5 years old

20 0 0
                                    

( 5 years old)

Pumasok kami sa loob ni Sir. 

Ang ganda ng bahay! 

Yung mga muebles? Sosyal. 

Mukha talagang mamahalin. 

Yung sofa nila, kulay maroon na parang ikukulong ka pag nalukot. 

May babaeng sumalubong sa amin. 

Naka Sleeping Robe siya, Ang sophisticated ng ganda niya. 

Medyo matanda na, pero actually hindi siya mukhang losyang. 

Tapos ang glowing ng mukha niya. 

“Good Morning Hijo” Niyakap niya si Sir. 

Siguro siya yung nanay ni Sir. 

Nanay? 

Mukhang di bagay sa kaniya yun siguro, Mommy would work. 

“ Ma, si Charm po, estudyante ko, siya po yung kasama kong nalock, Late na din po kasi kaya sinama ko na po siya dito”

Tinignan ako ni Mommy, este ng mommy ni Sir. 

“ Nice meeting you Hija, You can call me Tita Emy, You can stay here tonight, Kumain na ba kayo? “ 

Natulala ako. 

“ Hindi pa nga po eh”  sabi ni Sir. 

“Wait ipaghahanda ko kayo” 

Iniwanan kami ni Tita Emy. 

Umupo kami ni Sir sa Sofa. 

“ Saglit lang ah? Magbibihis lang ako” he said. 

Pinagmasdan ko yung bahay nila. 

Pangarap ko tlagang magkaroon ng ganito. 

Kaya nga nagaaral ako diba? 

Wait, nagaaral ba ko? 

Bumaba si Sir galing sa Upper left na kwarto. 

Natulala ako kay Sir. 

Mukhang bata talaga si Sir! 

Ang gwapo niya tignan sa T shirt at shorts niya. 

“ Charm , Hello Charm? “ 

Grabe. 

Ang gwapo talaga ni sir. 

Mukha siyang mabango tapos ang gwapo pa ng buhok niya. 

Malayong malayo sa edad niya. 

Tinapik ako ni sir. 

“ hoy Charm! Napano ka? “ 

D*mn! 

Day dream?

Nakakahiya naman! 

“ Si-Sir, bakit po? “ 

“ I said, kinuha ko tong mga damit sa kwarto ng kapatid ko, Tignan mo at baka may magkasya sayo” 

Ibinigay niya sa akin ang apat ng dangkal na damit. 

“ Salamat po Sir, “ 

Nagbihis na ako. 

Ang babango ng damit nato. 

Yung iba may tagprices pa? 

Parang di nga ginamit eh. 

'

Iba talaga pag mayaman noh? 

Paglabas ko, niyaya na kami kumain ni Tita Emy. 

Natuwa siya ng makita na suot ko yung damit ng anak niya, panglawa palayun. 

Ang pangalan ay Naomi Hendrano. 

Designer na daw yun sa Connecticut. 

Kaya sabi nii Tita emy, Kunin ko narin daw yung ibang damit dun sa cabinet kasi daw hindi anrin daw yun kasiya sa anak niya dahil 24 na daw yun ngayon.  Ang sarap ng luto ni Tita Emy. Tuwang-tuwa siyang nagkwekwento, pero ng mag 12:30 na eh, nagpaalam na din siya para matulog. 

Naiwan kami ni Sir sa kusina. 

Huhugasan ko dapat yung mga plato pero sabi ni sirr, nukas nalang daw yun at may pasok pa daw kami. 

Wow! 

Parang magclassmates lang e no? 

Sana nga magclassmates lang kami para free akong mahulog sa kaniya. 

Walang problema sa estado sa buhay at Age gap. 

“ Dun ka na matulog sa kwart ko, nakalimutan ko kasing hingin kay Mama yung suisi sa kwarto ni Naomi eh” 

“ Pero sir “

Wala nga akong nagawa. 

Dun na nga ako natulog sa kwarto ni sir. 

Sa kwarto ni Sir na mabango at malinis. 

Malayong malayo sa kwarto ko na parang 1/8 lang ng kwartong to. 

Ang lambot ng kama ni Sir. 

Sa tabi nito ay isang frame na picture niya. 

Ang pogi! 

At isa pang frame kung saan kumpleto silang pamilya. 

Yung papa pala ni Sir, according sa kwento ni Tita emy ay nasa Singapore ngayon for a business trip. May iang lalaking katabi si Sir, kamukha niya. Mas bata nga lang. 

Natulog na ako. 

Good night sir! Sana katabi kita. 

Hihi :”

What if ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon