10

38 6 1
                                    

Part 2
----------------------------------------------------------------------------------------------

"Soulmate 😏" sabi niya saakin. Tinanggal ko naman agad yung kamay ko at pinaglaruan ko ulit si Ferrero. Sorry isip bata lang ako! 😂✌🏼

"Biking tayo?" tanong niya saakin

"Ayoko." hindi naman kasi ako marunong mag-bike. Kahit ilang gulong niyang bike, hindi ako marunong kasi walang nagturo saakin. Si 'dad' and 'mom' pag kausap ko dati, parang seryoso nalang sila sa lahat ng bagay tapos utos lang sila ng utos saakin. Parang ginagawa akong katulong. Pagdating naman kay Kuya, palagi siyang busy sa studies niya. Nerd siya kung baga hahaha peace tayo bro 😂✌🏼️

"Bakit?"

"Umm h-hindi k-kasi ako marunong" and he just laughed at me

"Imposible. Siguro naman tinuruan ka ng tatay mo?" kaya nga hindi marunong kasi hindi tinuruan e! Akala ko ba matalino ka?

"Basta ayoko."

"Tara na nga! Ako na magtuturo sayo!" kinaladkad niya ako

"Ayoko nga! Maglalakad nalang ako ikaw nalang mag-bike." tumingin naman siya sakin at tumawa ulit

"Oo nga no? Kasi kasing bilis mo lang yung bike ko!" sarcastically said

"Edi maglakad nalang tayo diba?"

"Mainit na. Mamaya na lang ulit. Ikaw kasi e. Tss" at naglakad na siya palayo. Tumingin naman siya saakin kasi hindi padin ako gumagalaw sa kinatatayuan ko.

"Ayaw mo kumain ng lunch? Fine diyan ka nalang." sinundan ko na siya. No choice e, nagugutom ulit ako. Tumingin nanaman siya sa likod. Siguro narinig niya yung footsteps ko. Haha padabog kasi akong nag-lakad.

"Why are you following me? Ang obvious mo naman mag-stalk! Sana naman nagtago ka! Pero kilig ako dun ah! Heehee" seriously? Bading ba tong lalaking to? Oh my gosh! Pati pala mga mukhang lalaki nababading na ngayon! Sayang itsura. A major turn-off.

"Nilabas ang tunay na anyo.... BADING BAKLA GAY HOMOSEXUAL!!! Lagot ka kay Papa God!"

"Anong bakla? Hah? Gusto mo patunayan ko sayo?" nilapit naman niya mukha niya sa mukha ko at binulong

"Halikan pa kita e" yakkk. Ang bad breath! Nilayo ko mukha ko sa mukha niya, nagsuka-sukahan pa ako at hinatak na siya papuntang kotse niya

"Saan ba tayo kakain?" tanong ko kay Rence

"Bakit kakain ka ba? Sabi mo ka-" hep hep hep! Pinutol ko siya bago niya pa matapos yung sentence niya hurrayyyy 🎉🎉

"Gutom na ko e! Lika naaaa" sinenyasan ko lang siya na mag-drive na. Pero alam niyo kung ano ginawa niya? Laugh. LAugh. LAUgh. LAUGh. LAUGH!!! Naweirdohan naman ako sakanya.

"Hoy sa bahay tayo kakain no!"

"Kaya nga. Mag-drive ka na papunta doon pwede?" tumawa nanaman siya. Nakakainis tong lalaking to tss

"Bahay ko po kasi yun oh!" sabay turo dun sa malaking mansion na sinasabi ko sainyo dati. Wehh? Talga? Baka akyat-bahay lang gagawin namin? Ayokong makulong no! Wala akong mararating sa buhay. Ewan ko nalang. Hindi ko siya pinansin. Wag feeler masama yun...ata? 😂✌🏼️

Pumasok na kami dun sa 'bahay niya'. Totoo nga. Sakanya talaga yun. Punong-puno ng mga family pictures e. They look so happy together :) inggit ako -_-

"Tama na titig sa grad. pic ko! Kakain na! Baka mabusog ka pa!" guess who? Malamang, yung feeler na yun. Si Rence. Nasa tapat pala ako ng graduation picture niya nung grade six. Nung totoy pa siya. Hahaha pangit pala siya dati. Oy! Oy! Oy! Panget padin siya ngayon no! Baka kung ano pa isipin niyo. Pero naglevel-up ang itsura niya, pumangit lalo. (A/N: Suss aminin mo na gwapo si Rence !) Oo na nga eto na po! May itsura lang heehee

An Accident KissWhere stories live. Discover now