Chapter 36

6.9K 154 12
                                    

Hi! Guysssss. Sali kayo sa group. Pretty please? Hihi! Nasa profile ko po siya. Click niyo dun yung link.

LOVELOTSSSS

~Love is Happiness yet Sadness

***

SPIKE'S POV

Pumasok silang lahat kung nasaan yung katawan ni Cyca. Makina na lang daw ang bumubuhay sa kanya..

Nakatingin lang ako sa pintuan ng kwarto ni Cyca, pinipigilan kong wag umiyak pero hindi ko kaya. Masyadong masakit yung nadulot ko sa kanya..

May bigla namang sumulpot na lalaki sa tabi ko na may hawak nadextrose. Siya yata yung nabaril ko nung isang araw..

"N-nasaan si Cyca?" sabi niya

"Nasa loob" sabi ko tapos tinuro yung pinto. Agad siyang lumapit dito pero nakatingin lang siya dun. Naktayo lang siya sa harap ng pintuan

"Hindi ka papasok?" tanong ko

"N-natatakot ako. Natatakot akong makita siya... D-d-diba buhay pa naman siya?" nanginginig na sabi niya

"Mabubuhay siya.. Hindi siya pwedeng mawala" bulong ko

DENVER'S POV

Unti unti kong minulat ang mga mata ko nakita ko si tatay sa tabi ko. Siya siguro yung nagbantay sa akin..

"Tay. Si Cyca po?" tanong ko. Bigla siyang yumuko..

"Nasa kabilang room" sabi ni Tatay

"Bakit naman po siya nasa kabilang room?" tanong ko

"Nagkaroon kanina ng gulo dito. Balak nilang pasukin yung kwarto mo buti at nailigtas ka ni Cyca pero... nakipaglaban siya sa masasamang loob sa labas ng hospital at malala ang kalagayan niya. Makina na lang ang bumubuhay sa kanya" 

Agad naman akong kinabahan. Kahit bawal tumayo nagpumilit ako..

Bawal siyang mawala.. May hindi pa ako nasasabi sa kanya.. Yung kakatuklas ko lang na bagay ..

Agad akong pumunta kung nasaan siya pero nakita ko ang isang hindi pamilyar na lalaki.. Tinanong ko siya kung nasaan, tinuro niya yung kwarto ni Cyca..

Lumapit ako dito pero narinig ko ang iyakan sa loob. Bawal.. Hindi pwede..

Ilang minuto ang lumipas ay lumabas na ang tao sa loob..

"Denver. gising ka na pala. Gusto mo bang makita si Cyca?" tanong sa akin ni Maam Iris. Nagnod lang ako

"Sige. Ikaw muna bahala sa kanya ha. Sana gumising na siya" sabi ni Maam Iris at dahan dahan akong pumasok sa loob pero bago ako makapasok nakarinig ako ng malakas na kalabog..

Lumingon ako at nakita ko yung lalaki na binubugbog nung lalaking kamag anak ni Cyca.

"Kung hindi dahil sayo hindi magkakaganon si Cyca" sigaw nung isa

Hindi ko muna sila pinansin at pumunta ako sa kama ni Cyca. Andaming nakasabit sa mukha niya. Umupo ako sa upuan malapit sa higaan niya at hinawakan yung kamay niya..

"Cyca.. Gumising ka oh. Promise pwede mo akong utusan palagi basta gumising ka lang diyan.. Cyca, may di pa ako nasasabi sayo.. At sasabihin ko lang yun kapag gumising ka na.." sabi ko. Hindi na mapigilan ng luha ko ang mag-unahan

"Ikaw yung nagturo sa akin kung paani maging malakas. Alam kong kakaunting araw pa lang tayo nagsasama pero isa lang ang hiling ko.. Sana magkasama tayo ng matagal... Kasi..

.

.

..

.

...

.

..

.

......Mahal kita"

Pagkasabi ko nung nagulat ako ng biglang gumalaw yung kamay niya. Napatingin ako sa kanya, unti unting bumubukas ang mata niya.

"Cyca.." bulong ko at napatingin naman siya sa akin. Nagsmile siya..

Agad akong tumayo at lumabas para tawagin yung kamag anak niya. Agad silang pumasok, at lahat sila tuwang tuwa pero may nakita akong tao sa likod na lumuluha habang nakasilip.

SPIKE'S POV

Sumilip ako sa pintuan para makita si Cyca. Gising na nga siya. Nakangiti ako habang tinitignan yung ngiti niya. 

Ang mga ngiting nagpatibok ng puso ko *smile*

Dahan dahan akong lumabas ng hospital, at ngayon handa ko ng tanggapin ang kaparusahan ko. Sumakay ako sa sasakyan ko at dumiretso sa police station...

1 1/2 months later... XD

CYCA'S POV

"Cyca! Are you ready?" sigaw ni Mama

"Yes!" sabi ko naman

Andito kami sa bahay at may nag aayos sa akin. Today is my Debut, at excited na akong makasayaw si Kuya ZJ. Haha. Maraming nangyari sa loob ng isa't kalahating buwan. Naging magbestfriends na kami ni Denver, at si Spike nakakulong siya kahit na pinatawad ko na siya deserve niya daw yun.

Bati bati na rin kami ng Gang, wala na akong hinanakit sa kanila kasi tama rin naman sila. At ngayon, andito si Kuya ZJ pero nasa may condo niya siya.

6 pm na ng gabi at naghahanda kami sa Debut ko. Sa malaking garden ng bahay gaganapin ang Debut maraming aattend na kaibigan ni Mama at Papa at syempre ni Mamuuu..

"Cyca.. Are you ready?" sabi ni Mama

"Yes Mom!" sabi ko tapos tumayo ako sa kinauupuan ko. Nakapink long gown ako. (Pic ture>>>)

"you look beautiful my princes.." sabi ni Mama

Nagsmile lang ako sa kanya. 

"Be ready. The party is starting in just a minute" sabi ni Mama tapos bumaba na siya para icheck yung mga bisita. Nakaharap lang ako sa salamin. 

Ngayong araw ipinapangako ko na mapapasa akin si Kuya ZJ! Muahahaha!. Chos!

Ilang minuto ang lumipas at nagstart na yung party. Sabi ni Mama pagtinawag yung pangalan ko lalabas daw ako. Pshh!Paganon ganon pa..

"Let us call our Debutant! Cyrish Cayenne Scoth" sabi nung Host at ako naman lumabas na wearing my beautiful deadly smile.

Pero unti unting nawala ang ngiti ko sa nakita ko. Unti unti siyang lumapit sa akin kasama yung babaeng kasama niya..

"Cyca. I want you to meet my....

Fiance.." sabi niya at unti unting tumulo ang mumunting luha ko sa mata ko

**

HEY! Sorry, short UD! Busy much si Author, siguro o baka lang naman.. BAKA po i-on hold ko muna to hanggang Last week ng Feb. Masyado pong busy ee. 

SORRY PO! :"<<

AOTU Book 3: Heartless AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon