Chapter 8

52 2 0
                                    

Eden

"SIRAULO KA! BAKA HINAHANAP NA KO NI WEST ANO BA!"


Kanina pa kaming six ng hapon at huling tingin ko sa wrist watch ten na ng gabi, baka hindi pa kumakain si West dahil hinihintay ako.


"Shh! Enjoy ka dahil after this hindi ko alam kung magagawa mo pang pumuntang bar!"


Umikot ang mata ko dahil sa mga weird na pinag sasasabi at galaw nila ni Blue kaninang umaga pa.


Mag sasalita pa sana ako ng mag lakad ito papuntang gitna para mag sayaw.


Wala na siguro akong magagawa kundi ang mag enjoy nalang din, maybe tama si Liza after this magiging mas busy na ang buhay ko dahil sa kabilaang trabaho.


"A bottle of margarita please?"


Ngumiti naman sakin ang bartender bago kumuha nga ng isang bote ng margarita at binigay sakin.


Bumalik ako sa area namin at doon sinumulang inumin ang margarita na inorder.


"Are you free tonight? Let's have a dance before sex?"


Hindi ko na mabilang kung ilang lalaki na ang lumapit sakin para tanongin ako ng ganyan, kung hindi ganyan ang tanong, tinatanong ako kung single ba o mag isa.


"Sorry? I'm married and i already have one son," tanging sagot ko sa paulit ulit na tanong.


Minsan na gugulat o yung iba finoforce talaga ako pero tinatakot ko eh, siguro oras na para umuwi hindi narin tama ang paningin ko, nag dadalawa na ang iisang tao at umiikot narin sila para sakin.


Pero paano naman ako makakauwi kung si Liza ang may hawak ng susi ko? Wala namang makakasama si West sa bahay pag mag pasundo kami kay Blue.


Minsan talaga pahamak itong mga trip ni Liza eh, hindi ko nga alam kung bakit sumama sama pa ko dito kung pwede naman mauna ng umuwi.


"Hey," isang baritong boses ang tumawag sakin.


Iniangat ko ang tingin at nakipag titigan sa lalaking may asul na mga mata.


H-hindi kaya? Pero hindi eh, paanong naging asul ang mga mata niya? Dala lang ba to sa kalasingan? Nag iimagine na ko ng mga bagay bagay.


"Uy sir Wayne! G-good ebening!"


Muntik pa kong matumba dahil sa pag tayo ko para makipag kamay.


Sinamaan ako nito ng tingin pag katapos alalayang umupo pabalik.


"It's good evening hindi good ebening," pag tatama nito sa salita ko.


Bobo ba siya? Malamang alam ko yun! Hindi ko lang masabi ng maayos dahil lasing na ko ng kunti.


"Alam ko bobo!"


"Iuuwi na kita."


Umuling ako at ngumiti. "I'm with Liza my f-friend!" tanggi ko.


"And where is she?"


"Somewhere or maybe there," turo ko sa maraming tao. "She's dancing!"


Hinilit niya naman ang kanyang sintido bago umupo sa single sofa'ng nasa harap ko lang.


"I'll stay here tawagin mo nalang ako pag uuwi na tayo," malambing sabi nito.


"Bakit sir iisa lang bahay natin?" parang bata ko namang tanong.


"Silly, that's because our son is waiting for us."


Our? May anak din siya? Ha? Kailan pa ko nag karuon ng anak sa kanya? Hindi naman magiging si West yun kasi blue ang kulay ng mata ni West while itong kay sir Wayne itim.


Stupida, bobo, tanga, inutil! eh anong tawag mo sa kulay ng mata ni sir Wayne mo ngayon ha?!


"Anak ko lang po yung nasa bahay."


"Our baby Eden," pag pupumilit nito.


"Edi okay, pakialam ko sayo."


Natawa naman siya bago sumandal at tinitigan lang ako, i'm not comfortable pero hindi rin naman siya uncomfortable kasama.


Dahil sa awkward na sitwasyon ininom ko nalang ang natitirang laman ng isang bote'ng margarita.


Sino ba naman ang mag aakala na malalasing ako dahil lang sa isang bote na hindi pa nga nauubos, ganon na ba ko kahina sa alak? Ang unfair naman non.





Wayne

"HOW'S MY SON BRO?"


"No! How's my girl first?"


Inis naman akong tumingin sa babaeng nag lalakad papalapit sa gawi namin.


"Dancing with a random guy," pag sisinungaling ko.


Narinig ko ang malulutong na mura nito bago sunod sunod na narinig ang pag bukas at sira ng pinto.


"Don't you fucking dare leave my son alone there! Pauwi narin kami!"


"Damn! Whatever bilisan mo kung ayaw mong gutumin ko tong pogi mong anak!"



Walang ano-ano niyang binaba ang tawag at ako naman unang inalalayan si Eden palabas at dinala sa parking lot, babalikan ko na sana si Liza ng makita kong parang zombie itong nag lalakad papunta ngayon sa gawi ko.



Thanks god hindi pa ko nasiraan ng ulo at niligawan ang babaeng to, i'm really thankful na nakilala ko si Eden kaya nailayo ko ang sarili sa kanya.



She's popular mean girl before kahit hindi mayaman kilala siya bilang bungangira at sense of fashion niya.



Nang malaman kong mag kaibigan sila ni Eden inutusan ko si Blue na kunin ang loob nito at hindi ko nalang alam may something na pala sa dalawang yun.



Ang lahat planado, ang pag tulong ni Liza sa pag bubuntis ni Eden, ang pag tanggap ni Blue kay Eden bilang model at ang bahay at lupa na akala nila ganoon lang na halaga.



I planned it all dahil para naman iyon sa mag ina ko, lahat ng iyon ginawa at tiniis ko kahit isang pasok ko lang sa gate nila makakasama ko na sila, isang pasok ko lang sa buhay nila matatanggap nila ulit ako.



"Sister! Hahatid tayo ni Sir Wayne! Pasalamat ka diyan wag makapal ang mukha!" lasing na sigaw ni Eden at sinampal sampal pa ang mukha ng kaibigan.



"Bakit ako mag papasalamat?! Utos ko na kunin nito tayo?!"



"Gaga! Busy na tao si sir ulol kaba?!"



"Bangasan kita?!"


"Hinayupak ka!" mura ni Eden at bumaling sakin. "Sir! Sensiya na siraulo tayaga to e! Btw hard woking mo naman pati gabi may trabago ka?"



Hindi ko na halos maintindihan ang pinag sasasabi niya dahil sa kalasingan, naaapektohan na pati pag sasalita niya.



"Hard working talaga yan, kaya pati ibang babae kayang trabahuin."



Fuck it! Masama kong binalingan ng tingin si Liza dahil sa sinabi niya.



Kung hindi lang ako papatayin ni Blue and as if naman takot ako sa kanya, kanina ko pa sinipa ang babae na to palabas ng kotse ko.



I know i'm a hard working person but i'm not a fucking babaero.

A/N: ANG HARD WORKING MO DAW SIR WAYNE HAHAHAHA

Harsh Gentleman Series 1: Claiming His Property(Completed)Where stories live. Discover now