12

1.1K 33 5
                                    

Naka alis na si Bea papuntang Singapore pagkatapos ng mahabang habilin ng asawa niya.

Bumalik na sa trabaho si Jho. Wala siyang ganang kumilos pero pinilit pa rin niya. Ang mga bata pinahatid nalang niya sa driver kasama ang Yaya nila.

Tumitingin lang sa cellphone si Jho naghihintay sa tawag ni Bea.

Maya2x may biglang pumasok sa office niya.

Hey, Jho anong nangyari sa itsura mo? tanong ni Ella.

Kakaalis lang ni Bea di na ma drawing ang mukha mo. Hayaan mo muna ang asawa mo mag enjoy sa Singapore.

Trabaho ang pinunta niya dun ate Ella anong enjoy2x ang sinasabi mo?

Hahaha..joke lang pero kakaalis lang non bat ka tingin2x sa cellphone mo? Mamaya pa yon darating sa Singapore.

At bakit ka naman naparito ng napaka aga? Tanong ni Jho kay Ella.

Inutusan lang naman ako ng asawa mo baka daw bumalik ang Marci na yon sabi niya magka height lang kami nun kayang kaya ko daw yun. Sabi ni Ella.

Sira ulo..bulong ni Jho.

Narinig ni Jho ang phone tumatawag ang secretary niya.

Yes Mitch?

Ma'am Jho nandito po si Sir Elmer at Madame Deth.

Huh? Ba't ang aga naman ng mga manugang ko..Sige papasukin mo.

Pagbaba ni Jho ng phone tumingin siya kay Ella..ate Ella papasok ang mga magulang ni Bea.

Eh ano naman? Aalis din ako mamaya...

No what I mean ano kaya ang pakay nila?

Eh di kausapin mo mamaya.

May kumatok pinapasok naman agad ni Jho.

Mom,Dad magandang umaga po..bati ni Jho sabay kiss.

Bumati din ang dalawa.

Oh Ella..andito ka pala kamusta kana bati ni Elmer.

Okay naman po Tito may inutos lang si Bea sa akin kaya naparito ako paalis na din po ako.

Ganon ba..Sige ingat ka.

Paglabas ni Ella..

Jho we are here para ipaalam ang mga bata. Kami na ni Daddy mo ang susundo  mamaya sa kanila sa school. Doon na din muna sila sa bahay. We know busy ka sa negosyo niyo ni Bea.

Sa isip ni Jho wala siyang makasama sa bahay lalong iiyak siya pag wala dun ang mga bata. Pero di niya matangihan ang parents ni Bea. Bahala na kaya niya naman siguro.

Sure mom,dad..tawagan ko lang ang driver saka ang Yaya nila.

Enjoy your Me time Jho habang wala si Bea lumabas ka kasama ng mga kaibigan mo mag pa spa ka para ma relax ka naman. Sabi ni Elmer.

Ngumiti naman si Jho saka tumango.

Pag alis ng magulang ni Bea agad niyang tinawagan ang Yaya saka kinausap ang kambal. Tinawagan niya din si Isabela saka ang driver. Ayaw pa sana ni Bela pero nag explain si Jho na minsan lang naman sila makapunta sa grandma at grandpa nila.

Naiwan sa office si Jho nag iisip kung ano ang magandang gawin ng tumunog ulit ang cellphone niya si Ponggay tumatawag.

Hello?

Jho, oh my God on your tv.

What? Why?

Tingnan mo sa business channel makikita mo ang sagot. Sabi ni Ponggay.

Dali2x naman in on ni Jho ang tv sa office niya at sinunod ang sinabi ni Ponggay. Mag 12 pm na pala kaya dumating na si Bea sa Singapore.

Balita galing Singapore..sa airport lahat ng guess nag si datingan at naka focus sa kanila ang camera.

Our guest speaker from the Philippines Doctor Isabel Beatriz De Leon with her escort Kim Kiana Dy spotted at the Airport.

Ano? Do you see what I'm talking magkasama sila ng Kiana na yun. Diba matagal na issue na yan.

Nanginginig ang buong katawan ni Jho sa nakita. Si Bea nakatayo habang nakangiti at nasa tabi niya si Kianna naka ngiti din.

Jho? Okay kalang ba? Hello? Jho?

Binaba ni Jho ang phone saka tinawag si Mitch. Agad naman itong pumasok.

Mitch, book me a ticket going to Singapore yung pinaka early ngayong araw. Mag file ako ng leave mula ngayon kaya Ikaw bahala sa office ano mang problema tawagan mo ako.

Instruction ni Jho sa secretary..Yes ma'am..sagot nalang ni Mitch na naguguluhan. Pero ng tumingin siya sa tv na dun na niya nakita ang sagot.

Mabilis na lumabas si Jho sa office at umuwi ng bahay para mag ligpit. Tumawag siya sa byenan niya na doon muna ang mga bata kasi kailangan niya pumunta sa Singapore. Di naman nagtanong si Deth at sinabihan nalang si Jho na mag ingat.

Bwesit ka Beatriz, pangiti ngiti kapa habang nasa tabi mo ang babae mo. Tingnan natin..sa isip ni Jho. Hapon ang flight ni Jho kaya darating siya sa Singapore medyo gabi na.

Di parin nawawala sa isip niya ang sinabi ni Bea hindi kaya ni Bea wasakin ang nabuo nilang pamilya.

Tumutulo na ang luha ni Jho sa galit. Beatriz siguraduhin mo lang na may tamang reasons ka dahil kung wala iwan ko nalang.

Hanggang ngayon di parin tumatawag si Bea kahit alam na ni Jho na dumating na siya sa Singapore di parin siya tumawag o text man lang.

Nag taxi nalang si Jho papuntang airport. Gulong gulo ang isip niya. Di niya talaga mapapatawad si Bea kung totoo man ang nakita niya o kung aaminin ni Bea ang totoo.

COLLIDE IIWhere stories live. Discover now