Luma dati

23 0 0
                                    

Walang masakyang tricycle at anlakas ng ulan, magyoyosi muna ko at magkkwento sa inyo.

Eto ang isang pahina na naman ng aking naging buhay. Naalala ko nung minsan nung may trabaho pa ako may mga bagay ako na nakikita sa tindahan na sobrang ganda bilhin kasi sobrang sulit nya naman kung tutuusin. Tapos yung tipong pag binili ko sya sakin na tlaga sya, pag-aari ko na at magagawa ko na kahit anong gusto kong gawin. 

Tapos maya-maya pag alis ko ng tindahan na pinagbilhan ko, dun naman sa kabilang stall may nakita ako ulitna pwede ko bilihin, gusto ko bilihin na halos ganun din, bigla nalang akong napasabi ng; 

“SHIIIIIT.!!! Ang tanga ko na naman. Dapat pala nagtingin muna ako sa ibang stalls bago ko binili ‘toh!!!” 

Well, sa ganung sitwasyon naman, yung tipong hindi naman natin alam na ganun pala, minsan pwede din na yung item na yun na naustuhan mo is kaka-deliver lang, so kung nagikot-ikot kami muna at naunang dun nagtingin edi saying lang yung effort mo diba?

Nung bata ako, hindi ako lagi makapag desisyon kung anong larua ang gusto ko, yung Spider-Man ban a natutupi ang mga galamay o yung laruang Dinosaur na may sounds at di-susi. Minsan kasi pag-nakita mo yung magandang laruan yun na agad yung bibilhin mo eh, kaya nga lang pag nakita mo yung mas maganda pa dun, dinadaan ko na sa iyak yung mga magulang ko. Lagi nila sinasabi sakin na; 

“sa susunod nalang ulit tayo bumili ng bago mong laruan anak, pag naluma na yang bago mong laruan palitan na natin.” 

Pero tama sila, dapat talaga pag naluluma na ang isang bagay at nawawalan ng halaga, minsan kailangan na talagang palitan. Kaya lang, naisip ko yn nung bata pa ako, naisip ko tuloy nung bata pa ako, lagi kong sinasabi sa mga ninong at ninang ko n asana tumanda na ako para marami na akong magawa. Syempre kasi pag bata ka pa, maraming bawal. Pag napunta kami ng mga magulang ko sa Boom na Boom Carnival o kaya sa Big Bang sa Alabang, halos carousel lang ang nasasakyan ko eh, yung mga Masaya at nakakatakot na rides hindi naman pwede sa bata. Eh lumaki ako ng ang mga tao sa paligid ko mas matatanda pa sakin, minsan nakikita ko na nanonood sila ng bold, yung hardcore porn, minsan naman Hentai, tuwing papasok sila sa kwarto at manonood ng mga ganun pinapalabas nila ako.. bawal daw kasi sakin kasi bata pa ako. 

Ngaun naman, eto na! nasa tamang gulang na ko para maglibog, para magbisyo at para maging malaya. Tipong hindi lang yung mga rides na nakakatakot sa Boom na Boom o sa Star City ang pwede mong sakyan, pwede ka nadin sumakay kahit sa sinong babae ang gustuhin mo at magpapasakay sayo kabaliktaran nun, pwede mo din sila pasakayin sayo na mas masarap kesa sa pagkabayo sa carousel. Matagal ko din hinintay yung mga ganung bagay, pero minsan napapaisip ako at nasasabi ko sa sarili ko. 

“sana pala hindi ako nagmadaling tumanda…” 

Dahil sa dami ng pwede kong gawin ngaung tumanda na ko, marami na din akong kailangan intindihin, sa paglipas ng panahon a dumami nadin ang aking kaalaman, marami na kong nalalaman kaya marami din akong dapat ipaalam, hindi na parang pagpili ng kung anong mas magandang laruan na pag pangit ang nabili mo madali na lang palitan. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 02, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ako si TolitsWhere stories live. Discover now