Chapter 21

799 35 7
                                    

Dean

Habang natutulog si jema ay ginagawa ko lang yung mga paperworks ko, tinitignan tignan ko naman siya para icheck ang babaeng pinakamamahal ko.

Patapos na ako sa mga ginagawa ko at excited na ako umuwi dahil sa condo ako ni jema uuwi, naisip ko naman na malapit na pala monthsary namin ni jema.

Bala kong isurprise si jema sa monthsary namin kaya naman ang plano ko is magbabakasyon kami para marelax naman kaming dalawa.

Ng matapos ko ang ginagawa ko ay lumapit ako kung saan nakahiga si jema, pansin ko namang mahimbing siyang natutulog kaya naman hinayaan ko nalang muna siyang matulog

And I kiss jema's forehead

Maya maya lang ay gumalaw si jema kaya naman napatingin ako rito, nagdilat naman siya ng mga mata

"Love, tapos kana?" tanong niya

"Yes my love" sabi ko ng nakangiti

"Bakit hindi mo ako ginising love?" tanong niya

"Mahimbing tulog mo love, syempre ayaw kitang istorbuhin" sabi ko

"Aysus" sabi niya kaya ako natawa

"Saan gusto mong kumain love?" tanong ko sakanya

Nagside hug naman siya sakin kaya naman inakbayan ko siya

"Magluluto nalang ako sa condo love" sabi niya

"Sure ka po?" tanong ko

"Yes po" wife material, future asawa ko 'to

"Okay love" sabi ko

"Daan tayo sa grocery, para makapamili ng lulutuin mo love" sabi ko

"Yes po" sabi niya

Maya maya lang ay nag-aya na siya kaya naman inayos ko yung mga nasa table ko at siya naman ay nag aayos din.

Pagtapos namin mag ayos ay lumabas na kami sa office ko at dumeretso na kami kaagad sa parking lot.

Pagdating namin sa parking lot ay dumeretso kami sa car ko, nung nasa tapat na kami ng car ko ay agad kong inopen yung door sa passenger seat para makaupo na si jema

Pagpasok ni jema ay sumakay na rin ako sa driver seat at sinimulan ko nang magdrive

"Love" pagtawag sakin ni jema

"Yes love? why?" tanong ko

"Anong gusto mo kainin?" tanong niya

"I want adobo love, please" sabi ko at nagpapacute

"Sure mylove"sabi niya and she pinched my cheeks

"Cute cute mo love" sabi niya

"Well, ako pa" sabi ko

"Nalaki nanaman ulo mo" sabi niya kaya naman natawa ako

"Tama naman ah love" sabi ko

"Oo na, tama kana" sabi niya natawa nalang kaming pareho

Nakarating na kami ni jema kung san kami maggrocery kaya naman pinagbuksan ko na si jema at lumakad na kami papasok sa grocery

Pagpasok namin ay kumuha na agad ako ng cart para paglalagyan ng ipapamili naming pagkain.

Nag ikot ikot na kami at si jema naman ay kumukuha na ng mga ingredients para sa lulutuin niya pag uwi

Nasa kalagitnaan kami ng pag iikot ng may bumangga sakin kaya naman napatingin ako kung sino yon

Pagtingin ko ay agad na nagsalubong yung kilay ko dahil si ella lang pala ang bumangga sakin

"Why?" tanong ko

"Ikaw pala" sabi niya

"Bat mo ko binangga?" tanong ko sakanya

"Why? masama ka bang banggain?" tanong niya

Yabang naman neto

"Lawak lawak ng daanan" sabi ko

"Eh sa dito gusto ko dumaan" pagsagot niya

"Ano bang problema mo?" tanong ko

"Ikaw, ikaw yung problema ko" sabi niya

"Bakit ako?" tanong ko

"Dahil sayo nawala sakin si jema" sabi niya

"Sorry, ako kasi pinili" sabi ko

"Gag* ka" nabigla ako ng suntukin niya kaya naman pumutok yung labi ko

Sinuntok ko rin siya babawi pa sana siya ng may umawat samin na mga guard, buti nalang at wala rito si jema at naghahanap ng ibang ingredients

Pagkaawat samin ay agad na kumalas si ea ay may sinabi sakin

"Hindi pa tayo tapos" sabi niya

Nginisian ko lang siya, pagkasabi niya non ay agad siyang umalis

Pano ako magdadahilan kay jema about dito sa putok kong labi sabi ko sa sarili ko, hanggang sa nakita kong papalapit na si jema, kaya naman tinakpan ko yung labi ko

"Oh love okay ka lang?" tanong niya nung makalapit siya sakin

"O-oo love" sagot ko ng nauutal

"Let's go na love" sabi niya buti naman at hindi na siya nagtanong pa

Pumunta na kami sa counter para magbayad, pagkabayad namin ay agad na kaming lumabas nilagay ko na sa backseat yung mga pinamili namin at pinagbuksan ko na si jema ng door para makapasok na sa passenger seat

At ako naman at umikot para makapasok na rin sa driver seat, pagkapasok ko ay pinaandar ko na agad yung kotse ko.

Ng makarating kami sa condo ni jema ay agad niyang inihanda yung mga ingredients para makapagsimula na siyang magluto

Habang nagluluto si jema ay nagbackhug ako sakanya

"Ang bango naman niyan love" sabi ko habang nakabackhug sakanya

"Syempre naman po, luto ko yan eh" sabi niya humarap naman siya, huli na ng marealize ko na makikita niya yung pasa sa labi ko

Napatingin siya sa labi ko at biglang kumunot yung noo niya at tumingin sakin

"Anong nangyari diyan?" turo niya sa labi ko

"Wala pa 'yan kanina ah" sabi niya

Hindi ako makapagsalita

"Sinong may gawa niyan?" tanong niya tahimik pa rin ako

Tinaasan niya ako ng kilay, nako lagot mas malalagot yata ako neto

"A-ahm a-ano kasi love" nauutal kong sabi

"Ano?" tanong niya

Kwinento ko sakanya lahat ng nangyari kaya naman nagalit siya

"Gagamutin natin 'yan" sabi niya

"Opo, kain muna tayo love, wag kana magalit" sabi ko, halata pa rin kasi na naiinis siya

"Okay" sabi niya

"Love, sorry na kung hindi ko po sinabi" sabi ko

"Oo na" sabi niya

Nagsimula na kaming kumain, buti naman at nawawala na yung pagkainis ni jema, pagtapos namin kumain ay niligpit na namin yon

Pagtapos namin magligpit ay dumeretso kami sa kwarto niya ginawa muna namin yung night rituals namin pagtapos ay ginamot na ni jema yung pasa sa labi ko.

_________________________________________________
Deserve niyo ng update guys.! happy 2k views

Road to foreverWhere stories live. Discover now