Chapter 5

65 1 0
                                    

Eden

NAGING MAGANDA ang takbo ng naging lakad ko at nakauwi akong may ngiting tagumpay kahit muntikan ko ng makalimutang sunduin ang swerte kong anak.



"No! We're not bati cause you almost forgotten to take me home, it's unforgivable!"



"Unforgivable ka diyan? Ilang minutes lang naman nahuli si Mama ng sundo sayo bulinggit ko, sorry na wag na mag tampo hindi na po mauulit."



Maattitude niya kong tinignan bago ikutan ng mata at tumalikod hindi pa siya nakuntinto dahil padabog na umalis at pumasok ng kwarto.



Sumunod naman ako dito para makipag ayos kahit naman alam kong puro kaartehan niya lang yun alam ko rin na walang anak ang hindi malulungkot pag kinalimutan o nakalimutan silang sunduin.



I knock to his door three times pero hindi siya sumasagot, good thing while kumakain kami ko nakwento ang tungkol sa bagay na iyon kaya lumabas man siya ng kwarto ngayon o hindi, it's fine dahil ang mahalaga ang kumain siya bago makatulog.



"No! I want to sleep na and we're not bati!"



Muling sigaw nito kagabay ang iba't ibang kalabog na wari ko'y galing sa mga laruan niya.



"No baon for tomorrow then," sagot ko.



Five



Four



Three



Two



On---



"Hi mama so pretty today po please wag yun baon ko?" nag pretty eyes niyang tanong.



"Akala ko ba hindi tayo bati ha?"



"Who told you that mama?"



"Ikaw mismo nag sabi sakin."



"I didn't, i love my mama so much. So how can i say that?"



"Matulog kana bolero," pigil tawa kong saad bago haplusin ang buhok niya.



Bakit may nakikita akong tao sa kanya? O baka nakikita ko lang kanina kasi namimiss ko ang anak ko kaya ganon?



"---sabi na eh, you don't love me na," dinig kong pag iinarte nito.



"What? No anak mama loves you so so much."



"Yung baon ko po?"



Itong batang to talaga mas inuna pang inano ang baon niya kaysa sa mahal ko ba talaga siya, mukhang alam ko na future nitong bata ko.



"Bahala ka diyan," pag tatampo ko.



"Mama naman e joke lang po, gusto kong tumabi sayo pag tulog mama."



"Talaga?"



"Oo nga po."



Ngumiti ako at niyakap siya ng mahigpit.




Malaki ang pasasalamat ko dahil para sa kanya sapat na ang nanay lang, para sa kanya hindi niya na kaylangan pa ng ama dahil nagagawa ko naman lahat. At nag papasalamat ako dahil hindi siya nag tatanong tungkol sa tatay niya dahil kung mag tanong man siya, hindi ko alam ang sasabihin ko.





KINABUKASAN, nagising ako dahil sa sunod-sunod na doorbell hindi kami mayaman pero may doorbell at malamang pag may doorbell may gate.



Harsh Gentleman Series 1: Claiming His Property(Completed)Where stories live. Discover now