Chapter 11

472 10 3
                                    

11

“ALAM NIYO BAAAAAA??”

“HINDIIIIIIII!”

“SI KCEEEEEEEE…. NAKITA NAAAAAAAA…. ANG KANIYAAAAAAAANG…”

Kung ang kwentong ito ay nabubuo sa imahinasyon ni Kim, malamang may drum rolls na tumutogtog sa mga sandaling ito upang mag-bigay ng intense na feel sa eksenang ito.

“DESTINY!”

Muli, kung tayo ay nasa parehong dimension na kinalalagyan ni Kim, malamang lamang merong mga bilog bilog at flowers flowers sa background sabay biglang natransform sa pagiging Chibi na galak na galak sa mga kaganapan si Istine.

But then, we have to face reality.

Ang kwentong ito ay nasa point of view ko.

“Nako. Tigil tigilan niyo nga ako.”

Pero as if naman titigilan talaga nila ko diba? Instead, lalo silang dalawa nagkwentuhan tungkol dun sa lalaking kamukha ni Mateo Guidicelli na walang kaalam-alam e biglang naging destiny ko.

So anyway, dahil sanay naman na ko kina Istine at Kim sa pagiging ganyan nila e hinayaan ko na lang.

Hanggang dumating ang bukas.

“Ay grabe. Ayoko nang pumasok mamaya. IBALIK NIYO ANG DATING SCHEDULE NAMIN!” we’re kind of stressed pagbalik namin sa dorm para magpahinga. Yung next class kasi namin e 1 hour and 30 minutes pa bago magsimula.

Hinubad ko yung uniform ko para hindi magusot at nilagay sa hanger para makahiga ako sa kama ko. Ganun din ang ginawa ni Istine habang non-stop na nagrereklamo.

Maya-maya pa… bumukas ang pinto.

“Grabe. Hindi ako makapaniwala.” Hindi pa namin siya nakikita e yun na agad ang sinabi niya.

“Uy, Kc! Grabe! Hindi ka maniniwala!” Nasa harap na siya ng kama ko niyan. Napabangon tuloy ako.

“Bakit?” Yung itsura niya, hindi ko maexplain e. Tipong nakangiting nagniningning ang mga mata pero may pagkanaughty din yung kaniyang aura kaya hindi ko mawari kung anong meron.

“Nakita ko si EJ kanina sa Greenwhich. Kasama ko pa naman si Mikael.” Nanlaki talaga ang mga mata ko nang mga sandaling iyon. EPIC yun! Si EJ at Mickael, nasa iisang lugar at the same time! Basahin na lamang ang Stupid Diaries, coming out this Summer, by obliviousdarkangel.

“WEH?! Ano namang ginagawa nun dito?!” Hmm.. Kung hindi niyo na naitatanong… Medyo may kinikimkim akong galit kay EJ e. Kung bakit, malalaman sa kwento ni Kim.

Nagkibit balikat lang si Kim.

Pero bigla rin namang nagbago yung facial expression niya. Biglang nagningning ang mga mata at wala pa ngang sinasabi e nagpipigil na ng tawa.

“Pero eto. Mas lalong hindi mo paniniwalaan.” May kayabangan with a taste of pasuspense effect pa yung pagkasabi niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay, waiting sa mga susunod niyang sasabihin.

“Nakita ko rin yung Destiny mo sa Greenwhich.” Ba’t parang ang dami niyang nakikita sa Greenwhich ngayon.

“Natawa pa nga ako pagtingin ko dun sa glass window ng Greenwhich, nakita ko siya tapos nakatingin siya sakin, ngiting ngiti. Naisip ko naman, ah baka naalala lang niya ko kagabi. Kaya lang pagtingin ko sa tabi niya…”

The Novelist: Confessions of a WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon