Chapter o7

520 18 15
                                    

o7

Hindi ko alam kung PMS lang ba yun o sadyang ganun lang talaga.

Kasi at this point, gusto ko na talagang sumuko.

Para bang pagod na pagod na ko. Yung tipong sa tuwing sasagi sa isipan ko sina Glenn at Gelo, isang bagay lang ang kasunod na naiisip ko.

AYOKO NA.

Gusto ko nang tigilan si Gelo at palayain si Glenn. Ayaw ko na talaga. Sawa na kong masaktan. Gusto ko nang bumalik sa dati. Yung buhay ko bago ko nakilala si Gelo. Sobra palang nabago yung buhay ko mula nang umepal siya.

Pero ano pa nga bang magagawa ko e andito na ko?

“Huy! Kanina pa ko nagtetext sayo, bakit hindi mo ko sinasagot?” Pamungad niya sakin nang maabutan niya ko palabas ng school. Hindi ko siya pinansin at nagdire-diretso lang sa paglalakad. Sumunod naman siya. Nangungulit.

“Ui. Ano ka ba? Galit ka ba? Galit ka ba?” Hindi ko pa din siya pinapansin at nagmumukha na siyang tanga sa kasusunod sa akin.

“Bakit? Ano bang ginawa ko?” Guilty na guilty na yung itsura ng mukha niya nun pero ewan ko ba. Parang mas lalo akong nabwisit nang tanungin niya kung anong ginawa niya para magalit ako.

Hindi ko rin naman talaga alam kung bakit ako nagagalit sakaniya e. Basta alam ko galit ako sakaniya. Sa sobrang galit ko e napahinto ako sa paglalakad para lang tignan siya.

“Anong ginawa mo? Tinatanong mo ko kung anong ginawa mo?” Hindi ko rin napansin na nasa may playground na pala kami. Natakot ata yung batang naglalaro kaya umalis siya nung magsalita ako.

“Bakit hindi mo tanungin kung ano ang ginawa ko? Gelo, mahigit isang taon na kong nagpapakamartyr…nagpapakamanhid…nagpapakatanga…nagbubulagbulagan. Lahat na. Alam mo kung anong masakit dun? Lahat na ata ng tao alam yun. Lahat ng tao alam na tanga ako, manhid ako, tanga ako, bulag ako. Lahat sila alam yun…maliban ikaw. Gelo… Ako yung parating andiyan sa tabi mo e. Kailangan mo ng best friend? Substitue girl friend? Or just someone to talk to? I’m the girl to call.” Hindi ko alam kung saan nang galing pero bigla na lang may luha na tumulo sa mga mata ko.

“Kahit minsan ba…naramdaman mo yun?” Napahinga ako ng malalim.

“H-hindi kita maintindihan.” Sa sinabi niyang yun, ewan ko ba. Parang nagliyab na lang yung mga mata ko’t sobra na kong nabwisit.

“G@go ka. Ang manhid mo!” Tumalikod na ko nun para layasan siya dahil ayoko na talaga. Ayoko na. ayoko na!

But what he said stopped me.

“Ikaw ang manhid.” Napatigil lang ako sa kinatatayuan ko.

“Alam mo problema sayo? Masyado kang nakafocus sa nararamdam mo kaya hindi mo na maramdaman yung pilit na pinararamdam sayo ng ibang tao. Isang taon na, KC. Isang taon nang nakasara yang mga mata mo. Please lang, buksan mo na. Buksan mo para makita mong mahal kita noon pa.” Nagpaulit-ulit sa tenga ko yung mga salitang sinabi niya.

Each word kept on repeating inside of my head pero wala. Walang magregister sa utak ko. Gulong gulo na ko sa mga nangyayari ngayon.

“Sabihin mo nga… Magbest friends ba talaga tayo? Hanggang dito na lang ba talaga tayo?”

“O? E anong ginawa mo?”

“Nagwalk out.”

POINK!

The Novelist: Confessions of a WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon