Chapter 10: (WARNING ⚠️)

549 20 3
                                    

CHAPTER 10:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 10:


MIA

LINGGO ngayon and technically wala akong pasok at andito kami ngayon ni Deo, nag-aaway na naman. Actually nag aagawan lang naman ng mahiwaga kong bra.

"Akin na nga 'yan sabi, Deo!"inis kong ani rito habang pilit na ina-abot ang bra ko mula sa mga kamay nito.

"Bra mo ba talaga 'to? Weh? Haha. Mukhang hindi nga 'to kakasya sa'yo e',"he said, as if he couldn't believe that the bra he was holding was mine.

"Bra ko nga 'yan! Ang kulit mo din e'. Alangan namang sayo, e' wala ka naman ng meron ako. Akin na nga sabi, Deo!"ani ko at patuloy na kinukuha sa kaniya ang brang pilit niyang iniiwas sa'kin.

"Hindi mo 'to bra. Imposible. Kasi nakikita at halata namang walang bumabakat d'yan sa dibdib mo e',"pang-aasar nito pag-tukoy sa dibdib ko na siyang ikina-sama ko naman ng tingin rito.

Inaasar pa ang size ng dibdib ko. E' kung ipahawak ko kaya 'to sa kaniya ng malaman niyang may ibubuga ang dibdib ko at kasing size ng brang hawak niya itong dibdib ko. Kakairita! May dibdib ako! Medyo malaki lang pero hindi 'rin maliit , sakto lang. Sakto lang sa kamay niya. I mean sa kamay ko! Argeh!

"Deo! Kapag ako 'di makapag-timpi yari ka talaga sa'kin,"banta ko rito at sinasamaan ko na siya ng tingin dahil pagod na 'ko sa kakaagaw ng bra mula sa mga kamay nito.

"Bakit? Anong gagawin mo?"ani nito at mapang-asar akong tinitigan habang may nakaka-lokong ngisi ang naka-plastar sa kaniyang mga labi.

"Wala. Kaya akin na 'yan!"

"Ayaw ko nga. Abotin mo muna,"natatawang sabi nito habang pilit na itinataas ang kaniyang kamay sa ere dahilan kung ba't mas lalong di ko maabot.

Hanggang balikat lang ako nito, kaya talagang pahirapan akong maabot ang bra mula sa mga kamay nitong nasa ere.

Ngunit napa-ngisi na lamang ako ng may pumasok na kalokohan sa isip ko.

Ngayon yata ako makaka-ganti rito.

Imbis na mag abala pang makipag-agawan sakaniya ay huminto na'ko at nanatili na lamang nakatingin rito.

Habang ito'y nanatili pa ring naka-taas ang kamay sa ere kung saan hawak ang bra ko, habang ginagawaran ako nito ng tinging mapang-asar at talagang hindi rin nawawala ang ngisi nitong nakakaloko.

Argeh! Imbis na mainis sa
kaniya, ay mas naiinis na'ko sa sarili ko! Dahil sa ngiti niyang 'yon parang matutunaw ako sa kinatatayuan ko.

Alam ko namang gwapo talaga siya. Na ngayon ngang habang tinititigan ko siya ay talagang hindi ko maiwasang humanga sa ka-guwapohan niya. Ka-guwapohang hindi pagsasawaang titigan. Alam kong may kakaiba na kong nararamdaman para rito ngunit pilit ko na lamang iyon iwinawaksi at pilit pinapapaniwala ang sarili na wala lang ang kakaibang nararamdaman ko para rito. Na normal lang naman siguro ang nararamdaman ko o kung sakali , baka mababaw lang na paghanga ito.

The Unexpected HeartbeatWhere stories live. Discover now