Chapter Three : The WarBots

201 1 0
                                    

_____________________________________________________________________________

"ikaw na ang mag - organize kung papaano ibibigay ang mga warbots nang hindi napapabayaan ang depensa natin sa labas .." utos ni maj. navarro kay lt. surge ..

"sir yes sir ! " tuwang tuwang sumaludo si lt. surge ..

"pipili na ako ng warbot ko .." sabi ko kay Maj. navarro at nagtuloy tuloy ako sa paglilibot sa loob ng secret room ..

"sige binibini ! maghahanap lang ako ng bago kong baril .. nagsasawa na ako sa machine gun ko .." sumang-ayon si major sa sinabi ko at lumabas na sya sa kwarto ..

dala - dalawang nagpasukan ang mga sundalo .. agad silang  lumapit at umupo sa pinakamalapit na warbot .. nagtataka ako kung bakit tuwang tuwa sila nang makakita at makahawak ng warbot ..

"lt. surge .. bakit ba tuwang tuwa ka sa mga warbots ?" tanong ko kay lieutenant nang pumasok siya kasama ng dalawang sundalo ..

"kasi po ma'am .. ang warbot po ay ipinapagamit lamang sa mga 1st lieutenants .. napakahirap po kayang magpataas ng rank .." masayang paliwanag niya sa akin ..

"ah .. o sige .. magpatuloy ka na sa ginagawa mo .." sabi ko kay lt. surge at nagpatuloy ako sa paglilibot ..

"mahirap nga bang magpataas ng ranggo sa militar ? bakit kaya wala akong maalala ? ano bang mga ginawa ko ? bakit ba napakataas ang ranggo ko ?" tanong ko sa sarili ko .. sa aking paglilibot .. nakakita ako ng isang warbot na kulay itim .. nag - iisa lang ito sa lahat ng mga warbot na naroon .. "magandang camouflage sa gabi tong warbot na to ahh .. " paraktikal ko agad na naisip pagkakita ko pa lang sa kulay itim na warbot ..

"lieutenant ! pwede mo ba akong puntahan saglit dito .." nilakasn ko ang aking boses para marinig ako ni lt. surge ..

narinig ko ang pagtakbo ng masayang lieutenant .. " bakit po ma'am ?" masayang tanong niya sa akin ..

"hindi ka pa rin nakakarecover ? tignan mo tong warbot na to .. ito ang gagamitin ko .. maaari mo ba akong turuan kung paano ito gamitin ?" tanong at utos ko sa kanya ..

"ah .. wow .. ang itim na warbot .." natulala siya at natahimik .. tinitigan niya ang warbot ng halos tatlumpung segundo ..

"lieutenat ?! ano bang nangyayari sayo ?" sinigawan ko siya para bumalik ang diwa niya ..

"ay ! pasensya na po ma'am .. masyado lang po akong natutuwa sa mga nakikita at nararanasan ko ngayon .. sige po .. tatapusin ko lang po ang pagbibgay ng mga warbots .. tuturuan ko po kayo .." masaya pa rin siya nang sinabi niya ito sa akin ..

"ako nalang ang magtuturo sayo binibini .. masyadong importante ang oras .. hindi tayo pwedeng magtagal dito .. " biglang sumulpot si major navarro sa tabi namin ..

biglang kumabog ang dibdib ko sa pagsulpot ni major navarro .. pero .. para hindi halatang nagulat ako .. nanahimik ako at hindi nagreact ..

"ui .. major .. nandyan po pala kayo .. nagulat po ako sa pagdating niyo .. tama nga po kayo .. marami pa po palang naghihintay na sundalo sa labas .. babalik na po ako .." sabi ni lt. surge at bigla siyang tumakbo papalayo ..

"binibini .. sumakay ka na sa warbot na napili mo .." utos sa akin ni major navarro ..

"sino ba siya sa tingin niya .. hindi ba niya naalala na nasa serbisyo kami ? bakit niya ako tinatawag na binibini ? atsaka .. bakit  niya ako inuutusan ? o sya .. sige .. matututo naman ako ehh .. pagbibigyan ko nalang .. " sabi ko sa sarili ko ..

lumakad ako papaakyat sa warbot na napili ko .. " ito rin ba ang napili mong warbot major ?" tanong ko sa kanya ..

"hindi binibini .. para lamang yan sa mga matataas ang ranggo tulad mo .. " sagot niya sa akin ..

"bakit ganun ? ano bang meron ang mga warbots na to ? bakit sa mga matataas na ranggo lang ito pwede .. at bakit para sa mas matatataas na ranggo lang ang ibang kulay ng warbot ?" biglang pumasok ang mga tanong sa isip ko ..

sumakay ako ng warbot .. puro technology ang nasa buong paligid .. wires , switches , ilaw , monitors , analogue , controleers , at iba pa ..

"ngayon .. pindutin niyo ang red circle button sa itaas mo binibini .." unang paliwanag sa akin ni major ..

nang pinindot ko ang red button .. nagumpisang magsi-activate ang buong warbot .. may mga bagay na nakipagsynchronize sa warsuit at headgear na suot ko .. pakiramdam ko .. parang akong mummy na binalutan ng toilet paper ang bawat parte ng katawan.. at ang pakiramdam ko .. "iisa lang kami ng warbot .." at yun nasabi ko pa ..

"tama chief .. iisa lang kayo ng warbot .. yan ang epekto ng synchronization ng warsuit mo sa warbot .." biglang nagsalita si major ..

"papaanong naririnig mo ako dyan major ? samantalang kulob ang ako sa loob ng warbot .." tanong ko sa kanya ..

"ikaw ? papaano mo ba ako naririnig mula dito chief ?" nagtanong din sa akin si major ..

"gamit ang headphones ko .. " sagot ko .. may biglang nagconclude sa utak ko .. "ah .. alam ko na kung bakit major .. may speakers ang warbot papalabas sa controller nito .." paliwanag ko ..

"tama binibini .." sagot ni major sa akin ..

pakiramdam ko sa sarili ko .. alam kong patakbuhin at kalikutin ang warbot .. pakiramdam ko .. parang may mga inpormasyong gustong lumabas sa utak  ko .. tila ba sila ay nakakulong ..

"binibini .. umpisahan mo nang maglakad papalabas .." sabi ni major sa akin ..

hindi agad ako nakasagot dahil sa mga iniisip ko .. "ah.. oo major .. susunod na ako .." sabi ko nalang sa kanya ..

habang nasa warbot .. pakiramdam ko , parang lamang akong naglalakad gamit ang aking mga paa .. naubos na ang mga warbot na nakastock sa secret room .. ako nalang pala ang hinihintay ng lahat ..

____________________please VOTE or Leave a COMMENT to continue____________________

________________________________♥ juztin_0015 ♥_________________________________

Vendetta : Book 1 <Book of Silver-Eye Clan>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon