Salamin

44 0 0
                                    

Heto na naman ako, nakatambay sa aming mumunting hardin, naninigarilyp at nag-iisip ng kung ano-ano bago pumasok sa trabaho. Naalala ko nung bata pa ako, inaasar nila ako lagi ng ampon kasi medyo naiiba ako kumpara sa mga kapatid ko dahil ako yung maputi at makinis ang balat, pero katulad naman ng mga magulang ko at mga kapatid ako ay isang tunay na pinoy kahit singkit ang mata ko at maputi ang balat ko. 

Dumating pa nga ako sa puntong inaasar ako ng mga ka-klase ko na “intsik beho” eh, akala ko noon naiiba na ko sa normal na purong pinoy din naman na kasing edad ko. Pero ganun pala talaga yun kung anong itsura mo, dun sila hahanap ng pang kutya sa iyo. Gaya dun sa isang kaklase ko na tinataw nilang “Ita” at “Negro” dahil sa kulot nyang uhok at maitim na kulay ng kanyang mga balat. Yung isa naman tinatawag nilang “bumbay” dahil sa hindi magandang amoy na hinalintulad sa sinasabing amoy ng mga ibang lahi sa Gitnang Silangang bahagi n gating kontinente o sa mga Arabo.

Ganun pala talaga minsan, lahat ng tao may pwedeng kapintasan, walang taong perpekto na hindi mo pwedeng laitin o kutyain, hindi naman tayo pwedeng umalma lalo na kung yung mga bagay na ganun ang nakikita o napapansin satin ng mga tao sa paligid bagkos, kailangan ko nalang tanggapin kung ano man ang itatawag nila sakin. 

Netong kailan lang, may narinig ako sa balita tungkol sa isang dayuhang amerikano na may sinabing hindi maganda sa tungkol sa ating bansa, napagtanto ko lang, kahit ako naman na nasa sarili kong bansa kayak o din sabihin yung mga ganung bagay sa kadahilanang yun ang nakikita ko at yun naman talaga ang kailangan. Pero siguro syempre, mahirap lang tanggapin kung sa iang tao pa nanggaling. Pero base sa ginawang video ni Jimmy (yung amerikanong nag-post ng video sa youtube na kung ano-ano ang hindi magandang sinabi ukol sa bansa natin) na ang title ay “20 Reasons WhyI Dislike Philippines” mabuti na yung ganun, na 20 Reasons lang, dahil kung ako mismo na Pilipino ay hindi lang nasa 20 ang pwede kong maging dahilan. Isa pa, meron din naming ginawang video si Jimmy na nagsasabi ng mga bagay na gusto nya ditto sa Pilipinas eh, pero syempre ang pinagtuunan lang ng pansin ay yung negatibong kumento, kahit mga tao sa senado ay nakisali para gawin yung usapan kahit na mas maraming bagay pa ang dapat na pinaguukulan ng pansin sa gobyerno natin.

 Kung tutuusin parang gantihan lang naman yan eh, ika nga sa gintong kasabihan “wag mong gawin sa iba ang bagay na ayaw mo din gawin sayo.” Kung titignan naman ganun din ginagawa natin, naitanong ko nga sa sarili ko minsan eh, nakapanlait nab a ako ng bansa ng iba? Ilang itsura nab a ng tao ang nakita ko at kinutya ko? Yung baho ba at itsura ng isang lugar eh ilang beses ko ng nalait? At ilang beses ko na bang pinuna at pinagtawanan ang kapansanan ng iba?

Siguro nga isa na sa kultura yan ng bansang kinalakihan ko, ang bansang Pilipinas. Karamihan kasi satin pag humaharap sa salamin puro pagaayos at pagpapaganda lang ng labas ang iisipin. Siguro kasi mas nakikita natin ang negatibong kapuna-puna sa iba, hindi sa sarili mismo natin. Pero may parte din naman na nakakatuwa kahit papano, kasi pag tuwing ang lahi ng Pinoy ay naaapakan, kahit papano sama-sama tayong lumalaban. Pero sa kabilang banda, minsan mahirap din matukoy kung nasan ka ba? Kung nasa mali o nasa tama.

 Kung pagbabasihan ang ibang pang-yayari, hindi mo talaga malalaman kung ano ang tama at ano ang mali, mabubuo lang ang konsepto ng tama at mali sa tulong ng mga opinion at pananaw ng bawat indibidwal.

Pero bakit ganun? Diba ginawa ang salamin upang makita ang repleksyon natin, ang isang imahe na kamukang kamuka o kawangis natin, sa kabila ng gamit ng salamin hindi parin makita ng iba satin kung ano ang mali at sa iba pa talaga eto hahanapin.

Dahil naubos na yosi ko oras na para maligo, sa susunod ulit na kwento.

Ako si TolitsWhere stories live. Discover now