1

187 16 8
                                    

It all started with a kiss. An accident kiss.

~Cathryn's POV~

*kilig mode*

"Janeeee! OMG kinausap ako ni Keith kaninaaa! May sasabihin daw siya saakin! Omegesh! 😍😍"

"How sure are you naman na maganda ang sasabihin niya sayo?" furious na tanong saakin ni Jane.

"I can feel it Jane! Baka will you marry me? Ang sasabihin niya. O-or will you be my girlfriend? Grabe excited na talaga ako!"

"Baka naman bad news ang sabihin sayo nun Cathryn." pakontra niyang sabi.

"Ang nega mo talaga kahit kailan basta kung mapa-good or bad pa yan kinausap niya parin ako 😍😍"

"Basta Cat, kung mapa-good or bad pa yang sasabihin sayo ni Keith, nandito lang ako para sayo baka kasi mamaya mgyare ulit yung ngyare sayo dati. Halos namatay ka na dati e." nag-aalalang sabi ni Jane.

"Opo mommy! Promise ko po na hindi na ako mahaheartbroken ngayon at bakit naman ako mahaheart-broken sa pag-alis ng mga magulang ko? Huh? Hahaha " natatawang sabi ko sakanya.

"O sige anak ah mauna na ako at baka malate ka pa sa meeting niyo ni Keith e. Teka, saan ba kayo magkikita?" nanay-nanayan niyang tanong saakin. Etong bestfriend ko talaga oh!

"Sa classroom po natin mommy!" sagot ko.

"Ah sige sige! Basta pag may masamang ngyare sayo ako mismo papatay dun kay Keith!"

"Ay mommy! Wag po! Baka masira yung mukha niya!"

"Pangit pangit nun e feelingero pa!" pareklamo niyang sinabi.

"Samantalang kasi wala siyang lovelife. Meron ba? Meron na ata e kaya kung makareact wagas!" pang-aasar ko sakanya.

"Wala ngang lovelife. Never will have. Sige na umalis kana nga late kana o!" sagot niya.

"Sige na ngaa! Byee!" paalam ko sakanya.

-

*opens the door of the classroom*

"Keith? So-" I realized na wala pa pala siya dun. Hayss... Akala ko naman naghihintay na siya. 😔 Pero baka naman naghanda siya ng mga flowers at chocolates!? Hihihi ☺️ Umupo nalang ako sa may teacher's table, put my bag on the floor beside me and waited for him for hours pero wala e. No sign of footsteps, walang dumadaanan na tao hanggang sa dumilim na. Nagbalak na akong umalis ng may biglang pumasok pagod na pagod at pawis na pawis. OMG he came. Kakatapos niya lang ata magtraining?

"Sorry Cathryn nalate ako. Kanina ka pa dito?" hinihingal niyang tanong. May pake siya saakin 😍

"Ahh oo e pero ok lang. 😁 Ano nga pala yung sasabihin mo?" kunyaring nahihiya kong sagot.

"Ay! Oo nga pala pero serious talk to ah!" nerbyosong tanong niya. Ako naman, syempre kinabahan din na may halong excitement.

"Sige haha!" sabi ko in the outside pero in the inside... Deretsuhin mo na kaya ako. Liligawan mo na ako no? Wag ka na mahiya sasagutin naman kita agad e!....

"Kasi may nagustuhan akong babae..." pag-uumpisa niya.

"Ngayon, gusto ko siyang li-ligawan..."

"Naramdaman ko kasi na siya yung tinuturo ng puso ko..." dagdag niya.

My heart started to beat faster and faster hanggang sa nakapagsalita na ako na "Yes. Sasagutin kita." wait what? Bat ko nasabi yun?

"Ano kaba?" patawa niyang sinabi. Anong pinagsasabi niya? 😔

"Diba ako naman yung tinutukoy mong babae? Kaya nga pinatawag mo ako diba?" palaban kong sinabi pero nakaramdam na lang ako ng hiya at namula na ako.

"Hahaha! Satingin mo magugustuhan kita? Alam kong may gusto ka saakin pero kailangan bang magkagusto din ako sayo?" patawa niyang sinabi. Aray ko naman! 💔

Unti-unti ng nagkawasak-wasak ang puso sa sinabi niya pinigil ko nalang yung mga luha kong tumulo para hindi mahalata yung nararamdaman ko.

"Bakit mo ba ako pinapunta dito?" malungkot kong sagot

"E kasi makakatulong ka sa pangliligaw ko kay Jane." nakangiti niyang sinabi.

Ano? Kay Jane? As in Jane Angela Castillo? Yung bestfriend ko? Yung bestfriend ko pa ang liligawan ng crush ko? Nasira na nga yung puso ko nadurog pa lalo dahil sa narinig ko! Hindi ko na napigilan. Tumulo na ng tumulo yung mga luha ko...

"O sige ah! Kailangan ko na kasing umalis e magtetraining pa ako. Sa susunod nalang tayo mag-plano." paalam niya saakin at lumabas na siya. Bakit ba natin kailangan planuhin ang pangliligaw mo sa iba? Pwede namang sakin e! 😢💔

Pagkatapos niya akong iwanang mag-isa, at saka ko nilabas. Nilabas ko lahat ng mga luha ko. Laking gulat ko lang na may pumasok. Akala ko si Keith pero... kaibigan niya to ah? Ano kayang ginagawa niya dito? Baka naman paiyakin niya pa ako lalo katulad ng ginawa ni Keith. Pinunasan ko na ang mga luha ko at lumabas na ng classroom...

Without looking at him tumayo na ako at umalis na ako. Bubuksan ko na sana yung pintuan pero nagsalita siya.

"So wala kang planong kunin ang bag mo?" tanong niya saakin. Ano banaman Cat magwawalk-out ka na nga lang epic fail pa! Nakakahiya!

Tumalikod ako at tiningnan siya ng masama. "Oo na eto na nga o kukunin ko na!" sabi ko sakanya sabay tawa niya. FC naman nitong lalaking to. Akala mong kaclose ko siya kung makapagsalita saakin. Kinuha ko nalang yung bag ko at may nagawa nanaman akong kapalpakan. Na out of balance o natisod nanaman ako sa isang invisible na bagay (clumsy me) at natulak ko yung lalaki tapos we crash down on the floor then his lips crash into mine! 😳

*natulala ako*

"First kiss mo to no? and by the way I'm the one and only Rence Villanueva." he said proudly.

"..."

"Ok lang pala na hindi ka sumagot kasi halata namang first kiss mo e." dagdag niya. Nagtanong pa siya! E alam niya naman pala na first kiss ko at hindi ko naman tinatanong kung ano pangalan niya e -_- Hindi ko rin naman cinonsider na first kiss ko yun e. It's just an accident.

Tumayo na ako nagsimula ng maglakad papunta sa pintuan. Aalis na sana ako pero may sinabi pa si Rence...

"Hindi ka nga marunong humalik pero masarap kang halikan. 😃" nakangiti niyang sinabi pero tuloy tuloy parin ako sa paglalakad. Landi nitong lalaking to bwisit

"Hay nako boys boys boys... Must delete memory... 1% 2% 3%~~~ 100% memory deleted." sabi ko habang papalakad pauwi.

"So talagang nadelete na yung memory mo? Gusto mo halikan kita ulit para may bagong memory?" may nagtanong. Huh? Wait! *I looked at him* siya nga. Yung FC na stalker na malandi. Hayyy

"Ikaw? Umalis ka nga dito! FC na nga stalker na nga, malandi pa! Alis! Kung hindi tatawag ako ng pulis!" pananakot ko sakanya pero wala e. Hindi natakot kaya tumakbo na lang ako ng mabilis pauwi. Turn Right. Run. Run. Run. Straight ahead. Run run run. Stop!

-

*Nakapasok na ng bahay*

"O Cat bat naman namamaga yang mga mata mo at halos mawalan ka ng hininga?" tanong ni kuya Ken saakin.

"Wala po to kuya." sagot ko. Wala na kasi ako sa mood makipag-usap ngayon. Pumasok nalang ako sa kwarto ko, nagbihis, at natulog na kahit nagsisimula na ulit tumulo ang mga luha ko....

An Accident KissWhere stories live. Discover now