Chapter 12

1.6K 27 1
                                    

"Conrad..." Sambit ko dahil sa ihinarang ni Conrad ang kanyang sarili na tila pinoprotektahan niya ako habang tinututukan kami ng baril ng apat na armadong lalaki.

"Set her free, ibibigay ko ang hinahanap niyo. Palayain niyo lang ang asawa ko." Turan ni Conrad. Lalong bumuhos ang mga luha ko dahil ngayon ko lang narinig na tawagin niya akong asawa ko, sa ganitong sitwasyon kung saan parehong nasa panganib ang mga buhay namin.

"Walang mabubuhay sa inyong dalawa dahil ang utos sa 'min ay pareho kayong patayin!" Turan nung isa na ang baril ay nakatutok sa ulo ni Conrad. Inabot ko ang kamay ni Conrad dahil sa huling pagkakataon, gusto ko na siya ang makikita ko, ang mahahawakan ko.

Isang malakas na pagbusina mula sa pulang sasakyan na paparating ang ikinalingon naming lahat sa kalsada. Mabilis akong niyakap ni Conrad na umikot habang yakap ako para makaiwas sa pagbungo ng sasakyan sa apat na armadong lalaki na tumalon sa kabilang kalsada para hindi masagasaan ng sasakyan.

"Sakay!" Nahimasmasan ako ng marinig ko ang boses ni Bianca na siya palang nagmamaneho ng sasakyan na tumigil sa tapat namin. Agad kong binuksan ang pinto sa backseat at inalalayan sa pagsakay si Conrad. Nang makasakay na kami ni Conrad, mabilis na pinaandar ni Bianca ang kotse at napayuko kami sa loob dahil sa pinaputukan pa ng mga armadong lalaki ang sasakyan habang palayo ito.

"Agghh..." Daing ni Conrad na nakakapit sa dumudugong tagiliran niya.

"What happened?" Tanong ni Bianca na saglit kaming tiningnan sa rearview mirror habang nagmamaneho ito.

"Hindi ko rin maintindihan ang nangyayari pero bigla na lang may dumating na mga armadong lalaki sa bahay at gusto nila kaming patayin, may gusto rin silang makuha kay Conrad." Paliwanag ko kay Bianca habang inaalalayan si Conrad na pinahiga ko ang ulo sa may hita ko. Nakita ko na inaabot ni Conrad ang suitcase niya na hindi niya binitawan kahit nahihirapan na kaming tumakas kanina.

"Kaya pala madaming kalat at sirang gamit sa bahay nang dumating ako. I was planning to meet you Conrad that's why I came back here in El Paridaso, mabuti na lang at sa highway ako dumaan pagkagaling ko sa bahay." Turan ni Bianca na iniliko ang sasakyan.

"Dalhin natin sa hospital si Conrad, marami na ang dugong nawala sa kanya." Nagaalala kong sambit.

"Huwag. 'Wag niyo akong dalhin sa hospital, mahahanap nila tayo roon..."

"Pero Conrad-"

"He's right. Alam nilang may tama si Conrad kaya hindi posibleng pupuntahan nila ang bawat hospital para makita kayo." Sang-ayon ni Bianca kay Conrad.

"Nag-aalala ako para sa asawa ko, kanina pa siya nahihirapan Bianca..." Bumaba ang tingin ko nang pisilin ni Conrad ang kamay ko na hawak niya.

"Kaya ko pa..." Nakangiting sambit ni Conrad.

"May alam akong safe place, doon ko kayo dadalhin." Napatango na lang ako kay Bianca at may tiwala ako rito.

Ginawa ko ang lahat para huwag makatulog si Conrad sa biyahe 'gaya ng sinabi ni Bianca hanggang sa makarating kami sa isang lugar na mukang private resort.

"I bought this place, ako lang ang nakakaalam nito." Turan ni Bianca na tinulungan ako sa pagaalalay kay Conrad na ipinasok namin sa isang kwarto. "Tinawagan ko na rin si Doc. Enriquez, a friend of mine and he's on his way para malinis ang sugat mo Conrad." Marahang tumango si Conrad habang nakahiga ito sa kama.

"Maraming salamat Bianca," pagpapasalamat ko rito.

"Kunin mo ang laptop sa suitcase Bianca..." Nagkatinginan kami ni Bianca matapos sabihin iyon ni Conrad. "Nandiyan lahat ng kailangan natin..." Kinuha ni Bianca ang suitcase na ipinatong ko sa table.

On His Painful Cage | COMPLETEDWhere stories live. Discover now