OBSESS AKO SA KANYA????

153 6 7
                                    


PROLOGUE

Naranasan niyo na bang nagkagusto?

Yung tipong bawat araw, bawat oras, bawat minuto, bawat segundo eh naiisip niyo siya palagi??

Yung parang magkakasakit o di kaya'y mababaliw ka kung di mo siya nakita kahit isang araw man lang???

Yung tipong nakagawa ka ng isang napakalaking kasalanan pag di mo napanuod ang mga gigs niya????

Yung tipong para siyang 7'eleven, 24 hours open siya sa iyong isipan?????

Na para bang isa siyang parte ng iyong pagkatao na kung mawala siya eh tiyak na guguho ang iyong mundo???

Yung feeling na para siyang isang sakit na walang lunas para maalis siya sa iyong sistema????

Yung tipong kahit saan siya magpunta eh nandun ka para lang malaman kung may date siya o wala dahil sa pagiging paranoid mo?????

Yung parang aatakihin ka ng hearth attack kahit wala ka namang sakit na ganun pag nakikita mo siyang ngumingiti o tumatawa????

Yung tipong kahit paos na paos na ang iyong boses eh sisigaw ka pa rin para suportahan siya????

Yung mapapalingon lang siya saglit sa iyo eh halos himatayin ka na sa iyong kinatatayuan???

Yung dinaig mo pa ang kamatis sa sobrang pula ng iyong mukha kapag nagkasalubong kayo????

Yung tipong para siyang isang drug, lulong na lulong ka na nga eh go ka pa rin????

Naranasan niyo na ba yun???

Kasi ako kung tatanungin niyo ang sagot ko ay isang napakalaking OO.

Now tell me guys, obsess ba ako sa kanya???

********************************************************
A/N : Anong masasabi niyo guys?
Suggest naman kayo ng magandang name ng isang lalake.


Obsess Ako Sa Kanya????Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon