Chapter 4

144 23 2
                                    



HARRIETH'S POV

Biglang gumuho ang mundo ko nang malaman ko ang kamalasan na sinapit ko, ano nang gagawin ko? mabubuntis na ako! Hindi ko talaga maisip na soon eh lalaki na ang tiyan ko!

Habang nagiisip ako at naiiyak bigla naman nagsalita itong mayabang na babae na ito na akala mo pagmamay-ari niya ang lahat ng tao!

"Alright! Since I don't have a choice I am now agreeing with you Laila. Ikaw! Doon ka sa bahay ko titira at wala nang maraming tanong pa!"

Sagot niya sabay dinuro ako na ikinainit ng ulo ko! Aba ah! Kahit mahirap ako ay hindi ako dinuduro sa amin sa Bicol!

Akala mo naman kung sino siya! Bigla ako napatayo para deretsahan siyang tignan sa mata!

"Manigas ka! Ayoko! Bahala kayong lahat! Hindi ko naman kasalanan ang nangyari! Aalis na ako!"

Inis na sabi ko sabay layas palabas ng building.

Alam ko na walang sumunod sa akin kaya naman minabuti ko nang magmadaling makaalis at nang makalabas ako ng clinic naglakad na ako agad pero hindi pa ako nangangalahati ay nasa likod ko na pala ang babaeng mayabang na sunod ng sunod sa akin. Bahala siya sumunod diyan mag-isa niya! Maglakad siya! Sinadya ko talaga maglakad para mapagod na siya na sumunod sa akin.

"Hey! You can't do this! That is my child if you just forgotten! I have the right to decide on this!"

Inis na sigaw niya sa akin habang naglalakad ako. Nako! Dedma lang ako sa kaniya! Bahala siya sa buhay niyang dumada!

Hindi na namin namalayan eh nalakad na pala namin ang kahabaan ng EDSA! Halos nanginginig na ang paa ko at nang mapansin kong nakapaa na pala siya at bit-bit ang sapatos niyang mataas ang takong eh naawa ako bigla.

Hindi ko na rin napigil ang pagod ko kaya naman umupo na ako sa isang tabi at ganoon din siya na mahahalata mo na rin ang pagod sa mukha. Nako! Hindi ko naman kasi sinabing sumunod siya sa akin noh! Hindi ko na iyan kasalanan!

"Now what? Baka naman tapos ka na sa pag-iinarte mo? Kasi walang patutunguhan iyan! Pagtumanggi ka sa offer ko ay ikaw rin naman ang mahihirapan! Don't worry! Ako na rin naman bahala sa tuition ng kapatid mo basta tumira ka sa bahay ko at maging ligtas para sa magiging anak ko!"

Sambit niya na halos hinihingal na rin sa paglalakad habang minamasahe ang binti niya.

Dahil wala nga akong mapagpipilian sa sitawasyon na ito, naisip ko na sa totoo lang malaking bagay na rin iyon, baka naman mas malaki pa ang makuha ko na sahod sa kaniya kaysa mag-call center kaya naman napa-oo na lang ako, wala eh ang importante makakapag-aral na ang kapatid ko.

"Oh siya! Sige pumapayag na ako basta tutuparin mo ang kasunduan natin at isa pa, gusto ko rin ng extra sana na pera kasi may dapat akong bayaran na utang, hindi ko na alam saan pa kukuha ng pera pambayad tapos nagkaproblema nanaman ako!"

Mataray na sagot ko sa kaniya, oo na medyo kinapalan ko na ang mukha ko pero naman, hindi ko kasalanan na magkaroon ng bata itong tiyan ko!

"Whatever! Just make sure to carry my child safely and carefully, don't worry after ten months you are good to go and you can have your life back"

Sabi niya sa akin na medyo mahalumanay na rin, nakita ko ang sincerity sa mata niya, mukhang guilty rin siya sa nangyari sa akin, mabuti naman alam niya na hindi ko naman kasalanan ito, kasi sa tindig at pustura niya kung tutuusin, eh kayang-kaya niya pa naman na magdala ng anak talaga.

Her Baby is in my BellyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon