IV. PART 2

30 1 0
                                    

Patricia's POV:

Nandito ako sa bahay ni Agnes, kasama ko si Tita Cy at si Lin dito sa baba, kumakain ako ng meryenda hehe.

"Tita, thank you po sa pameryenda."

"Naku hija wala yun. Hindi alam ni Agnes na pupunta ka dito diba?" 

Umiling ako.

"Iniisip ko nga po kung pupuntahan ko na po siya, anong oras po ba yung gig niya?"

"Ay Ate alam ko schedule ni Ate Agnes. Start ng gig niya ngayong araw 4PM."

"Haaa? anong oras siya umalis dito?"

"12:30 mga ganun."

"Aga naman!"

"Sama ako Ate Pat!"
Nagpapasama si Lin.

"Puwede naman! Okay lang ba kay Tita yun?" 

"Okay lang naman sa'kin. Basta magiingat lang kayo."

"Magbibihis na ako!"
Dumeretso si Lin sa kwarto niya para magbihis.

"Yang si Lin, parang si Agnes lang nung nakaraan. Lagi nagpapasama sa'kin pag may pupuntahan, sa palengke, sa mall, kung saan saan nalang." Kwento ni Tita.

"Oo nga po eh, sa school nga po, pag may utos po yung prof, lagi pong sumasama sa'kin."

"Sa iba ba sumasama?" 

"Hindi po, HAHAHHAHAHA!"

"Eh may rason talaga siya d'yan, ikaw pala gusto kasama eh!" 

"HAHAHAHAHAHHAHA TITA NAMAN EH!"

Bumaba na ulit si Lin. Bilis naman magbihis.

"Osige na po Tita, aalis na po kami."
"Wala ka na nalimutan?"
Tanong ko kay Lin.

Umiling siya.

"Sige na hija, magiingat kayo ha? Salamat sa pagbisita!"

"Thank you din po Tita! Magkwentuhan pa po tayo soon!" 

"Oo sige! Ingat!"

Lumabas na rin kami ni Lin.




GitaraWhere stories live. Discover now