Chapter 2

2 0 0
                                    

Chapter 2 : Another Mission

Mabilis ang bawat galaw ko habang sinasabayan ang takbo ng sasakyan niya, hindi ako maaaring sumakay rin dahil paniguradong makakahalata siya. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa sasakyan pero nakikiramdam pa rin ako sa paligid ko. Mabagal lang ang takbo nito kaya hindi ako nahihirapan na habulin.

Tumigil ito sa isang sikat na restaurant kaya naman mabilis kong tinago ang presensya ko sa isa sa mga puno. Mapuno at tago ang lugar na ito, kaya magandang dito magkaroon ng lihim na transaksyon na ilegal.

Hinanda ko na ang sniper na hawak ko at itinutok sa lalaki. Alam kong may bomba ang hawak niyang attache case pero isang tao lang ang mapapatay non. Hinintay ko muna na maibigay niya iyon at lumabas bago ko hinila ang gatilyo at ipinutok sa ulo niya. Napatayo ang lahat ng nakakita at nagsitayuan ang mga bantay para hanapin kung sino ang gumawa niyon.

Itinago ko ang sniper at umalis 10 meters away from them. Naging mabagal ang paglalakad ko na parang walang nangyari. Huminto ako sa isang pamilyar na ice cream parlor. Dito kami noon kumakain, hindi ko alam na masyado na palang malayo ang narating ko para makita ko ito.

Kahit alam kong masasaktan ako ay hinawakan ko ang knob at itinulak ang pinto para bumukas. Isang transparent glass ang labas ng shop pati na rin ang pinto kaya kitang kita mula sa labas ang ganda ng loob ng shop na ito. Mula sa kinatatayuan ko ay makikita ang malaking logo sa harapan nila, Paranoma.

Isang ngiti ang ibinigay sa akin ng babae na nasa cash register.

"May I take your order ma'am?" Nginitian ko rin siya pabalik.

"One matcha ice cream and one matcha bread" Tumango ito at may pinindot sa cash register.

"210 pesos po, I received 500. Here's your change ma'am" Tumango ako at kinuna ang sukli.

Dalawang oras nalang at magsisimula na ang klase. Naka school uniform naman na rin ako at dala ko na ang bag ko kaya didiretso na ako sa school. May mga taong napapatingin sa akin, siguro dahil sikat ang paaralan na pinasukan ko at maaaring nakilala nila iyon sa logo ng uniform ko.

Nilabas ko ang baon kong kanin habang hinihintay ang order ko na maibigay sa akin.

"Sollen? Sollen Crescent?" Isang pamilyar na boses ang nagsalita sa likuran ko. Pumikit ako para pigilan ang sarili ko. Kung minamalas ka nga naman. Bakit siya nandito? Talaga bang pinaglalaruan ako ng tadhana?

"Ikaw nga! What a coincidence" Can someone help me?! Ang lakas pa ng loob niyang umupo sa harapan ko.

"What's with the face? Bakit ang sama ng mukha mo sa'kin?" Isn't that obviously that I hate you?! Ibinalik ko ang baon ko at pagkabigay ng order ko na naka-plastik ay tinakbo ko ang bus station. Nakasakay naman ako agad at doon tinuloy ang pagkain ko. 30 minutes ang hihintayin bago ako makapunta sa school dahil malayo-layo rin ang pinuntahan ko.

Kumain muna ako habang tumitingin sa labas. Hindi ko talaga mapigilan na hindi maalala ang nangyari noon.

Iniligpit ko ang lahat ng kalat ko at bumaba na. Marami ng mga estudyante at ilan sa kanila ay napapatingin sa'kin. Hindi ko alam kung bakit, pero siguro ay normal lang iyon. Pumunta ako sa locker room para maglagay ng mga gamit na hindi naman kailangan.

***

Pag-uwi ko ay dumiretso ako sa office ni Mr. William Ferrel, nakaupo sa isa sa mga upuan si Giovanni kaya naman umupo na rin ako sa tapat niya.

"Alam kong matagal niyo ng hinihintay ang order ko." Tumingin ako sa kaniya. Tinignan niya kaming dalawa at may kinuha sa drawer ng table niya.

"I'm giving you an order, Sollen Crescent. Take Ethan Monteverde to me" Agad akong tumayo at sumaludo sa kaniya.

"I am Sollen Crescent, taking the order of the Ferrel Mafia. I will do my best to take him and give him to you sir" Mabilis ang ginawa kong pagkilos at pinuntahan ang mansion kung saan sila nakatira.

Napakuyom ang kamao ko habang tinitignan ang sama-sama nilang pagha-hapunan. Maraming bantay sa paligid kaya ingat lang ang ginawa ko habang nagtatago. Nilabas ko ang calibre at binaril ang isa sa mga bantay. Naging alarma silang lahat ng kumilos sa kung saan-saan. Pinasok ko ang mansion nila, naging madali lang ang mission na ito dahil noon pa man ay pinlano ko na ito. At ngayon ay nagawa ko na.

"Wait! Anong ginagawa mo?!" Binabaril ko ang lahat ng humaharang sa daan namin. Ipinasok ko siya sa kotse ko at tinutukan ng baril.

"Why are you doing this, Sollen?!" Tinignan ko siya, nakatutok pa rin ang baril ko sa kaniya.

"Thanks to you, mapapatay na namin ang ams mo" Kita ko sa gilid ng mata ko ang paglaki ng mata niya. Mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo na kotse ko hanggang sa makarating kami sa mansion ng mga Ferrel. Nakilala naman ng isa sa mga bantay ang kotse ko kaya binuksan nila ang gate. Hininto ko lang ito at dinala si Ethan sa office niya. Alam kong nandon pa rin sila.

Binato ko siya pagkapos namin.

"I didn't expect na gagawin mo to' ngayon, Sollen" Ngumisi lang ako sa kaniya at sinipa ang lalaking nakaluhod sa harapan ko.

"Nangangati na kasi ang kamay ko na patayin sila isa-isa." Sinirado ko ang pinto at tumabi kay Giovanni na walang ekspresyon ang mukha habang nakatingin sa lalaking galit na galit na ngayon. Pero mas matindi ang galit naming mga namatayan ng mahal sa buhay.

"Kamusta, Ethan Monteverde?"

A Mafia's ReaperWhere stories live. Discover now