Chapter 19 - NDKS, may nagselos

10K 338 34
                                    

"EEEEEEIIIKKK! MYRAH! I cannot believe you! You have some major explaining to do!" - sabi ni Jaycee habang hinihila ako patungo sa table namin.



Lunch time na ngayon at papunta na kami sa cafeteria. 3 days have past since nung bumisita ako sa SimSimi Inc. and 3 days, 4 hours & 36 minutes have passed since I last heard of Kieth.



But who's counting?



Nang nakaupo na kami sa table namin, I started to eat while Jaycee started to blab out nonsense.



"Girl! Spill already! I know na nagdate kayo ni you-know-who! I need the details! TELL ME!" - she said excitedly.



"Da heck?! date? Ano ba yang pinagsasabi mo?!" - I spat out.



"Psh. Wag mo na nga i-deny. Alam ko na nagdate kayo ni Kieth last Monday!" - sabi niya.



I sighed.



"Ok look, first of all hindi kami nagdate last Monday. Sino ba ang nagsabi sa'yo nyan? And second, 3 days ago na yun! Bakit ngayon ka lang nagrereact?"



"Kagabi ko lang nalaman. Seriously girl, akala ko bestfriends tayo. Bat naglilihim ka na sa'kin?" - sabi niya while pouting.



"I don't see the point in telling you. It's not that important. At tsaka alam ko na magoovereact ka naman. Sino ba kasi ang source mo ha? Ang dali mo naman maniwala." - sabi ko sabay subo ng french fries.



"Eh kasi yun yung sinabi ni Aito sa'kin." - she shrugged.



Huh... I figured.



"Well, believe me when I say this Jays. Hindi kami nagdate. Ok?" - I said while finishing up lunch.



Tumingin siya sa'kin with doubtful eyes. But still shrugged nonetheless. "Ok fine. Sabi mo eh."



Ngumiti ako sa kanya. "Sige, mauna na muna ako Jays."



"K, see ya!"



Nang nakalabas na ako sa cafeteria, nakita ko si Aito sa hallway. Mukhang may kausap siya eh.



Hmp. Speak of the devil.



I have a real bone to pick with him.



What? He thinks he can lie about me behind my back and can get away with it?



Over my dead sexy body!



Limapit ako sa kanya and I grabbed his ear. Hinila ko siya palayo sa kinakausap niya. Despite all the yelling noise coming from him, I just kept on pulling without saying a word.



"Hoy! babae! bitawan mo nga yung tenga ko! Hindi mo ba nakita? may kausap ako oh!" - siya.



Like I care?



Binitawan ko siya nung nakasiguro na ako na wala nang tao sa paligid.



"Magusap nga tayo" - sabi ko



"Ano bang problema mo Myrah? One day, pinagtatabuyan mo ko tas ngayon, gusto mo nang makipag-usap?" - siya.



"Yup. Ganun na nga. Gusto ko lang malaman kung bakit mo sinabi kay Jaycee na nagdate kami ni Kieth? Hindi naman kami nagdate ah! Ni hindi ko nga siya nakasama pagkatapos niyang ihatid ako sa office ni Sir CoVino!" - lies .....



All lies.



Well what do you expect? sasabihin ko lang basta basta?



He scoffed.



"Oh really? Eh anong sinabi ni Sir CoVino pagkatapos nung so called 'whole day meeting' mo with him? huh?" - he mocked.



"That is classified. Sa tingin mo sasabihin ko sa'yo? Eh nagsinungaling ka nga behind my back! Akala ko mabait ka! eh hindi naman pala." - I spat out.



"Mabait naman talaga ako ah! Kasalanan ko ba kung nagseselos ako?!" - sabi niya.



Wait, what?!



Hindi ako nakasalita sa sinabi niya.



He scratched the back of his head. "Tss. Nevermind what I said. Sorry na sa pagsisinungaling ko" - sabi niya then umalis na din kaagad.



Da hell is wrong with that guy?



. . . . . .



* kkkrrriiiinnngggg *



The dismissal bell just rang and I am now on my way outside the campus.



Tumingin ako sa wrist watch ko.



Hmmm.... mukhang napaaga yung dismissal namin.



Nagdesisyon ako na pumunta na muna sa favorite pastry store ko.



They have the best chocolate cake EVER!



Just thinking about it makes my mouth water.



Nang pumasok na ako sa shop, umorder na ako kaagad.



Umupo na ako sa usual seat ko and started to eat the sweet chocolate heaven in front of me.



I was almost done eating when I saw a familiar figure go in the store.



Si Kieth.



Pero hindi siya mag-isa.



May kasama siyang isang lalaki na nakafedora at sunglasses.



Hmmm... is it just me or parang ang suspicious ng kasama ni Kieth?



Tinakpan ko yung mukha ko ng isang textbook na kinuha ko from my bag.



Nakita kong nag-order yung si mr.unknown at si Kieth ang nagbayad.



Huh? Nililibre niya?



Nagtake-out sila at lumabas na din kaagad.



Hindi ko napigilan ang sarili ko, so I ended up following them.



Stalker much? but what da heck? I'm dying to know kung sino yang kasama ni Kieth.



Pumunta sila sa isang abandoned alleyway and I hid at some random pillar.



Mukhang may private convo silang dalawa.



Ano kaya pinag-uusapan nila?



I'm dying to know here!



And then, all of a sudden, bigla niyang sinuntok si Kieth at nawalan siya ng malay.



Out of instinct, tumakbo ako sa kanya without hesitation.



But it was too late.



Before I could even move a muscle, I have already been engulfed in darkness.



________________

Heyyoo! here ya go!

Nagustuhan niyo ba?

Vote and Comment po kayo!

And don't hesitate to ask me if you get confused.!

Dats all! see ya later!

~Ms. Author~

Nang Dahil Kay SimSimi (COMPLETED)Where stories live. Discover now