Prologue

2.5K 46 0
                                    

"WHY just don't you die?!" Hindi ko mapigilan ang pagpatak ng luha habang pinapanood siyang magwala rito sa loob ng aming kwarto. "You ruined everything! Sinira mo ang buhay ko!" Napaatras ako nang sipain nito ang stand table na nasa gilid ng kama at mabilis na hinigit ang braso ko.

"N-nsasaktan ako... pakiusap, bitawan mo ang kamay ko..." Ramdam ko ang pabaon ng kanyang kuko sa braso ko, ganu'n kahigpit ang hawak niya sa braso ko at dama ko ang kanyang galit habang kinakaladkad ako pababa ng hagdan.

"Lumayas ka! Leave!" Marahas ako nitong tinulak kaya bumagsak ako sa sahig at napadaing matapos tumama ang aking likod sa gilid ng sofa.

"A-anong bang kasalanan ko? Anong nagawa ko? S-sabihin mo naman sa 'kin, para maintindihan k-ko..." Luhaang sambit ko at pinilit na tumayo sa kabila ng pananakit ng aking likod.

"I shouldn't save you! Ang tanga ko na niligtas pa kita! Sana hinayaan na lang kitang mamatay!" Singhal nito sa 'kin.

"Sana ganu'n na nga lang ang ginawa mo! Sana hinayaan mo na lang akong mamatay kaysa sa gan'to! You're hurting me-"

"And you deserve it all!" Muling hinigit nito ang braso ko at kaladkarin ako palabas ng aming bahay hanggang sa makarating kami sa may gate, malakas ang pagbuhos ng ulan kaya mabilis kaming nabasa, pero hindi iyon ang inintindi ko kun'di ang masasakit na salitang binibitawan ni Conrad, ng asawa ko. "I don't want to live with you anymore!" Umiiyak akong umiling at nangangatog ang mga tuhod dahil sa hindi ko kinakaya ang mga binibitawang salita ng asawa ko.

Sinubukan kong hawakan sa magkabilang pisngi ang asawa ko pero marahas n'ya lang na tinapik ang kamay ko, galit s'ya, galit na galit s'ya sa 'kin sa hindi ko malamang dahilan.

"P-please, tell me everything... sabihin mo naman sa 'kin ang nagawa ko para maintindihan ko kung bakit nagagawa mo akong saktan nang ganito..." Nagmamakaawa kong sambit.

"Umalis ka na bago pa ako mawala sa sarili at baka kung ano pa ang magawa ko sa 'yo!" Umiling ako at pilit na hinahawakan ang kamay ni Conrad na umaatras naman. "How I wish I could kill you..." Humina ang boses ng asawa ko at natuptop ko ang aking bibig dahil sa hindi ako makapaniwala na kaya niyang sabihin iyon sa 'kin. "Huwag mo akong pilitin na maging katulad mo, dahil hindi ko kayang pumatay..." Kumabog ang dibdib ko sa mga huling salitang binitawan ng asawa ko bago ako nito talikuran at muli pumasok sa loob ng bahay at pabagsak na sinarado ang pinto.

Napaluhod ako sa semento sa gitna ng maulan at malamig na gabi habang gulong-gulo ang isip sa kabila ng kirot at sakit na nararamdaman ng puso ko.

Anong nagawa ko?

Sana...

Sana bumalik na ang mga alaala ko para maintindihan ko ang pinanggagalingan ng asawa ko.

On His Painful Cage | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon