Chapter 11

35K 1K 118
                                    

Split Again by JellOfAllTrades

Chapter 11


"Sky..."


Nagising ako sa mahinang ungol na iyon ni Raegan.


Sa kadiliman ay gumalaw ako para tingnan kung ayos lang ba siya.


"Sky..." Ungol niya ulit.


Napansin kong mabilis ang paghinga niya kaya naman ginising ko na siya.


"Raegan, gising. Nananaginip ka na naman!" Inalog alog ko yung balikat niya.


Bigla siyang dumilat at nang makita ako ay agad niyang itinaas ang kaliwang braso para siguro sapakin ako. Sa huling sandali ay nakilala niya ako sa kadiliman at lumagpas ang kamao niya sa kanang pisngi ko. Tumama ako sa balikat niya at gumulong kami sa kama. Dahil halos nasa dulo ako kanina ay nahulog si Raegan sa gilid habang ako nama'y napakapit sa bedsheet para hindi sumunod sa kanya.


Sandali naming hinabol ang hininga namin. Nakakagulat naman kasi yung nangyari.


Nang masiguradong okay lang ako ay binuksan ko yung ilaw at sinilip si Raegan sa sahig.


"Okay ka lang?"


Nakahawak siya sa dibdib niya at hinahabol pa ang hininga. Ginamit naman niya yung isa niyang braso para takpan ang mga mata sa biglaang pagliwanag ng paligid.


"I'm...fine..." Mahina ang boses niya.


"Sure ka?" Inabot ko ang pisngi niya at hinaplos iyon. "Ngayon ka na lang ulit nanaginip ng ganito kalala."


"I'm sorry..." Parang maiiyak ang boses niya.


"Bakit ka nagsosorry?"


"Muntik na kitang masuntok kanina..."


Inabot ko yung braso niya at hinila iyon para makita niya ako. "Halika dito."


"Sky..."


"Halika nga kasi dito sa tabi ko."


Tumayo siya at umurong ako para makahiga siya sa tabi ko. Niyakap ko siyang mahigpit.


"Di mo naman ako natamaan eh, yun ang mahalaga. Sky, alam ko hinding hindi mo ako magagawang saktan."


"Sorry pa rin." Bulong niya.


"Okay na. Wag ka na magsorry."


Inabot ko yung cellphone ko at nakitang alas quatro pa lang ng madaling araw.


Split AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon