Chapter 3

266 3 3
                                    

[Warning: SPG]

Lizzie's POV

Nang makakuha na kami ni Graz at ni Layla ng pagkain namin, naghanap na kami ng pwesto kung saan kami uupo ngayon.

"So. How did you guys meet? And how did you court her?" Tanong ni Layla kay Graz.

"Masyadong mahaba yung kwento Layla. If okay lang sayo ako na lang magkwento?" Tanong ko na ikinatango niya.

"Babe!" Sulpot bigla ng isang lalaki at tumabi kay Layla.

"Hogan!" Pagyakap ni Layla sakanya.

"Look at my little bro! Mukhang nagmamana ka na kay Kuya ah!" Pag asar niya kay Graz.

"Mukha mo! Tsaka seryoso ka?! Halos magkasing edad lang kami ni Layla ah! Ano Kuya? Bata pinapatulan mo?" Tanong niya na natatawa.

"Bata ka diyan! Bente na yan oy! Kaya naka jackpot na ako magkajowa!" Natatawang sambit ni Kuya Hogan.

"Umabot pa ng eleven years bago magkajowa ang wala! Sabagay, may jowa ka na."

"Sa kagwapuhan natin yan kapatid!"

"Kapal mo Kuya! Mas gwapo nga ako sayo no!"

"Oh! Tama na yan! Tara na at kumain na tayo. Tutal, buffet naman yung pinuntahan natin dito eh." Pag awat ni Layla kaya kumain na kami.

"So... jowa mo si Graz diba?" Tanong ni Kuya Hogan na ikinatango ko.

"Lizzie Abellera po." Pagpakilala ko.

"Nice meeting you Lizzie." Sambit niya bago kami mag handshake.

"So kwento mo na kung paano naging kayo ni Graz?" Tanong ni Layla saamin.

"Nag meet lang kami sa bar, Layla. Mga ilang linggo lang kami nag usap, nagkagusto ako sakanya." Pagkwento ko habang tumitingin kay Graz.

Alam ko sa tingin ni Graz na nagsisinungaling ako sakanila. Dahil sinabi ko nga sakanya, f**k buddies lang kami.

"So paano yung ligaw process?" Tanong ni Kuya Hogan.

"Nung umamin si Lizzie na may gusto siya saakin. Eh syempre, nagulat ako na babaeng tulad niya, nagkagusto saakin. Edi take the opportunity!" Pagkwento ni Graz.

"Mana ka nga saakin Graz." Pagbiro ni Kuya Hogan na ikinatuwa naming lahat.

"Sira ka talaga kahit kailan Kuya!" Singhal ni Graz.

"Pero in all seriousness, proud ako sayo kapatid. Pero tandaan mo lang na being in a relationship is not easy. It takes alot of hardwork and alot of things that you both need to work out. But in all of that, support ako sainyong dalawa." Sambit niya kay Graz bago tumapik sa balikat niya.

"Kain pa tayo! Andaming pagkain oh!" Pagyaya ni Layla.

Pagkatapos naming kumain, agad agad naman nagyaya si Kuya Hogan na pumasyal muna sa condo unit ni Layla at tumambay lang kami.

"Pasensya na sa kalat ha? Madami lang kaming inaasikaso." Sambit ni Layla na ikinatango namin.

Tumingin ako sa drawer ng living room at natanaw ko ang mga condom na nakatabi sa loob at kumuha agad ako ng isa bago isara.

Sorry Kuya Hogan. Ayoko lang sabihin na may nangyayari saamin ni Graz kahit wala pa kaming relasyon.

"Bwisit kang babae ka!"

"Ano ba?! Bitawan mo ako?!"

"Umayos ka ng kilos!"

Bwisit! Naaalala ko nanaman ang mga bagay na di ko dapat maalala!

Dirty DesireWhere stories live. Discover now