Chapter Two : Red Angel

239 1 0
                                    

_____________________________________________________________________________

habang naglalakad .. lahat ng sundalo sa paligid namin ni maj. navarro at lt. surge ay naka-alerto .. mukhang handang handa sila kung may sakaling umatake sa amin .. medyo kinakabahan din ako .. kasi ang West Field ang pangatlo sa may pinakamalakas na depensa sa Silver City ..

"Maj. Navarro , pwede ba tayong huminto saglit .. may isasuggest lang akong plano .. " sabi ko kay Maj. Navarro na tahimik na nagmamasid at nakikiramdam ..

tumingin sya sa akin .. "Stop !" sabi niya sa mga sundalong kasama namin .. lahat ay nagsihinto sa paglalakad .. pero sila ay nakaalerto pa rin ..

"ano ang iyong imumungkahi binibini ? " tanong sa akin ni Maj. Navarro ..

tumingin ako sa kanya ng medyo galit .. dahil paano nagagawa ng isang Maj. na magsalita ng ganun habang nasa serbisyo kami ? .. "im Chief Intelligence Bautista .. sir .." huminga ako ng malalim at kalmado kong sinabi iyon ..

"oh .. Chief Int. Bautista .. pasensya na po ma'am .. masyado lang po talaga akong maginoo .. ano po ba ang inyong imumungkahi ?" sinabi niya iyon na parang nagpapacute sa akin .. isinawalang kibo ko na lamang iyon .

naglabas ako ng Projected Blue Print ng buong West Field gamit ang Watch Map na binigay sakin ni Mr. Silver- eye .. ang pinakaginagagalang na lahi sa aming lungsod at ang namumuno sa buong lungsod .. umupo ako at umupo din si Maj. Navarro at Lt. Surge .. " nandito tayo ngayon sa Olive Street .. dyan sa green spot sa mapa .. ngayon .. patungo tayo sa Pine Street .. kung dadaan tayo sa napagplanuhan .. mas magiging delekado tayo .. kasi dadaanan natin ang Oak Street , ang main street ng west field ..  doon nagpakawala ako ng Spy Fly at nakita na may limang armadong lalaki na nakasuot ng headgear natin pero hindi sila naka-warsuit .. mukha silang mga napakalalakas na nilalang dahil puro patay na sundalo natin ang nasa paligid nila .." paliwanag ko sa kanilang lahat .. tumingin ako sa mga sundalong nakapaligid sa akin .. ang iba sa kanila ay kitang kita ang pagkatakot at kaba ..

"ah ganun ba .. so ngayon , san tayo dadaan ?" tanong sa akin ni Maj. Navarro at tumingin siya sa akin..

"tumingin uli ako sa Blue Print para umiwas sa pacute na titig ni maj. Navarro .. " dito tayo ngayon dadaan sa Birch Street .. isa tong eskinita na pinakamalapit sa Pine Street .. dito walang matataas na buildings para hindi tayo prone sa ambush at snipers kung meron man .. wala ring akong nakitang tao gamit ang spy fly ko .. " paliwanag ko uli sa kanila .. " ano ang iyong masasabi Maj. Navarro ? " tanong ko sa pacute na Major ..

"hmmm .. pwede ko bang mahiram ang spy fly mo binibini .. " sabi niya sa akin na parang hindi narinig ang tanong ko ..

inilabas ko ang Spy Fly .." ingatan mo yan Major .." sinabi ko sa kanya at iniabot ko ang device sa kanya ..

pagka abot ko nun sa kanya .. agad niyang in-on ang switch ng monitor at ng Fly .. pinalipad at pinaglaruan niya muna ito na parang nagpapalipad ng remote control plane ..

"Maj. ! balak niyo lang bang paglaruan ang Spy Fly ko ?! " galit na tanong ko sa kanya ..

"hindi .. tinetesting ko lang ito .. parang mabagal kasing lumipad at kumilos .. " sabi niya sakin habang tinititigan ang device ..

nainsulto ako ng bahagya kaya .. "san niyo ba gagamitin niyan Major ?! " tahasang tanong ko sa kanya ..

tumingin uli sya sa akin .. tapos tumingin siya sa Blue Print .. "nakikita mo ba ang eskinita na katabi ng Oak Street ? " tanong niya sa akin ..

"oo , pero masyadong delikado roon .." sagot ko sa kanya ..

"delekado nga , pero mas mapapadali ang trabaho natin kung kukunin ang mga armas doon sa weapon shop .." sabi niya sa akin ..

Vendetta : Book 1 <Book of Silver-Eye Clan>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon