CHAPTER 2:

476 34 25
                                    

CHPATER 2:

MIA

PAGOD na pagod na naman ako, nang maka-uwi ng apartment. Bubuksan ko na sana ang pinto ng aking apartment, nang mapansin kong may sapatos na panglalaki at t'yenelas ni Aling Fe ang nandito sa labas, kaya nagtataka man ay agad nakong pumasok sa loob para makita ang kasama ni Aling Fe.

Pagpasok na pagpasok ko ay agad na bumungad sa'kin ang isang lalaki na napatingin sa gawi ko habang katabi nito ni Aling Fe. Nakikipagtitigan na akala mo naman mangangain ng tao sa titig nito.

"Aling Fe,"nasabi ko nalamang, na agad ring ikina-lingon nito sa'kin.

"Iha buti't naka-uwi kana. Siya nga pala si Deo ang makaka-sama mo rito,"sabi ni Aling Fe sabay turo sa lalaking prenteng naka-tingin pa 'rin sa'kin. Na ikinalaki naman ng aking mata dahil sa gulat sa sinabi ni Aling Fe. Na para bang ayos lang sakaniya na may makasama ako at lalaki pang talaga. Alam niya namang babae ako at 'di pwedi yung gusto niya.

"Aling Fe naman, mag babayad nalang po ako ng buo at sa tama nang oras. Alam niyo naman po atang babae ako diba,"ani ko rito na mababakas sa tono ko ang pagkadi-gusto sa makakasama ko.

"Alam ko naman iyon iha, at ano ba ang pinupunto mo?"takang tanong nito.

"Babae po ako at lalaki siya, kaya 'di po pwedi," sabi ko rito kasabay ang pag-iling ko bilang pagtutol sa gusto nitong mangyari. Na ikina-tingin naman sa'kin lalo ng masama ng lalake dahil sa aking naging tugon kay Aling Fe.

"Hay na'ko iha. Mali ang akala mo dahil hindi lalaki ito,"sabi nito na ikina-kunot naman ng aking nuo.

"Ho?"nagugulohan kong tanong, parang nabingi ata ako.

"Hindi ito lalaki. Ka-uri mo rin siyang may pusong Eva, na hanap nga ay Adan kaya 'di mo na kailangan mabahala. Atsaka kung ano man iyang kinakatakotan mo hindi ka na 'rin lugi,  gwapo naman itong lalake,"ani ni Aling Fe na mas lalong ikina-kunot ng aking nuo.

"Aling Fe naman,"ani ko.

"Biro lang iha, masyado ka namang seryoso. Huwag kang mag alala lalaki rin ang hanap nito, diba?"sabi nito kasabay ng pagpalo niya sa braso ng lalaki gamit ang kaniyang kamay, na agad ngang ikina-hiyaw ng lalake gamit ang boses bakla.

F*ck!Bakla nga! Sayang siya kung hindi man lang malalahian.

"Mia kahalayan mo," ani ko na lamang sa aking isipan.

"Sabi na sayo iha. Kaya naman maiwan ko na kayo at ikaw na ang bahala sakaniya iha, huwag kang magiging pasaway,"ani nito na akin na lamang ikinatango bilang tugon."At ikaw naman Iho o Iha ka man, bukas nalang tayo mag usap ulit tungkol sa bayaran niyo sa upa, dahil masyado nang alanganing oras. Alam ko namang pagod si Mia galing trabaho,"sabi nito at napatango nalang 'rin sakaniya iyong lalaki, I mean bakla bilang pagtugon rin sa sinabi ni Aling Fe. "Oh sya't ako'y aalis na. Ikaw na ang bahala Mia,"bilin pa nito bago tuloyang lumabas ng apartment na akin na lamang ikinasunod rito at isinara pagkalabas nito.

Napabuntong hininga na lamang ako pagkasara ko ng pinto. Agad akong nagtungong sala at hinarap ang baklang ka boardmate ko.

"Bakla ka talaga?"curious o paninigurado kong tanong  na ikina-kunot naman nito ng nuo at ang tingin niya ay halatadong masungit itong baklang.

"Ano naman sayo!"masungit na ani nito gamit ang boses lalaki na 'di mo mababakas ang pagka-boses bakla na tulad kanina, dahil sa tono ng pagkasabi nito na agad namang nagpakunot sa aking nuo at napamewang sakaniyang harap.

"Pinagloloko mo ba ako?"inis na tanong ko. Ngunit hindi lamang ito umimik. "Alam kong lalaki ka at alam kong nagpapanggap ka lang kaya kung maaari umalis ka na dito bago pa kita maitapon palabas!"galit kong ani rito. Na agad niya namang ikinagulat dahil sa aking pag-sigaw at agad nalamang itong napa-yuko na na parang nakawawa ko siya dahil lamang sa pag-taas ng  aking boses, na siya namang ikinahupa ng galit ko bigla dahil tumalab nga ang ginawa nito at naawa ako bigla. Napasobra ata ang aking pagsigaw na ikinagulat o ikinatakot nito sa'kin.

The Unexpected HeartbeatWhere stories live. Discover now