21

1.1K 33 4
                                    

Baby, mag ingat ka sa Cebu at mag text ka sa amin ng daddy mo everyday. Bilin ni Jho sa anak.

Yes, mommy three days lang naman eh.

Kahit na one day pa yan I don't care. This is you first time na malayo sa amin.

Si Bea naman busy sa pag instruct sa dalawang guard na sasama sa anak niya.

Mommy, look that guy he is the one who gave Ate Bela flowers. Sigaw ni Lucas.

Tiningnan ni Jho ang tinuro ng anak. Napansin niyang may kinakausap ang kaklase ni Bela baka parents din ng bata.

Love, tapos na ba? What time daw ang boarding ng mga bata? I already talked sa dalawang security. Sabi ni Bea na karga2x si Isaac dahil naantok ito.

That's great love, three o'clock pa daw ang boarding delayed ata ang flight.

Hi po Tita's, bati ni Cristina sa kanila ni Bea.

Hi Cristina, buti naman at magkasama kayo ni Bela behave kayo sa Cebu huwag kayo lumayo sa mga classmates niyo.

Got it Tita Jho..huwag po kayong mag alala.

Mommy, I'm sleepy...Sabi ni Lucas kaya kinarga siya ni Jho.

Hello po Dr. De Leon, Mrs. De Leon.

Lumingon si Bea sa nagsalita.

Hi, Niel how are you?

Okay naman po..Sabi ni Niel at tumingin kay Jho na busy sa kakahaplos ng likod ni Lucas para makatulog.

Love, si Niel pala kaklase ni Isabela.

Tumingin si Jho kay Niel saka ngumiti. Hello nice to meet you.

Nice to meet you din po Mrs. De Leon ang ganda niyo po pala sa personal manang mana po si Isabela sa inyo.

Tumaas ang kilay ni Jho saka kumunot din ang noo ni Bea.

Ang bata mo pa pero ang galing mo mag compliment..sino nagturo sayo?

Daddy ko po...Sabi ni Niel saka ngumiti Ang gwapo ni Niel ang neat tingnan saka Moreno.

Tumingin si Jho kay Bela na nakasandal sa shoulder ng bestfriend niya.

Diritsuhin na kita Niel. Di pa pwede magpaligaw ang anak ko baby namin si Isabela at nag-iisang prinsesa yan ng daddy niya. Hindi papayag si Dr. De Leon na may ibang pagtuunan ng pansin si Isabela tapusin niyo muna ang pag-aaral.

Ngumiti naman si Niel...Don't worry Mrs. De Leon, I promise di ko po sisirain ang concentration ni Isabela sa pag aaral. Kaya ko po maghintay.

Ngumiti naman si Jho wala siyang masabi sa bata kasi ang bait saka napaka galang.

Ano nga pala ang apelyido mo? Tanong ni Jho.

Niel Evengelista po..sagot ng bata.

Oohhh...reaction ni Jho saka tumingin kay Bea.

Sounds familiar po ba Tita? Yes daddy ko po si Nico na kababata niyo.  Naikwento po kayo ni daddy sa akin.

Ng marinig ni Bea ang sinabi ni Niel nanahimik nalang siya. Di niya naman pwede sakalin ang anak ni Nico para makapag higante siya pero ang ligawan si Isabela di mangyayari yon.

Hinaplos ni Jho ang braso ng asawa saka ngumiti kay Niel at napatango.

Mom, Dad, tinatawag na kami sa boarding...Sabi ni Isabela inirapan niya si Niel saka humalik sa daddy niya para mag paalam.

Hinalikan niya din ang mommy niya saka ang dalawang kapatid na natutulog.

Mr.and Mrs De Leon aalis na po ako hayaan niyo po babantayan ko si Isabela sa Cebu.

No! Biglang sagot ni Bea..I mean my daughter have her own body guard don't go near her.

Okay po...bye po..sagot ni Niel saka tumakbo pa alis.

Is he okay daddy? Masyado na siyang close I hate it. Sabi ni Isabela.

I know baby lumayo ka kanya..Sabi ni Bea saka hinalikan ang ulo ng anak.

Cristina huwag mong iiwan si Bela dapat palagi kayong magkasama saan man kayo pumunta.

Opo Tita Jho...aalis na po kami..

Love? Nabilin mo ba lahat sa guard ang sinabi ko sayo? Tanong ni Jho.

Senenyasan ni Bea ang dalawang security guard na sundan na ang anak niya alerto naman ang dalawa.

Yeah..don't worry. Seryosong sabi ni Bea

Di parin nalimutan ni Bea ang bala na bumaon sa katawan niya dahil sa ginawa ni Nico.

Akala niya tatahimik na ang buhay nila di nila alam kaklase pala ng anak nila ang nag iisang anak ni Nico. Balak ni Bea e transfer ng school ang anak sa Enderun. Kailangan niya makausap Ang asawa niya.

Love, let's go home nangangalay na ang kamay ko kay Lucas.

Nag holding si Bea at Jho papunta sa kotse.

Nilagay muna ni Bea ang kambal sa car seat si Jho naman naka akyat na. Akmang aakyat si Bea ng tawagin ang pangalan niya.

Bea! Long time no see...

Ng makita ni Jho na hindi pa umakyat ang asawa niya tiningnan niya kung sino ang kinakausap.

Laking gulat niya ng makita si Nico may kasamang babae. Gusto niyang hatakin si Bea papasok ng sasakyan pero ang kamay ni Bea naka senyas kay Jho na huwag bumaba. Kinakabahan si Jho pero baka di naman gagawa ng masama si Nico dahil may kasama siyang babae.

Di nagsalita si Bea seryoso lang siyang nakatingin kay Nico.

Magkaklase pala ang mga anak natin.

Di pa rin sumagot si Bea.

I'm sorry sa ginawa ko dati..I know hanggang ngayon di niyo pa rin ako mapapatawad ni Jho. Araw-araw kung pinagsisihan ang ginawa ko. I'm a changed man Bea and this is my wife Leslie. Kasama mo ba si Jho? My wife wanted to meet her.

Tumingin pa ng matagal si Bea kay Nico saka tumalikod.

I'm sorry I have to go....Sabi ni Bea saka umakyat sa sasakyan at sinirado.

Huminga ng malalim si Jho.

Ano ba ang sinabi niya ba't ang tagal mo? Tanong ni Jho.

Nonsense. Let's go home.



















COLLIDE IIWhere stories live. Discover now