Chapter 40

7.7K 157 20
                                    

Sorry kung SOBRANG tagal po. Busy lang po :) Pasensya na din po kung gulong gulo na kayo sa mga nangyayari ako din po naguguluhan na. Hanggang chapter 42 na lang po it plus epilogue.

BTW.. Basahin niyo po yung new book ko: Mr. gangsters First Love, about po siya sa buhay ni Yuji. Hindi po siya book 4 ^________^

****

CYRISH'S POV

Pagkatapos naming pumunta sa puntod ni tito Jake agad kaming dumiretso ni Kuya Chase sa bar. Nag inuman lang kami dun at wala ng ibang ginawa.

Binuhos namin sa alak yung mga problemang nararamdaman namin.. yung mga sakit na nararamdaman namin..

Nung naramdaman naming lasing na kami ay sabay na kaming umuwi...

Habang naglalakad kami may nakasalubong kaming dalawang lalaking mukhang monster yung mukha =______=

"Wow! Pare.. tignan mo oh! Chicks haha. Pre, pahiram muna ng girlfriend mo! Titikman lang namin" sabi nung isa

Aba! Bastos tong lalaking ito ha! Tssss... Kadiri, boyfriend ko si kuya Chase? FYI! He's my cousin! tsss

Lumapit sila sa amin tapos hinawakan ako sa braso. Ang ayoko sa lahat yung hinahawakan ako ng walang pahintulot! 

Sinipa ko siya sa tiyan at binigyan ng malakas na suntok sa mukha. Ganon din yung ginawa ni Kuya Chase..

Nung naligpit na namin sila ay naglakad na ulit kaming naglakad...

Sabay kaming umuwi ni Kuya Chase. Walang nagsasalita sa amin habng naglalakad, sobrang tahimik ng atmosphere.. 

"Cyca... Nasaan yung Kuya ZJ mo?" tanong ni Kuya Chase nung makarating na kami sa harap ng bahay

"Naglaho siya parang bulas. Whats new? Lagi naman siyang umaalis.." sabi ko tapos pinapasok ko siya sa loob ng bahay. Nakita kong nakatutok si Mama at Papa sa harap ng TV kaya pinanuod ko na din ito

Laking gulat ko nung makita ko sa screen si Kuya at hindi lang yun....

Kinasal na siya? FCK! Ano to? B-b-ba-bakit?!

Iniinterview si Kuya kasama yung asawa niya. 

"Zac Richardson Jr. How do you feel knowing your true personality?" sabi nung nag-iinterview kay kuya

Richardson?! Napatingin ako kina Mama at Papa. Napapailing na lang sila..

"Of course im happy knowing my true personality. Hindi na ako sisiksik sa pamilyanng pilit akng pinagtatabuyan. Ngayon, hinbdi na ako ang ZJ na nakilala ng iba.. Ako na si Zac Richardson Jr." sabi ni Kuya

O_____O

Napatulala na lang ako sa sinabi ni kuya. Paano niya nagagawang sabihin yun? Hindi ko namamalayan na tumutulo na yung luha ko sa mga mata ko.. Hindi ko na kaya

Agad akong lumabas ng bahay at sinakyan ang motor ko. Pinaharurot ko ito ng sobrang bilis, dun ako sa highway nagdrive at maraming sasakyan ang muntikan ko ng mabangga pero wala akong pakielam.. Dahil lasing ako ay hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko...

*BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEPPPPPPPPPPPPPPPPPPPPPPP*

*BOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOGSHHHHHHHHHHHHHHHH*

*BOOOOOOOOOOOOOOOM* *BLAGGGGGGGGGGG*

Napatingin ako sa kalangitan.. Ang daming taong nakapaligid sa akin, ang sakit ng ulo ko. Hinawakan ko ito pero laking gulat ko ng may dugo ito...

Unti unti akong nahilo at unti unti kong pinikit ang mga mata ko... Hindi ko na kaya, feeling ko tumilapon ako kaya bali bali yung katawan ko..

DENVER'S POV

Nanunuod ako ng TV, kasal ng Kapatid ko Tsss! Paki ko sa kanya?! Pero may isang news ang pumutol muna sa pinapalabas na kasal nila...

"Isang aksidente ang naganap sa Blah Blah Highway. Nabangga ng isang truck ang isang motor dahilan upang tumilapon ang nakasakay sa motor. Malaking  pinsala ang nagawa nito.. Napag-alamang lasing ang babaeng nagmamaneho sa motor, nakakuha ito ng sobrang laking pinsala.. Kinilala ang nakasakay sa motor na si Cyrish Cayenne Scoth ang apo ng nagmamay-ari ng  Weston Unive----"

Pinatay ko na kaagaad ang TV at agad na pinuntahan ang pinangyarihan ng aksidente. Sobrang laki nga ang nangyari, wasak wasak yung motor na sinakyan ni Cyca.

Yung truck na harang sa daanan tapos nakabangga siya sa isang puno...

"Sir. Asan po yung babaeng naaksidente?" tanong ko sa isang police 

"Dinala na po siya sa sa Blah blah ospital" sabi ng police. Agad akong pumunta sa ospital na sinabi ng pulis.

Habang nagdadrive ako, hindi ko maiwasang kabahan. Ano ang nangyari kay Cyca?! Bakit nangyari yun sa kanya?

Nung nakarating na ako sa hospital ay tinanong ko agad yung nurse na nasa counter.

"Nasa may emergency room po siya. Malala po kasi yung pagkatilapon niya.." sabi nung nurse. 

Pumunta ako sa emergency room at tinignan si Cyca na nasa loob nito. Nakita kong ang daming doctor na nagkakagulo tapos may mga nilalagay sila sa bibig ni Cyca.. Punong puno ng dugo ang katawan niya...

Di ko maipaliwanag yung nararamdaman ko. Sobra akong kinakabahan sa nangyayari... pero pinipilit kong maging matatag para kay Cyca...

Nagulat ulit ako ng sobra ng nagkakagulo yung mga doctor sa loob, tinignan ko yung machine na nasa gilid ni Cyca...

Staraight line..

Biglang bumilis yung tibok ng puso ko..

"Denver.. Asan si Cyca?!" may narinig akong dumating. Tinignan ko siya ng mabuti

"Andun siya sa loob" sabi ko

"Kalimutan muna natin yung away natin ngayon.." sabi niya. Tinignan ko siya sa mata

"Kakalimutan ko muna yun ngayon.. Pero tandaan mo, hindi ko na hahayaang agawin mo din si  Cyca sa akin" sabi ko tapos biglang lumabas na yung doctor

"Doc. Kamusta na po siya?" sabi bigla ni ZJ sa doctor

"Kaano ano mo yung pasyente?" sabi nung doctor. Napatingin muna si ZJ sa loob at ngumiti ng mapait

"Kapatid ko po siya.." sabi ni ZJ

"Masyadong malala yung kalagayan niya. maraming dugo ang nawala sa kanya at kung hindi ako magkakamali baka maapektuhan ang ulo nila. Baka magkaroon sila ng amnesia pagkagising niya. But dont worry, hindi pa kami sigurado dun" sabi ng doctor at umalis na

"Kapag nawalan ng alaala si Cyca.. Wag mo na akong ipapaalala sa kanya" bulong ni ZJ sapat upang marinig ko

Tinignan ko siya at ngumisi.

"Hindi hindi talaga kita ipapaalala sa kanya.." sabi ko

**********

AOTU Book 3: Heartless AngelWhere stories live. Discover now