CHAPTER TWELVE

248 30 0
                                    

⚠️Disclaimer: This chapter contains a letter that can affect someone's life. Do not imitate it.

______________

Kagagaling lang ni Nancy sa lamay ng mga kaibigan nang biglang tumawag sa kanya ang mga magulang ni Stella. Nasa bahay na sya at kasalukuyang nagtutupi ng kanyang mga damit. Iniabot sa kanya ng kanyang mama ang cellphone nya at sinagot ang tumatawag rito.

𝘛𝘪𝘵𝘢 𝘙𝘢𝘤𝘩𝘦𝘭'𝘴 𝘤𝘢𝘭𝘭𝘪𝘯𝘨....

"Hello po Tita Rachel, bakit po kayo napatawag?" bungad na tanong ni Nancy.

Narinig nya pang mahinang humikbi ang nasa kabilang linya kaya muling nanumbalik sa pakiramdam nya ang naramdaman nya nung mga nakalipas na araw.

"H-hello po Tita Rachel? Bakit po ba kayo napat-tawag?" kabadong tanong ulit ni Nancy.

Suminghot muna ang nasa kabilang linya bago ito magsalita na sinundan ng mahinang paghikbi.

"𝘈-𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘢𝘬 𝘬𝘰 𝘕𝘢𝘯𝘤𝘺... 𝘢𝘯𝘨 𝘢-𝘢𝘯𝘢𝘬 𝘬𝘰.." muli itong humikbi.

Mas lalong lumakas ang pakiramdam ni Nancy na may masamang nangyari sa kaibigan nya. Base sa nararamdaman nyang kutob, masama ang kutob nya sa paraan nang paghikbi ng nanay ng kaibigan nya.

"A-ano pong nangyari kay Stella?"

"𝘗𝘢𝘵𝘢𝘺 𝘯𝘢 𝘴𝘺𝘢.." tumigil ang pag ikot ng mundo ni Nancy dahil sa narinig nya mula sa nanay ng kaibigan.

Agad syang napahagulhol ng iyak at narinig ito ng nasa kabilang linya na humihikbi rin.

"𝘞-𝘸𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘢 𝘴𝘪 𝘚𝘵𝘦𝘭𝘭𝘢, 𝘩𝘪𝘫𝘢..." sabi pa nito.

Nabitawan nya ang kanyang cellphone na ikinagulat ng kanyang mama na kasalukuyang nananahi sa tabi nya. Napatulala si Nancy dahil sa narinig kaya't nilapitan na sya ng kanyang mama at kinuha ang cellphone nya upang kausapin ang nasa kabilang linya.

***

Biglang napayakap si Nancy sa nanay ni Stella nang makita ito sa loob ng ospital na umiiyak. Niyakap ni Nancy ang ina ng kaibigan nang napakahigpit at doon ay humikbi sya nang humikbi. Hinagod ng ina ng kaibigan ang kanyang likod upang pakalmahin sya.

"T-tita Rachel..." humihikbing sambit ni Nancy.

Tumango lang ang ina ni Stella at niyakap sya nang mahigpit. Dumating din doon si Harvey na halatang nagulat at nasaktan sa nangyari sa kaibigan. Alam ni Harvey sa sariling kahit papaano ay minahal rin nya ang kaibigang si Stella na bestfriend ng dati nyang nobya.

Napalingon doon si Nancy na halatang magang maga na ang mga mata at muling humagulhol ng iyak.

Nagpunta sila sa morgue kung nasaan ang mga labi ni Stella, muling napahagulhol ng iyak ang ina ng kaibigan nila at napayakap ito sa asawa nito. Mahinang humikbi rin si Nancy at pinipilit lang na maging matatag sa mga nangyayari habang si Harvey ay tahimik at walang kibo sa isang tabi, naka-cross arm at malungkot na pinagmamasdan ang katawan ni Stella.

Pagkatapos nilang magpunta sa morgue, lumabas muna saglit si Nancy para kalmahin ang sarili dahil pakiramdam nya, tatakasan na sya ng huwisyo nya. Sumunod ang ina ni Stella kay Nancy at kinausap sya.

Umupo sila sa upuan sa labas ng morgue at doon ay nag usap sila nang masinsinan. Humihikbi pa si Nancy nang mahina nang madatnan ng Tita Rachel nya.

"Hija.." napalingon si Nancy sa tabi nya at agad nyang pinunasan ang mga luha sa pisngi nya.

"T-tita Rachel.." sambit nya.

"A-ayos lang hija, alam naming masakit ang nangyari sa kanya, sa anak ko. Maging kami ng asawa ko, mga magulang nya, sobrang nasasaktan sa nangyari sa kanya...." tumigil sa pagsasalita ito at may inilabas mula sa bulsa nya.

Nagtaka pa si Nancy sa iniaabot sa kanyang isang sobre na sa tingin nya ay may laman sa loob. Inabot nya yun at pinagmasdan nang maigi.

"Nakita namin sa kwarto ni Stella yan..." nakangiwing sabi nito at pumasok na sa loob ng morgue.

Tumango si Nancy at sinimulan nang buksan ang sobre. Nakita nya ang isang papel at may nakasukat ditong From: Stella.

Agad na binasa ni Nancy ang sulat ng kaibigan.

From: Stella

Mahal kong mga magulang at mga kaibigan...

Malaki ang kasalanan ko sa inyong lahat. Alam ko sa sarili kong hindi na ko magtatagal pa dito sa mundo at alam ko sa sarili kong hindi nyo ako mapapatawad, lalo na ang kaibigan at bestfriend kong si Mayven.

Alam na alam kong sobrang sama nang ginawa ko sa kanya, na ipinagkanulo ko sya sa ngalan ng grado para makapasa kay Mr. Nuñez pero kasi napilitan lang akong gawin yun sa kanya, kami napilitan lang kaming gawin yun kay Mayven.

Mommy, daddy, sana mapatawad nyo po ako. Kami po ang dahilan kung bakit nagawang kitilin ng kaibigan namin ang buhay nya. Kami po ang may kasalanan kung bakit maagang nawala sa mundo ang kaibigan namin. Marami pa po syang mga pangarap ngunit dahil sa amin, sa ginawa namin, lahat nang mga yun ay naglaho.

Nancy... kung mababasa mo man to gusto kong humingi nang patawad dahil sa ginawa ko sa kaibigan natin. Gusto kong humingi nang sorry, sorry dahil ginawa namin yun. Alam kong masakit ang nangyari sa kanya at alam ko ring sobra kang naapektuhan, patawad...

Nasasaktan ako dahil isa isa na kaming sinasama ng kaibigan natin at nararamdaman kong isa na ko sa kukunin nya. Nancy, ang swerte mo. Sa totoo lang, napakaswerte mo, dahil sa ating lahat ikaw lang ang tunay na may malasakit kay Mayven. Napaka swerte ni Mayven sayo, na nagkaroon sya ng kaibigang kagaya mo.

Gusto ko mang humingi nang patawad kay Mayven, hindi ko na magagawa. Gusto kong ibalik ang gabi kung kelan nangyari yun at itigil ang ginawa namin. Gusto kong mag-time travel sa nakaraan para pigilan sila sa balak nilang gawin kay Mayven, pero napaka imposible.

Harvey, alam kong masamang mahalin ka dahil pag aari ka na ni Mayven pero hindi ko napigilan ang sarili ko at hindi ko sinasadyang mahalin ka. Alam kong nagkaroon tayo ng lihim na relasyon na hanggang ngayon ay pinagpalasalamat ko, hindi ko sinasabing masaya akong nawala si Mayven pero masaya ako dahil sinubukan natin.

Miss na miss ko na si Mayven, miss na miss ko na ang Mayven na kaibigan nating masaya lang at walang pinoproblema. Yung Mayven na isip bata at matalino. Nami-miss ko na yung bonding nating magkakaibigan, nami-miss ko na ang lahat nang mga nangyari sa atin nung hindi pa tayo umaabot dito. Nagsisisi na ko, pinagsisisihan ko na ang mga ginawa ko.

Mommy, daddy, Nancy.. sana mapatawad nyo ako. Sige na, nagsisimula na naman akong umiyak hahahahaha... maraming salamat sa inyo, at patawad:<

Nagmamahal, Stella..

Sunod sunod na umagos ang mga luha sa pisngi ni Nancy matapos mabasa ang sulat ni Stella. Hindi nya mapigilang maawa sa kaibigan dahil sa mga sinabi nito, nararamdaman ni Nancy na bukal sa puso ni Stella ang mga sinulat nya at nararamdaman nyang handa na ito sa maaaring mangyari sa kanya.

Ibinigay nya rin ang sulat kay Harvey na biglang lumabas sa loob ng morgue, at matapos mabasa iyon ni Harvey, doon na sya tinakasan nang kanyang mga luha.

I can't forget youWhere stories live. Discover now