Chapter 5

134 2 1
                                    

Graz's POV

"Craig Macaraig?!"

Teka! Anong ginagawa niya dito?! Paano niya kami nakita?!

"Hoy! Sino ka?!" Tanong ng isang sira ulo.

"Wala ka nang pakialam kung sino ako. Ang akin lang ay bitawan mo sila." Sambit ni Craig.

"Ang yabang mo ah!" Sigaw ng lalaki at akmang sasapakin niya si Craig.

Agad agad namang umiwas si Craig at agad agad niyang sinapak yung lalaki ng sobrang lakas.

Napatumba na lang yung lalaki at agad agad tumakbo yung mga kasama niya sa takot at binitawan kami ni Lizzie.

"You guys okay?" Tanong niya na ikinatango namin.

"Salamat Craig. Talagang maaasahan ka talaga lalo na sa suntukan." Pagbiro ko na ikinatuwa niya.

"And you are..."

"Lizzie Abellera." Pagpakilala ni Lizzie kay Craig.

"Nice meeting you Lizzie." Sambit ni Craig.

"Gusto niyo bang sumama saamin?"

"Saan?" Tanong niya.

"Sa teritoryo niya. Wag kang mag alala, maayos kasama yung mga yan. Di yan tulad ng iba diyan na sira ulo talaga." Sambit ko bago siya napabuntong hininga.

"Sige."

"Come with me." Utos niya bago kami sumunod ni Lizzie.

Ilang minuto na ang lumipas, nakarating na ako sa teritoryo ni Craig at napapansin ko na lang na naninibago si Lizzie sa lugar.

Medyo di siya komportable sa mga nakapaligid na lalaki sakanya, at naiintindihan ko kung ano nararamdaman niya. Di na lang ako nagsasalita at umakbay na lang ako sakanya para malaman niya na ligtas siya saakin.

"Craig! Graz! You're here!" Paglapit saamin ni Coleen na may dalang tray.

"Coleen. Right on time lang sa order ko ah!" Sambit ni Craig bago niya kunin yung pagkain at umupo sa pwesto niya.

"Uhmm... di pa yan yung order mo." Sagot ni Coleen bago kami tumawa ni Lizzie ng mahina.

"Ayan kase Craig! Hanggang ngayon, matakaw ka pa rin." Pag asar ko na ikinatuwa niya.

"Eto." Paglapag ni Craig ng pagkain sa tray bago umalis si Coleen.

"So... mind if you tell me something about Lizzie." Sambit ni Craig bago ako nakipagbiruan sakanya.

"Oh my God! Nosebleed!"

"G**o!" Singhal niya bago kami tumawa.

"Eto kasi tol, nagkita kami ni Lizzie sa bar. And ayun, the usual kwentuhan. Or getting to know each other stage." Pagkwento ko.

"Let me guess, after niyong uminom, nakipag s*x kayo." Pagsabat bigla ni Craig na ikinalaki ng mata ni Lizzie.

"G**o! Hindi ah! Ang dumi ng utak netong hayop na to ampotek!" Singhal ko.

"Joke lang uy!"

Pero tama ka Craig. Sa ngayon, f**k buddies kami ni Lizzie at nakikipagtalik kami habang kaming dalawa ay magkasama. Pasensya na at kinailangan kong magsinungaling.

"Eto nga. So kayo na diba?" Tanong niya.

"Oo Craig. Kami na ni Graz." Sagot ni Lizzie na nakangiti. Kahit alam niya na nagsisinungaling kami sa harapan ni Craig.

"Well, no worries. Ang mahalaga lang saamin ay wala kaming hinuhusga na kahit sino. We don't need to disturb someone's peaceful life and force them to do something that makes them uncomfortable." Sambit ni Craig.

"Ayan talaga ang gusto ko sayo mula nung nagkakilala tayo tol. Hinahayaan mo silang tumayo sa sarili nilang mga paa, para matuto sa buhay." Pagpuri ko bago kami nag apir.

"Here's your order Craig!" Paglapag ni Coleen ng pagkain sa table namin.

"Tabi ka saamin!" Pagyaya ni Craig kay Coleen.

"Hoy! FYI Mr. Craig Macaraig! You assigned me as your secretary remember?!" Pataray na sagot ni Coleen.

"Sungit naman neto. Meron ka ba?" Pag asar niya.

"T**g ina mo Craig!" Singhal niya bago umalis sa harapan niya.

"Pagpasensyahan mo na si Coleen. Ganyan talaga siya pag inaasar ko siya." Sambit ni Craig.

"Wala yun. Kaano ano mo ba si Coleen?" Tanong ni Lizzie.

"Friends..."

"Ay. Sayang naman. Cute niyo pa naman." Sambit ni Lizzie.

"Teka lang kasi. Di pa ako tapos magsalita. Friends kami... with benefits."

"Loko loko talaga tong si Craig kahit kailan." Pag asar ko na ikinatuwa niya.

"But hear me out, I wanna take this to the next level. I wanna ask her if she would be my girl. The plan is already executed. So wish me luck." Pagkwento niya.

"Sinasabi niya lang yan para ma k***ot niya ng madaming beses si Coleen."

"G**o ka Graz! Eh ano naman kung gagawin ulit namin yan? Sooner or later magagawa niyo din yan ni Lizzie." Pag asar niya at biglang nahiya si Lizzie sa mga napag uusapan namin.

Oo, alam namin na may nangyari saamin kahit nung una pa, first meet pa lang namin, ayan agad ang nagawa namin. Pero hanggang sa makakaya ko, ayokong malaman nila yung mga ginagawa namin ni Lizzie.

"At least nakakapag hintay ako kahit papano! Diba Lizzie?" Pag akbay ko sakanya at kumindat.

"Oo naman Graz! Alam ko naman na dadating na din tayo diyan sooner or later." Pagsali ni Lizzie sa kasinungalingan ko.

"Well, kumain na muna tayo at nagugutom na din ako." Pagyaya ni Craig at kumain na kami.

Pagkatapos naming kumain, agad agad na kaming umalis ni Lizzie para kahit papano, makakapag usap kami ni Lizzie kung ano man ang plano namin.

"Lizzie..."

"Bakit Graz?"

"Una sa lahat, gusto kong mag sorry sayo. Sorry dahil nagsinungaling ako tungkol sa relasyon nating dalawa. Alam kong mahirap tong itago dahil kahit anong pagtatago na gagawin natin, meron at merong isang tao na makakaalam sa sikreto natin." Pagpaumanhin ko.

"Pangalawa, sorry kung feeling mo nababastos na kita sa harapan ng mga kakilala ko. Si Kuya Hogan, si Layla, pati na din kay Craig. At higit sa lahat, sorry kung nagiging duwag ako."

Hinawakan ako ni Lizzie sa magkabilang pisnge at ngumiti na lang.

"Wag kang mag sorry. Alam ko na iniisip mo lang yung kapakanan ko, at naiintindihan ko yun. Minsan, kailangan natin handain yung sarili natin na harapin ang katotohanan na walang sikreto ang hindi mabubuking. Kaya salamat at iniisip mo ang kapakanan ko." Sambit ni Lizzie bago kami nagyakapan ng mahigpit.

Umabot na ng ilang minuto ang pagyakap namin at kumalas na kami bago ko iandar ang kotse.

"Saan tayo Lizzie?" Tanong ko.

"Pwede ba tayo dumiretso sa bahay ko? May kailangan akong ligpitin na gamit eh." Tanong ni Lizzie.

"Sige sige." Sagot ko.

"Tas mamaya, iligpit mo na din gamit mo, may pupuntahan tayo."

Dirty DesireWhere stories live. Discover now