Part 3

14 0 0
                                    

Part 3

💢PROPOSAL

"Masakit paba..?nag aalalang tanong ni arvic sa dalaga habang ginagamot niya ang galos sa braso nito..

Ma tyaga niya iyong nilalagyan nang ointment sa umagang iyon habang nasa veranda silang dalawa ni sam. Tatlong araw na ang nakalipas kaya pagaling narin naman iyon.

Tumango naman si samantha bilang tugon habang nakatitig sa lalaki. Napakabait kasi nito sa kanya.

Nginitian siya ni arvic saka ipinag patuloy ang ginagawa.

"Kapag okay kana. Ipapakilala kita kay lola, magugustuhan ka niya. Dinig ni samantha  sabi nito.

"Salamat sir..paano nga pala kung di ako magustuhan nang lola mo.?

Kumunot ang nuo nito bago bahagyang tumawa.

"matagal ng nag hihintay si lola na mag mag akyat ako nang babae sa mansyon. Baka nga dika na pakawalan noon. Saka nga pala sam pwedi Arvic nalang ang itawag mo sakin  pakiramdam ko kasi employee kita..pag bibiro nito sa huling tinuran.

Na excite naman siyang makilala ang lola nito. Nabibilang nalang kasi ang mga mayayamang mababait sa mundo. At kasama na si arvic doon. Ang swerte niyang nakilala ito.

Hindi lang si arvic ang mabait sa kanya kundi pati narin ang mga kasamahan nito sa bahay. Itinuturin siyang prinsesa.

Matapos siyang lagyan nang ointment ay dinala siya  nito sa labas nang bahay.

"Ipapasyal kita sa buong lupain nang lola ko dito sa ashienda sam sakay nang kabayo. Halika.. Masayang sabi ni arvic sa kanya.

Hindi siya takot sa kabayo dahil nakasakay na siya noon minsan at masarap iyon sa pakiramdam.

"Talaga arvic..? excited niyang tanong.

Nginitian lang siya nito, nang marating nila ang kwadra ay ipinakilala siya sa kulay kape nitong kabayo na si acer. Lalaki kasi ito,

Inalalayan siyang sumakay ni arvic hawak sa mag kabilang bewang niya at pag katapos ay sumampa ito sa likuran niya.

Hindi nalang pinansin ni sam ang kakaibang nararamdaman habang yakap siya nito dahil pumulupot ang isang braso nang binata sa bewang niya upang wag siyang matakot.  Wala namang kasing malisya iyon kay arvic. kundi sinasanay lamang siya nang lalaki para kapag dumating na ang araw na kailangan na nilang gawin ang isang bagay sa proposal nito ay hindi na siya maiilang.

Lunch na nang umuwi sila ni arvic pabalik sa bahay matapos siyang ilibot sa buong ashienda racho. Nakahain narin ang lunch na inihanda nang tagapag silbi nang binata na si manang ofelia at nang dalawa pa nitong kasama.

Minsan naninibago siya sa magandang nangyayari sa kanya ngayon. Sa halos tatlong taon niyang pagiging alipin sa kamay nang tiyahin at mga pinsan  tumatak na iyon sa isip niya. At mag pa hanggang ngayon ay patuloy niya paring kinakalimutan.

Pag katapos nilang mag lunch ay pinag pahinga na siya ni arvic sa kanyang silid. Bagaman hindi pagud at nahiga siya sa kama habang iniisip parin ang nangyayari sa buhay niya kasama nang isang mabuting tao.

Dalawang araw pa ang lumipas at tulad sa umagang iyon pag gising niya ay Naligo siya't nag bihis. Isinuot niya ang Kulay puting dress na umabot sa gitna  nang kanyang mga hita. Isa iyon sa ipinabili na damit ni arvic sa kanya.

Pag kagaling niya kasi sa hospital nag pabili kaagad ito kay manang nang mga susuutin  niya sa hacienda.. ang alam nang mga kasamahan nila sa bahay ay isa lamang siyang bisita ni arvic. pero narinig niya minsang pinag uusapan sila nang dalawang kasambahay na bagay daw sila ng binata.

PROPOSALWhere stories live. Discover now