Kabanata 1

17.8K 613 77
                                    

All I want to say is that I love you, my three angels. You all mean the world to me.

Sa tuwing umuuwi ako ng bahay galing sa maghapong trabaho, naaabutan kong tulog na ang aking mga anak. Kung minsan naman, abala rin sila sa kani-kanilang mga ginagawa. Halos sampung taon na ang lumipas mula nang namayapa ang aking asawa. Sa mga panahong iyon, ang aking mga anghel ang nagbigay sa 'kin ng lakas at pag-asa.

I may not be the most expressive and sweet father, and I may lack heartfelt words to say sometimes, but you were all I cared about in this world. Ipinangako ko sa Mommy niyo na gagawin ko ang lahat upang mabigyan kayo ng magandang kinabukasan at susuportahan ko kayo sa lahat ng gusto niyong gawin sa buhay.

Time flies too fast. Mas naiintindihan ko na ito ngayon sa tuwing pinagmamasdan ko kayo. Parang kailan lang, kayo ay mga kerubin na masayang naglalaro at naghahabulan. At ngayon, mayroon na kayong kani-kaniyang personalidad, libangan, at pangarap.

Maingat kong inilagay ang mga gamit ko sa sofa at kumuha ng maligamgam na tubig. Ang pamilyar na katahimikan ang nagsasabi sa akin na maaaring mahimbing na kayong natutulog. Hindi man tayo laging nagkikita o nakakapag-usap, nais kong malaman niyo kung gaano kayo kahalaga sa akin.

Naglakad ako patungo sa kuwarto ng panganay kong anak, si Mary Anne. Tulad ng dati, nakatulog na naman siya habang nag-aaral. Nagkalat sa kama ang mga notes at reference book na ginagamit niya sa medical school. Napansin ko rin ang mga bagong sticky notes na nakapaskil sa kaniyang study wall. Maging ang kaniyang kalendaryo ay puno na ng mga dapat niyang gawin.

Maingat kong kinuha ang mga papel at libro sa kama at inilagay iyon sa mesa. Madalas niya ring naiiwang bukas ang study lamp. Sandali ko siyang pinagmasdan bago ako lumabas sa kaniyang kuwarto, sa kanilang magkakapatid, maagang naging husto ang isip ni Mary Anne. Hindi naman niya kailangan gawin ngunit nagawa niyang tumayong ina sa kaniyang dalawang nakababatang kapatid. Madalas niya ring unahin kami bago ang sarili niya. When she decided to go to medical school, I was glad she finally wanted to do something of her own. Minsan na niyang sinabi na gusto niyang maging doktor upang makapagligtas ng buhay tulad ng mga doktor na tumulong sa Mommy niya.

Dahan-dahan kong isinara ang pinto at nagtungo sa kuwarto ng pangalawa kong anak, si Mary Rose. Naabutan ko pa siyang gising ngunit abala siya sa pagtugtog ng gitara gamit ang kaniyang tablet habang nakasalpak ang earphones sa kaniyang magkabilang tainga. Mayamaya ay titigil siya saka magsusulat ng chords sa notebook. Alam ni Mary Rose na hindi na siya puwedeng magpatugtog sa gabi dahil nag-aaral ang ate niya.

Sa kanilang magkakapatid, si Mary Rose ang mahilig sa rock music. Kakaiba rin ang mga gusto niyang gawin, pananamit, at pananalita. Hindi siya natatakot na sumubok ng maraming bagay at palaging nasa labas. Hilig niya ring asarin ang kaniyang mga kapatid kaya kung minsan naririnig ko na lang na nagsisigawan sila at tatahimik na lang kapag nagising ako. Pangarap ni Mary Rose maging sikat na singer at song composer balang araw. Aktibo rin siya sa mga sports at school activities.

Hindi ko na nais na abalahin si Mary Rose kung kaya't marahan kong isinara ang pinto. Sunod akong nagtungo sa kuwarto ng bunso kong anak, si Mary Jane. Sa kanilang tatlo, si Mary Jane ang mahilig mag-ayos sa sarili. Siya rin ang palaging nagtetext sa akin at nagtatanong kung anong oras ako uuwi. Madalas din siya maglambing, humingi ng pasalubong, at dagdag baon. Minsan ko nang naitanong kung anong gusto niya paglaki, ngunit hindi niya pa raw alam. Sa ngayon, gusto niyang matutong mag-make up at aktibo rin siya sa social media.

Naabutan kong gising pa si Mary Jane habang nakaharap sa kaniyang vanity mirror. Wala rin siyang pinapalagpas na gabi para sa kaniyang tinatawag na skin care routine na minsan na rin niyang tinuro sa akin. May kausap siya sa phone habang abala sa paglalagay ng kung ano-ano sa kaniyang mukha.

"It's over, he likes someone else. Hindi na niya ako magugustuhan," wika ni Mary Jane saka nagpatuloy sa pagkukuwento kung paano siya mapapansin ng lalaking gusto niya. Ilang sandali pa ay sinubsob niya ang mukha sa mesa at umiyak habang patuloy pa ring nagsasalita at kinakausap sa kabilang linya ang kaibigan niya. 

To My Three Little Angels, Love DadWhere stories live. Discover now