SS 28

564 18 2
                                    

Chapter Twenty-eight
The call

"WHAT'S wrong honey?" tanong niya pagkakalas ng yakap naming dalawa. Hindi ko iyon naintindihan dahil sa naguguluhan kong isip at sa kung anu-anong tanong sa isip ko.

Iniwasan ko ang mata niya. I know that a quick glance could easily tear my heart into pieces.

My Shane.

Iyon lang ang nakikita ko sa utak ko. Iyon lang at pakiramdam ko namamatay ako. Kada flash noon sa utak ko, isang saksak ng kung anong matulis na bagay sa dibdib ko.

Ganoon kasakit. That's how Kellin Jester affects me. I know it's wrong. Alam ko iyon. Alam ko na kung iba kayo ay sasama ang tingin niyo sa akin. Pero believe me, na kahit ako mismo ay hindi alam at makapaniwala sa ginagawa ko. Hindi ko alam kung bakit kapag nakikita, naririnig o naiisip ko ang pangalang Kedge ay nag-iiba ang takbo ng sistema ko at hindi ko iyon mahinto.

Mahal ko si Dino. Sobra. Gusto kong batukan ang sarili kung bakit sa lahat ng lalaking nagkagusto sa akin na pwedeng magustuhan ko habang kami ay pinsan pa ni Dino.

Parang binuhusan ako ng isang balde ng guilt sa panloloko kay Dino at saka umayos ang sistema sa nakita ko sa kanyang phone.

My Shane. ulit ng utak ko.

"Babe?" may halong pag-aala ang tono ng kanyang boses. Hindi ko alam kung totoo 'yong pagaalala na iyon pero parang sa simpleng pagsasalita niya ay gusto ko nalang na maiyak. Hindi ko pa alam kung anong lala pa ang mararamdan ko kapag hinawakan niya ako. I felt so fragile.

Ginagamit niya lang ako. Tinwo time. Tanggapin mo iyan Stella! Tanggapin mo! You deserve this all! Bumalik lang din sa iyo ang lahat!

Bakit hindi ko man lang inisip si Dino at iyong mararamdaman niya? Bakit nga ba si Kedge nalang ang nakikita ko? Bakit ang tanga ko?

Gusto ko itong isisi sa sistema kong nagloko. Kaso kahit saang banda mo pa tingnan ako pa din iyon e. Mali ako. Tanga. Two timer. Malandi. Ako pa din. Ako. Ako. Ako. Shit.

Hindi ko man lang sinubukang pigilan. Oh kung pinigilan ko man, ay sablay pa din. Noon palang na nagkita kami ay ramdam ko na ang koneksyon namin. I got fucking curious! So naging achievement sa akin lahat ng sagot. Alam ko na unti-unti akong nahuhulog pero binabalot ko ito ng pansamantalang inis- sinubukan kong kapalan ang balot na iyon pero laging nasisira. Hanggang sa tuluyan itong mawasak... Hanggang sa bumigay ako.

Paano kaya kung hindi niya ako niyakap nang tumawag si Shane sa kanya? Sasagutin niya kaya?

Oo. sigaw ng utak ko at agad akong nanginig. Gusto kong lunukin ang namumuo sa lalamunan pero ayaw kong mapansin ni Kedge na sa simpleng iyon lang ay naiiyak ako.

Pero iyon talaga ang problema: sa simpleng iyon ay naiiyak at nawawasak ako.

"I want to go home." I murmured. Pinilit ko ang sarili na huwag tingnan ang mata niya dahil alam ko na sa simpleng nakaw ng tingin sa kanyang mata ay hindi ko kakayanin.

Ramdam ko na naguguluhan siya sa biglaan kong pagsusungit sa kanya at kahit hindi ko tingnan alam kong tinitingnan niya ang mga mata ko. Sana lang ay hindi miya nababasa ang sakit na naramdaman ko.

He sighed, "okay."

Mas lalo kong naramdaman ang kirot ng puso ko nang marinig ang lungkot sa

boses niya. Totoo ba iyon? Malungkot ba talaga siya?

Tahimik ang kami sa loob ng sasakyan ko. Tila pinapakiramdaman niya ako at ang nangyayari. Isa lang ang salita na magdedescribe sa amin ngayon: awkward.

Stealing Stella (Book 1)Where stories live. Discover now