Palengke

26 0 0
                                    

Ang hirap naman ng ganito, traffic nalang lagi sa byahe papuntang opisina tapos pag na-late ka papagalitan ka pa. Habang nasa byahe ako, sasamantalahin ko na muna ang traffic para mkapagkwento ako sa inyo.

Naranasan nyo ba nung bata kayo na sinasama kayo ng magulang nyo para mamalengke? O pupunta sa isang lugar at isasama kayo para lang gawung taga bit-bit ng mga dala-dala nya. Ako kasi nung bata pa ako, nasa elementarya pa lang ako nun, lagi akong sinasama ng nanay ko sa palengke para tulungan sya magbuhat ng mga pinamalengke nya. Halos dalawang beses sa isang buwan kami mag grocery dati, yun kasi yung panahon na mejo nakakaluwag pa at my napgkukunan pa kami ng pera, hindi tulad ngayon.

Minsan ang ngyayari tuwang-tuwa ako sa pagsama sa palengke as in palenke talaga na maamoy mo yung lansa at kung ano pang kakaibang amoy na minsan hindi talaga maganda sa sistema ng ilong. Natutuwa ako kasi nagbabaka sakali akong makita ko yung hinahangaan ko sa eskwelahan namin.

Isang sabado ng umaga natyrmpo na habang namamalengke kami ng nanay ko ay nakita ko yung hinahangaan ko na kasama ang kanyang nanay habang nabili ng baboy. Sakto naman na iniwanan muna ko ng nanay ko sa gulayan dahil ang dami naming bit-bit at halos lahat pinabitbit nya naman sakin. Pero dahil nakakainip at wala akong makikitang magandang babae sa gulayan at hindi ko din makikita ang hinahangaan ko pinili kong lumipat ng pwesto;

“Ma! Dun na lang muna po sko sa petshop ah, titingin lang ako ng mga hamster…” sabi ko sa nanay ko, at pinayagan nya naman ako.

“oh side ‘nak jan ka muna ah, bantayan mong maigi yang pinamalengke natin ah, sasaglit lang ako sa parlor at mgpapa-trim muna…” sagot sakin ng nanay ko na my balak pang mgpa-parlor kaya pala iniwan sakin lahat ng bit-bitin naming.

Naisip ko na madalas din nagpapa-parlor yung nanay nung hinahangaan kong babae, dahil nainip ako ako gusto ko na [umunta agad sa parlor para puntahan ang nanay ko at magbakasakali nab aka andun din ung hinahangaan kong babae. Pero namomroblema ako pano ko makakapunta eh ang dami kong bit-bit tapos kailangan ko pang magpatawid-tawid at dahil gutom nadin ako mas kailangan ko na makapunta ng parlor. Ang ginawa ko, edi pinilit kong bit-bitin ung mga pinamalengke naming, naisip ko na kahit mapagod ako ok lang, na kahit ilang beses ko ibaba muna panandalian ung mga bit-bit ko ayos lang, ganun naman kasi eh diba? Kung may bit-bit ka man na nagpapabigat para sayo, ibaba mo muna, kaya nga lang hindi din naman pwedeng lahat yun ibaba mo dib? Syempre kailangan padin oumili kkung ano dun sa mabibigat na bitbit kok ang kailangan ko muna ibaba ng panandalian at tsaka ok lang kasi hindi naman bawal magpahinga pag pagod ka eh, pahinga lang tapos larga na ulit sa destinasyon. Isa pa, mahirap din naman tumigil basta at hindi nakakapang hina ng loob hanggat umaasa ako na baka makita ko dun yung hinahangaan kong babae. At sa awa ng Diyos nakarating naman ako sa parlor, kahit hindi ko nakita yung babaeng hinahangaan ko pagdating ko un tapos na magpa-trim ang nanay ko at tinulungan nya ko sa mga bit-bitin ko at makaka-kain nadin ako.  

Nawili ako sa pagku-kwento ah, eto at malapit na ko sa opisina, sana hindi kayo naboring sa kwento ko ah. Next time ulit, magta-trabaho na muna ako, OT na naman mamaya panigurado, basta pag napagod pahinga lang muna.

Ako si TolitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon