Entry #10- Online Heartache

167 2 4
                                    


Naranasan mo na bang magmahal online? Naranasan mo na bang mag-online lang dahil sa taong hinihintay mong makausap? 'Yong okay lang kahit sa computer shop ka na halos tumira para lang makausap s'ya. Nakalimutan mo na ang buhay mo sa outside world kasi sapat na para sa'yo ang buhay mo. Ngunit ang tanong worth it nga ba ang ganitong uri ng pag-ibig?


5. (Wala na. Move on ka na lang, 'Day.)

Napakurap si Emma habang nakaupo s'ya sa loob ng ministop. Hindi s'ya makapaniwala sa nakikita n'ya. Pakiramdam n'ya pinaglalaruan s'ya ng sariling paningin. Heto na ba ang sagot sa lahat ng kanyang pagtatampurorot sa tadhana? 


Tumayo s'ya at lumapit sa lalagyan ng ice cream kung saan nakatayo ang lalaking hindi s'ya makapaniwala na nasa harapan n'ya. Si Paolo. Masayang kumakain ng hotdog at may kasamang isa pang kakulitan nito.


Dahan-dahan ang paglalakad ni Emma. Halos hindi na nga mabuhat ang paa n'ya pero natigil ang lahat nang tumingin sa kanya si Paolo. Pati ngiti n'ya hindi na natuloy. Dahil ang nasa harapan n'ya ay hindi si Paolo. Namalikmata lang s'ya. Hindi ito ang lalaking naging laman at dahilan ng pagmumukmok, sakit, saya at kalandian n'ya sa loob ng isang taon.


Ginogoyo lang s'ya ng utak n'ya.


Mapait na napangiti si Emma saka bumalik sa kinauupuan n'ya at naghintay na sa mga kaklase n'ya. Muli parang isang batang nakalabas sa bahay na nagpaikot-ikot si Paolo sa utak ni Emma. Naisip n'ya ang lahat ng nangyari.


Ngayon hindi na ganoon kapait ang ngiti n'ya. Hindi kasi 'yong masakit ang naalala n'ya kung hindi 'yong masasaya. 'Yong mga kalokohan nila at 'yong dahilan kung bakit minahal n'ya si Paolo.


Naisip tuloy n'ya, bakit kaya may mga taong bitter kapag nababasted? Dahil napahiya sila? Dahil nasaktan? Para kay Emma walang dapat na ika-bitter ang isang taong natanggihan. Sabi nga sa isang palabas kapag nagmahal ka hindi obligasyon ng taong mahal mo ang mahalin ka rin. Kaya hindi s'ya nagrereklamo sa lahat ng nangyari.


Maaring umaasa pa rin si Emma na maibalik ni Paolo ang nararamdaman n'ya sa paraang gusto n'ya. Pero sa ngayon makokontento na muna s'ya sa ganito. Sa manatiling nasa tabi ni Paolo kahit na nasasaktan s'ya. Pagkamartir ba o pagiging masokista ang tawag do'n?


Pero heto ang paraan n'ya ng pagmo-move on. Ang damhin ang lahat ng sakit at ingiti. Para sa susunod na magakadaupang palad na n'ya si sakit ay alam na n'ya at maiiwasan na.


4. (Hindi ka talaga n'ya gusto)

Emma: Manhid ka naman talaga! Hahaha. Ako nga ilang beses na nagtapat sa'yo


Paolo: 'Wag ka na sa 'kin. Kasi I'm a jerk.


Emma: Pero kay May okay lang 'yang jerk na 'yan? Hahahaha!


Paolo: Hahaha. Ewan. Baka she'll change me? Hahaha!


Emma: Nag-inom ka ba? Hahahaha!


Paolo: Kwentuhan mo na lang ako. Haha.

First WaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon