Chapter 11

860 37 0
                                    

Dean

Nacurious ako kung sino yung ella na sinasabi ni celine kaya tinanong ko si jema dahil don, yun nga raw hindi naman niya gusto kaya napatag ako. S'search ko nga mamaya yung ella na yon.

Tapos na kaming kumain ngayon, nagpapahinga na lang kami ngayon, maya maya lang ay may biglang tumawag kay jema kaya napatingin kami ron.

"Jema, nandito ka pala" tanong nung lalaki

"Hi ced and jho" dagdag niya pa

"Hello ella/ells" wika ni ced at jho

ah so, ito pala yung ella na may gusto kay jema? oh bastketball player nga talaga, halata kasi nakajersey pa siguro dito sila kakain sa restaurant ko

"Yes, hello ella, nga pala ginagawa niyo rito?" tanong ni jema

"Ahm nagkayayaan kasi kumain yung team eh" sagot niya

"Ah okay" sabi ni jema

"Oh pano, see you around jema" sabi nito

"Byee" wika ni jema

"Ayon yung gusto manligaw sayo jema?" tanong ni bei

"Oo" sagot ni jema

"Hala ka dean may kaagaw ka pala" sabi ni tots

"Ako mananalo" sabi ko

"Yabang" wika ni jaycel

"Ako lang to" sabay tingin kay jema at winked namula naman siya kaya napangiti ako, so it means may talab ang charm ko kay jema

"Jema ihahatid kita ah" sabi ko

"Sure, hindi ko rin dala sasakyan ko eh" wika niya

"So guys, uwi na tayo?" tanong ko

"Let's go" sabi nila

Lumabas na kami sa restaurant ko at kaagad dumeretso sa parking lot, pinagbuksan ko kaagad si jema ng pinto at pagkasakay niya ay agad na rin akong sumakay sa driver seat.

Pinaandar ko na ang kotse, ihahatid ko siya sa condo unit niya para rin makapagpahinga siya.

Jema

Habang nasa biyahe kami naguusap lang kami ni dean ng kung ano ano

"Jema" pagtawag niya sakin

"Why?" tanong ko

"Pwede kaba bukas? ayain sana kita ng date?" tanong niya

"Seryoso ka?" tanong ko

"Oo naman, nililigawan kita eh" sabi niya nakaramdam ako ng kilig

"Sigee ba, anong oras ba?" tanong ko

"Dinner date sana" sabi niya

"Sure naman" wika ko ng nakangiti

"Thankyouu jema" pasasalamat niya

"Welcomeee dean" sagot ko

Months na rin mula nung nagsimula manligaw sakin si dean inaamin ko na nahulog na ako sakanya, sino bang hindi mahuhulog kung napakabait, at gentle man siya diba.

Malapit na kami sa condo, medj antok na ako. Makalipas ang ilang minuto ay nasa tapat na kami ng condo ko, pinagbuksan ako ni dean

"Thankyou dean" wika ko

"Welcome jema" sabi niya ng nakangiti

"Pano bukas ulit ha?" tanong niya

"Oo naman" sagot ko

"Ingat ka pag uwi" dagdag ko

"Opo, pasok kana" sabi niya, kiniss ko siya sa cheeks bago pumasok, nakita ko namang natulala siya kaya natawa ako.

"Bye dean" wika ko

"B-bye j-jema" sabi niya ng nauutal kaya mas natawa ako lalo

Pagpasok ko sa unit ko ay agad akong pumasok sa cr para magpalit at gawin na rin ang night rituals ko

Pagtapos ko ay agad akong nahiga sa aking kama ng dahil sa pagod ay agad akong nakaramdam ng antok.

Kinabukasan maaga akong nagising balak kong pumunta sa coffee shop para kamustahin naman yung mga staff ko. Dumeretso na ako kaagad sa cr sa coffee shop nalang ako magbbreakfast.

Pagtapos ko maligo ay nagbihis na ako ng dress, then light make up lang. Pagtapos ay lumabas na ako ng condo unit ko at sabay punta sa parking lot

Pagdating ko sa parking lot ay sumakay na kaagad ako at nagpaandar na papunta sa aking parking lot.

Makalipas ang 25 minutes ay nakarating na ako, natagalan ako dahil traffic ngayon pero kung hindi, mga 15 mins lang ay siguradong nandon na ako.

Pagkarating ko ron ay binati ako ng mga staff ko binati ko naman sila pabalik at dumeretso na ako sa office ko.

Dean

Otw ako ngayon sa coffee shop ni jema, pero hindi niya alam na pupunta ako, wala naman kasi akong magawa sa office kaya don nalang ako kay jema tatambay.

Pagkarating ko sa coffee shop ni jema ay agad akong nagtanong

"Ahm miss, nanjan ba si jema?" tanong ko

"Opo sir nasa office niya po" sagot niya

"Okay, thankyou miss" sabi ko

"Sir don po yung office niya" dagdag niya

"Thankyou ulit miss" sagot ko, agad akong nagtungo kung saan yung office ni jema at kumatok ako

tok tok tok

"Come in" wika ng isang boses na kanina ko pa gustong marinig

Binuksan ko yung pinto at saka pumasok, nakita ko namang nagulat siya

"Hi jema" sabi ko

"Hello, napapunta ka?" tanong niya

"Namiss kasi kita" sabi ko sakanya pansin ko namang namula siya

"Kasama lang kita kagabi" sabi niya

"Miss pa rin kita" sabi ko

"Dito muna ako ah, kasi may dinner date naman tayo mamaya" wika ko

"Sige lang, diyan ka sa couch" wika niya

"Nood kadiyan" dagdag niya pa

"Tabihan mo ako, teka may ginagawa kaba?" tanong ko

"Tapusin ko lang 'to, then tabihan kita pagtapos" sabi niya kaya napangiti ako

"Okay po, wait kita" sabi ko

Nanood lang ako rito ng mga movies, hanggang sa tabihan na ako ni jema, kaya napatingin ako sakanya.

"Pagod ka po?" tanong ko sakanya

"Medj lang" sagot niya

"You sure? tanong ko pa

"Yes po" sagot niya

"Nood nalang muna tayo, then mamaya dinner date na tayo" wika ko

"Oum" sabi niya, nagulat ako ng hinilig niya yung head niya sa balikat ko, ramdam ko yung pagbilis ng tibok ng puso ko

"Sleep ka muna, gisingin kita mamaya" sabi ko

"Para makapagpahinga ka muna" dagdag ko pa

"Sigee po" sabi niya

Hanggang sa nakatulog si jema, pinagpapamasdan ko lang siya habang tulog, ang ganda ni jema kahit tulog naiinlab ako lalo sa babaeng nasa harapan ko ngayon.

_________________________
bukas next update guys! hehe

Road to foreverWhere stories live. Discover now