binuksan ko ang pinto at pumasok roon ang isang assassin na si Frost.

"Nandito na po siya" Nagkatinginan kami at lumabas. Kita ko mula rito sa hagdan ang pagmamadali ni Giovanni. Kinuha ko naman si Dalia at dinala sa kwarto niya.

"Time to sleep, princess" Magtatanong pa sana siya pero kinantahan ko na siya ng paborito niyang kanta, ilang minuto lang din ay nakatulog na siya.

Lumabas ako ng kwarto niya pero iniwan ko itong nakabukas para masilip ko siya. Isang magandang babae ang pumasok mula sa pinto, naka light blue dress ito at walang emosyon na makikita sa mukha. Pero agad rin nagbago ng makita si Giovanni.

"Rhainne"

A Mafia's ReaperWhere stories live. Discover now