SO NEAR, YET SO FAR

1K 20 47
                                    


SO NEAR, YET SO FAR
Written by: FoolsDome
Dedicated to: Ms. Charlyn

Hi everyone! I am Hailey but people call me "H".

Lahat daw kasi ng "h" ay nasa akin na.

I am hyper, humorous, hugotera at hopeless romantic.

Speaking of hopeless, wala na ata talaga akong pag-asa sa crush ko.

His name is Kio Miguel. Famous siya sa school and pogi rin. Human magnet nga eh, kasi naattract niya lahat ng girls saan man siya magpunta.

Hayys, bakit kasi ampogi niya? Minsan, 'yong sobrang kapogian ay nakakasama lalo na kapag andami na ng kaagaw!

Since Grade 11 pa lang ay gusto ko na siya. He's smart, athletic, kind and gentleman din kasi!

Ackk, ang perfect ng hubby ko!

“Hoii love! Ipanalo mo 'yan! Proud na proud kami ng mga anak mo sa'yo!“ walanghiya kong sigaw noong may basketball competition sila.

Nasa pinakalikod kasi kami na upuan kaya alam kong hindi naman niya ako maririnig.

Matapos kong sabihin 'yon ay nagulat ako ng magtagpo ang mga mata namin. Halos himatayin ako ng kumindat siya sa akin!

Totoo ba ito? Hindi ba ako nananaginip? Omgg! Kinindatan ako ni Crush!

Pero naglaho 'yong kilig ko nang makita ko 'yong muse namin na nasa may unahan ko pa pala nakaupo. Hayys, bakit ba wala ito sa unahan? Muse siya, tapos nasa likod nakaupo?

Habang nanonood ng liga ay walang gana kong tiningnan ang crush ko habang naglalaro siya roon sa  may court. “10 ka sana kaso madami akong kaagaw. . . pero 11 ka, kasi pogi.“ natatawa kong saad sa sarili.

Nang matapos ang game ay nakita ko siyang lumapit papunta sa direksyon ko.

Omg! Lalapitan na ba niya ako? Magp-propose na ba siya sa'kin? I do na agad, Father!

Lumukot ang aking mukha ng makita ko siyang lumapit sa muse namin.

“Hi Chlouie, are you free tonight?” malambing niyang tanong kay Chlouie; ang muse namin.

Kunwari naman ay nahihiyang tumango ang babae. Hayys, pabebe!

Nang lumabas kami ng gate kasama ang mga kaibigan ko ay nagpaiwan muna ako. Syempre babatiin ko muna ang crush ko kasi nanalo sila.

Akala ko ay masaya akong uuwi ng bahay, hindi pala.

Nakita ko kasi na kiniss ni Chlouie ang crush ko! Kairita! Tas hindi man lang pumalag ang bbko!

Matapos ang insidente na iyon ay hindi na ako pumupunta sa mga laro niya. Hindi ko na rin siya ginugulo kasi baka mali na, kasi baka sila na ni Chlouie, 'di ba?

I distanced myself from him. Oo nga't crush ko siya pero hindi ko naman ugaling manira ng relasyon. Hindi naman ako desperada.

Isang araw, nagulat na lang ako nang pumunta si Kio sa room namin. Mygosh! Hinahanap niya ako!

He excused me from our teacher kasi may klase noon. Nagulat pa nga ako when he suddenly held my wrist. It brought electricity and a different shock on my spine and stomach. Omg! Ang lambot ng kamay niya mhie!

“Why didn't you attend my game last Sunday?“ maotoridad niyang tanong.

“ Ah. . . K-Kasi nagreview ako.“ palusot ko sa kaniya.

“My game last-last Sunday?“

“May lakad ako.“ I answered.

“My game after that?“

Stories From The Wounded HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon