11 years old

16 0 0
                                    

(11 years old) 

Pinapunta ako ni Sir sa Faculty. 

Siguro tungkol to sa hindi ko pagpasok sa klase niya. 

Hindi ko alam kung kaya ko siya harapin. 

Hindi ko alam. 

Pumasok ako sa faculty. 

Walang tao. 

Yung table nalang ni Sir yung may ilaw, siguro siya nalang yung nandito. 

May nakita akong folder sa table niya. 

I will love you forever 

Yan yung title ng play namin eh. 

May ganyan ding folder si Sir Irlo kaso mas mukhang original yung kay Sir, ven , Hahawakan ko na yun nang 

“ Charm “ 

Dumating si Sir. Ven. 

“ Sir, pasensya na po pumasok ako kasi po bukas nam--” 

“ Pasensya ka na din, hinatid ko lang palalbas si carol” 

Natahimik ako. 

“ Si Carol po, yung girlfriend niyo? “ 

“ Fiance “ 

“ Ah, fiance po, “ 

I inhaled. 

Pakiramdam ko maiiyak nanaman ako. 

“ Maganda po siya, Mukhang matalino tsaka mayaman” 

“ Accountant siya” 

“ wow , magaling po sa math, tsaka siguro po magaling siya magjoke, kasi po iba po yung tawa niyo pag kasama nyo siya eh “ 

 I said. 

“ Ah, oo, she makes me happy” 

Breaks my heart the second time around. 

Tumalikod ako kay sir. 

“ Masaya po ako para sa inyo “ 

“ Charm, may problema kaba? “ 

Problema? 

Oo ikaw! 

Sorry, hindi ko na talaga kayang pigilan. 

Im really sorry. 

“ Problema sir? “ humarap ako sa kaniya. 

I inhaled. 

“ Kung ang maiyak dahil alam mong may mahal na iba ang mahal mo ay problema sir, opo may problema nga ako! “ 

'

“ Charm , are you alright? “ 

“ Who the hell are you to ask me that? “ I yelled. 

“ I dont understand” 

“ Kung ang sagutin mo ang kapatid ng lalaking mahal mo, para hindi ka mapahiya dahil sinabi ng mahal mo na hindi ka niya gusto ay problema, Yes sir! I have a really big problem! “ I shouted. 

“ Charm, if you have problems, we cant talk about it , and a lady like you shouldn't show your tears to anyone “ 

Nag attempt si sir na punasan ang mga luha na bumabagsak sa mata ko. 

Hindi ko sila napansin. 

Tinabig ko yung kamay ni sir. 

“ yes, Im a lady! And this freaking lady, is in love with her Professor! This freaking lady is inlove with a man 10 years older than her “ 

Natahimik si Sir. 

Hindi diya makapagsalita. 

I have no choice I need to say it all now, dahil baka pagsisihan ko na hindi ko ito nasabi. 

“ Hindi mo alam kung gaano ako nasasakatan pag iniisip ko na nung Nabubuo palang ako sa tiyan ng mama ko, e nakakabuo kana ng mga talata mo, Hindi mo alam kung gaano ako na sasaktan pag iniisip ko na nung mga panahong nagaaral akong gumapang eh, Kaya mo ng makipaglaro ng 

Habulan sa mga kalaro mo, na nung mga panahong nabubulol ako sa pagbigkas ng alpabeto ay nabubulol ka naman sa pagtatapat ng nararamdaman sa crush mo, na nung mga panahong pinapasayaw ako ng mga magulang ko sa harap ng bisita namin habang pumapalakpak sila ay Sinasayaw mo na ang first dance mo kasama ang first love mo, kung gaano kasakit sa akin na nung unang beses na kumuha ako ng ribbon sa recognition e , kinukuha mo na ang diploma mo sa kolehiyo at sinisimulang buuin ang mga pangarap mo! 

Wala kang alam, kaya wala kang karapatan na itanong sa akin kung may problema ako 

 Po “ 

Lumabas ako ng faculty. 

Bahala na. 

Nasabi ko na ang gusto ko sabihin. 

Atleast ngayon wala na akong bigat na dala dito sa puso ko. 

Wala nayung tinik na matagal ng naktusok dito sa puso ko. 

Nakabukas yung gate. 

Sana nakalock nalang ulit. 

Para makasama ko pa ulit siya. 

“Tama na Charm, Tama na …. “

What if ?Where stories live. Discover now