HIS PRESENT

460 11 5
                                    


Disclaimer: All the names, characters and places that are mentioned here are just from the product of the author's imagination. Some events that are included may be from the author's imagination or from the fact that she wants to make her story a bit realistic. Pasensya na po kung hindi po ganoon kaganda ang kwentong ito. Nagsisimula pa lamang po ako sa pagsulat. Sorry in advance sa mga grammatical errors, typos, and other mistakes.

The main photo of the book cover is not mine and I just edited it using Canva. Do not copy. Plagiarism is a crime.

______________________________________

Fayeah Klaris Rivera
Kio Miguel Acosta

HIS PRESENT
Written by: FoolsDome
Dedicated to: Ms. Charlyn

Hello mga bii! Bago ko umpisahang i-kuwento ang story ko, let me introduce my self first.

Hi! I am Fayeah Klaris Rivera. I am currently studying at La Salle and I am pretty. Charr

I am in a relationship with Kio Miguel Acosta.

We're together for more than a year now and we're going strong.

I am here to tell you our story.

So, ito na nga. . .

When I was a freshman here in La Salle, I met my boyfriend now, si Kio.

Nakita ko siya sa isang bench. Mukha siyang malungkot at noong nilapitan ko siya; hindi niya ako pinansin.

Mukha siyang lugmok na lugmok at depressed. Mukha siyang broken-hearted.

Araw-araw ay nakikita ko siya roon na parang mahalaga sa kaniya ang lugar; na parang mayroon siyang masayang ala-ala roon.

Hindi ko siya nilalapitan, simply because nahihiya ako. Crush ko siya ng konti, pero I think may mahal na siyang iba.

Nakikita ko kasi sa mga mata niya na sobra siyang nasasaktan; maybe sa pag-ibig. . . I don't know.

Sobra akong nasasaktan para sa kaniya. Gusto ko siyang tulungan pero hindi ko alam kung paano.

Ano kaya ang nangyari sa kaniya? Sino kaya ang nang-iwan dito?

Nagkalakas ako ng loob na lapitan siya nang makita ko siyang basa na sa ulan. He seems to not care kung basa man siya. Nakaupo pa rin siya sa bench na 'yon, like it's his safe place, like it's his haven.

“Hahayaan mo lang ba talagang mabasa ka ng ulan?“ I asked him.

Tiningnan niya lang ako at maya-maya'y tumingin sa malayo.

“Yes.“

“Why?“

He heaved a sigh bago siya sumagot.

“I don't know. I just feel that I shouldn't leave this place. It's too memorable and sentimental to me.“

“But you'll get sick! If you get sick, you won't be able to go to this place for days, and that's worse, right?“ tanong ko sa kaniya.

Totoo naman kasing kapag nagkasakit siya ay baka ilang araw niya itong hindi mapuntahan.

Bumuntong-hininga siya bago tumango.

“I guess you're right. Uuwi muna ako at magpapalit ng damit.“ tipid niyang sagot.

Nginitian ko lamang siya pagkatapos ay iniabot ko sa kaniya ang raincoat ko.

“Hiramin mo muna 'yan. Baka magkasakit ka kapag tinakbo mo pa itong ulan.“ saad ko habang inaaro ang raincoat ko sa kaniya.

“Paano ka? Baka magkasakit ka?“

Stories From The Wounded HeartWhere stories live. Discover now