Prologue

405 20 8
                                    

GADASTASILDILYM Kita ♥

I can't move. I can't stand. I can't speak out.

GADASTASILDILYM Kita ♥

Author: MachoGwapingz. ALL RIGHTS RESERVED. 2013.

_________________________________________________________________________

Prologue:

(A Short prologue na mababasa sa other part nung story)

*beep* *beep*

tunog ng aking cellphone na kasalukuyang nakapatong sa aking table na nasa side ng aking bed. bale wala talaga siyang tunog dahil nakasilent mode ito pero ito lang talaga ang ugong ng table dahil sa vibration na ginawa ng phone ko.

at dahil na rin doon ay agad adag ko itong binasa .

from: Cassandra ♥

Message:

Priam, pede ba tayong magkita ngayon. may sasabihin sana ako sa'yo eh. isang importanteng ipagtatapat sa'yo. :)

mamayang 5 pm sa may ****** . aasahan ko ang pagpunta mo.

*end of text*

kaya nung oras na tinakda nya ay agad agad akong nag-ayos.

mga 4:30 pa lang nun ay dali dali akong pumunta sa tinakda niyang lugar :)

pagpasok ko sa coffee shop na iyon, ay umupo ako sa may lamesang katabi ng bintana kung saan nakaharap sa may Pedestrian Crossing na panigurado kong tatawiran ni Cassandra.

sa saktong 5 PM ay nakita ko siya. nakapink na blouse at nakashiny slim fit na pants at may dalang hand bag na kulay yellow.

alam kong 2 dalawang pedestrian crossing ang tatawirin nya pero alam ko na sa buhok niyang nakalugay, sa balingkinitan niyang katawan at sa galaw ng kanyang paglakad lalong lalo na sa kanyang tinataglay na magandang mukha ay paniguradong siya na nga yun.

nakita kong nakitingin ang mata niya sa akin. gayundin ang labvi niyang nakangiti sa akin. hindi ko mapigilan ang aking sarili kundi ngitian din siya ng buong puso.

ang babaeng minahal ko at ang tanging babaeng nagmahal din sa akin.

dali dali siyang tumawid ng buong kaligayahan dahil sa pagkakita sa akin. 

tumayo ako ng buong katuwaan.

ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon.

*beep* *beep*

*Boogsh* 

Hindi ako makagalaw.

hindi ako makahinga.

hindi ako makakita.

nabigla ang buong ulirat ko sa aking nakita.

ramdam ko na nakabukas ang mga mata ko ngunit tanging puti lamang ang nakikita ko. ramdam ko din ang pagtaas ng balahibo ko. ang paggalaw ng mga dugo sa katawan ko. pati na rin ang pagbilis ng pagtibok ng aking puso. pati na rin ata ng hanging dumadaloy sa katawan ko ay dali-dali yatang natigil  sanhi na rin ng aking nasaksihan.

umiikot ang aking mundo. sa mundo kung saan puro puti lang ang aking nakikita. ngunit siya lamang ang nakikita ko. tangi ang kanyang katawan na nakahilata na lamang sa kalsada ang naroroon. ang dugong dumadaloy at patuloy na kumakalat sa kalsada na mula sa kanyang katawan ay ang tangi ko na lamang nakikita.

unti-unti kong naramdaman ang luhang pumapatak sa mata ko. ang luhang nagpapaalala sa akin na may taong nagmamahal sa akin. pati na rin ang luha ng pagmamahal ko para kay Cassandra.

Napaupo ako sa upuan sa shop. nakaramdam ng malamig na hanging humihipo sa aking balat. hindi ako gumagalaw. nananatili akong nakatulala, umiiyak. nababagabag. lumuluha. nabigla akong tuluyan sa aking nasaksihan.

hindi ko mapigilan ang aking sariling lumuha matapos mabungo ng kotseng Honda Jazz na violet si Cassandra. wala na rin sa aking isipan kung anong nangyari sa kanya matapos mabunggo. kung ilan at kung sinu-sino ang tumulong. ngunit ang paulit- ulit na tumatak sa isip ko ay ang paglupasay, pagkabunggo at pagdaloy ng dugo ni Cassandra.

puro katanungan ang bumabalot sa isipan ko. ngunit hindi ko ito masagot sa mabilis na paraan. wala na akong alam. gusto ko ng mahimatay pero hindi ko kaya. gusto ko ng magbreakdown pero nangyayari na. gusto ko siyang tulungan pero hindi ko alam kung paano. 

ramdam ko na lahat ng tao sa shop ay nakatayo na at dali-daling nabigla at lumabas. gayundin  ang mga taong kasalukuyang tumatawid ay alam kong tinulugan na siya. pati na rin ang nagmamaneho ng Honda jazz ay tinutulungan na siya pero ako . . .

hindi ako makatayo. hindi makagalaw. hindi rin makapagsalita

basta ang alam ko, umiiyak lang ako.

umiiyak lang ako.

umiiyak lang ako.

Dahil kay CASSANDRA ♥

My Promise: GADASTASILDILYM Kita  ♥Where stories live. Discover now