#OASK---CHAPTER EIGHT

10 1 0
                                    


THIRD PERSON'S POV:

 

            Tumahimik ang lahat na nasa loob ng Auditorium nang makita nila ang pumasok; ang tinatawag nilang Prince Lloyd nila at isang hamak na transferee  na magkasabay. Nagsimula nang magbulonhgan , maybe nagtataka sila kung bakit sila magkasabay na pumasok.

            Si Krista naman ay naiwang nagtataka kung bakit tumahimik ang lahat samantalang si Lloyd ay diretso lang naglalakad papuntang backstage kasi diba magpe-perform sila.

            Biglang dumating si Maybelle para hatakin ang kanyang bestfriend . Sinusundan pa rin ng mga tao ng tingin si Krista. Kung nakamamatay nga lang ang tingin ehh matagal na sana siyang nakahandusay dahil sa  masasamang tingin ng mga ito sa kanya.


KRISTA'S POV:

 

            Bakit kaya ang sasama ng tingin nila sa akin? May nagawa ba ako?  Tsssss.... Pabayaan na nga sila , waala akong pake. Tatanungin ko na lang si Belle.

            "Belle ba't ganun sila tumingin sa akin?" tanong ko sa kanya.

             

 "Mamaya ko na lang sayo ikwe-kwento ,manuod muna tayo" sabi niya. Kainis di naman di naman niya sinagot ang tanong ko. Pssshhhhh.

           

Nabigla na lang ako ng magsigawan na naman sila maski nnga si Belle ehh nakikisigaw na rin. Tinakpan ko na lang ang tenga ko gamit ang aking mga kamay. Grabe ang iingay nila daig pa nila ang may concert.

             

 "Belle anong meron ngayon ? Ba't nandito tayo sa Auditorium? Anong gagawin natin ditto? And lastly sino ang STUPId?" tanong ko sa kanya ng sunod-sunod . Kasi naman OP ako sa kanila eh.Di ako maka-relate.

           

Binigyan niya lang ako ng are-you-kidding-me-look.

           

 "Aiiisshhh, Belle naman , sagutin mo na lang kasi ako"

           

  "Seriously Krista ? Di mo alam ?"  tanong niya sa akin na parang hindi naniniwala. Tumango na lang ako sa kanya bilang sagot sa mga tanong niya.

           

 " Ano bang pinag-gagawa mo kahapon ? Dinaig mo pa ako. Absent pa ako kahapon eh?"

           

 "Kasi ano , ahmmm ano, natulog kasi ako eh hihihi" sabi ko sa kanya sabay nag-peace sign ako sa kanya.

        

    "Ito talaga di ka na nagbago"

     

       "Sabihin mo na lang kasi sa akin kung ano ang nangyayari and who the hell is STUPID?"

    

        " Lower down your voice Krista, baka marinig ka ng mga fans nila.Ganito kasi yun, THE STUPID is a band that consists of four handsome boys: your brother, Kristoff is the rhythm guitarist———-"


            "Si Toffer ? Kasali siya sa isang band ?" tanong ko sa kanya.Alam kong magaling siya mag-gitara kaya lang di ko alam na may banda pala sila. Katampo naman si Toffer. Tsssssss...


              "Yeah, wait mamaya ka na lang magsalita, okay. As I said,Kristoff is the rhythm guitarist, Joshua is the drummer, Herald is the bass guitarist and lastly Lloyd Geofferson, the vocalist and also a guitarist." Patuloy niya .


But what the hell? Si Geoff ? Vocalist? Ha-ha-ha, ang funny talaga.


"Seriously Belle/ Si Geoff? Vocalist nila? Siguro boses palaka siya hahaha, ang galling mo talaga mag-joke Belle. "

 

"Krista anong boses palaka? Eh ang ganda nga nung boses ni insan eh kaya nga tumahimik bigla kanina nung kasama mo siyang dumating kasi sikat siya dito and sila ang mga Campus Princes dito."

 

"Oh ayan na nasagot ko na lahat ng tanong mo. Manuod ka na lang, ang galling kaya nila" sabi ni Belle na halatang kinikilig, siguro may gusto siya sa isa sa kanila.


Tumahimik na lang ako ako at pinanuod sila. Okay, I can say that their good. Malakas ang sex appeal nila lalo na sa mga babae. No wonder na ang sasama ng tingin ng mga fans nila sa akin kanina. And I must admit that Geoff is really good. Binabawi ko na yung sinabii ko sa kanya kanina na boses palaka siya. Pero nakakainis pa rin siya.


Tapos na ang welcome party para sa mga freshman and transferees, may mga umaalis na rin pero nagpaiwan muna ako. May kakausapin kasi, kakainis naman kasi si Toffer di man lang nagsabi na kasali pala siya sa isang banda. Kakatampo T__T


Finally wala nang tao maliban sa amin kaya kinausap ko na siya.


"Toffer ba't di mo sinabi na may banda ka pala?" tanong ko sa kanya with my arms cross over my chest .


"Di ka naman nagtatanong eh" pilosopong sagot naman niya. Kung kanina naiinis ako sa kanya, ngayon sobrang naiinis na ako. Sa sobrang inis ko nagwalk-out na lang ko. Ka-badtrip eh.


"Ito naman di na mabiro. Kasi gusto kitang i-surprise Krissy eh' pigil niya sa akin at pinaharap ako sa kanya at niyakap.Sweet ng kambal ko noh? Ganito na talaga kamikaya masanay na kayo.


"Ehem ehem" pagtikhim naman nung mga bandmates ni Toffer.Kumalas na kami at pinakilala niya ako sa kanila.


"Guys meet Krissy, friend ko" pagpapakilala niya sa akin.Di pwedeng sabihin na magkakambal kami eh, I hate attention. Si belle lang ang nakakalam.



"Hi my name is Joshua"


"Herald"


"TSSSS"


Pagpapakilala nila .


"Hi guys, I'm Krista but Toffer calls me Krissy" pagpapakilala ko rin sa kanila.


Kaya lang habang nagpapakilala ako eh umalis na lang si Geoff.Tsss bastos talaga nitong tao na ito. Kainis siya.


"Ahmmm, pagpasensyahan mo na siya. Ganun talaga iyon" pagpapaliwanag nung Joshua. He's cute.


"It's okay" I said and smile at him. He smiled back naman.


We decided to go to the cafeteria. Tamang-tama hindi ako nakapag-breakfast eh. Masaya naman silang kasama. Si Joshua is so bubbly habang si Herald ay sobrang tahimik. Kung anong kinaingay ni Joshua yun naman ang kinatahimik niya.




Obsess Ako Sa Kanya????Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon